HAILEY POV:
Masaya kong pinagmamasdan ang aking mga kaibigan na naghahabulan sa buhangin na parang bata kasama ang kanilang mga anak.
Nakasampa sa balikat ni Taylor ang anak nilang si Cielo habang ang asawa naman nitong si Diana ay hawak-hawak sa kamay ang kanilang bunso na si Clay.
Hinahabol naman sila nila Aubrey at Bernice habang karga-karga ni Aubrey si Candice.
Sila Dhalia at Aria naman ay pagod na nahiga sa buhanginan kasama ang ksmbal nilang anak na sila Lorine at Coline.
Sila Ava at Alecia naman ay nakasilong na sa puno ng niyog habang hinihingal sila kasama ang kanilang anak na si Avril.
Kami naman ni Arth, ay hawak-hawak ang anak naming si Summer.
"Tama na ayoko na" pagod na sambit ni Taylor kaya napagdesisyunan na naming bumalik sa resthouse na pinagawa ni Arthemis malapit sa dagat.
Limang tao mula ng magpakasal kami ni Arthemis sa Australia ay nagpatayo siya ng resthouse dito sa Palawan.
One month matapos naman ang kasal namin ay sumalang agad ako sa IVF kaya nabuo si Summer, ang aming cute and bubbly daughter.
"Mommy can I go there, I want to play with them" paalam sa akin ni Summer bago ituro ang anak ng mga kabigan namin ni Arthemis.
"Sure baby" sambit ko, masaya naman itong nagtatakbo papunta sa mga kalaro niya.
"Ang bilis ng panahon, limang taon na ang anak kong si Cielo" nakangiting sambit ni Taylor.
Yumakap naman sa kanya si Diana at pinagmasdan nila ang mga bata.
"Three years old na din si Avril namin" sambit naman ni Alecia at hinalikan sa noo ang kanyang asawa na si Ava, one year after wedding kase namin ikasal ni Arthemis ay sila naman ni Ava ang sumunod.
"My twins are two years old, pero yung kulit nila parang seven na" naiiling na saad ni Dhalia.
"They're now two years old, pwede na din natin silang sundan. This time ikaw naman magdadala" sagot naman ni Aria sa asawa niya.
Agad namang namutla si Dhalia na ikinatawa namin.
"Pwede bang pass muna" saad nito sa asawa niya.
"Anong pass? Hindi pwede." mabilis na sagot ni Aria dito, agad namang pumulupot ang braso ni Dhalia sa bewang ng asawa niya para amuhin ito.
"Ahh--ray, love sila yung unang lumapit sa akin" umiindang paliwanag ni Aubrey sa asawa niyang si Bernice.
"Ikaw Aubrey, may anak na tayo. Hindi ka pa din nagbabago" sermon naman ni Bernice sa asawa niyang si Aubrey na ikinatawa namin. Sana'y na naman kaming lahat sa kanilang mag-asawa.
Ganyan talaga sila maglambingan.
"By the way guys, did you my daughter?" tanong ni Bernice.
Tinuro naman ni Diana ang mga kinaroroonan ng mga bata, at agad napangiti si Bernice ng makitang masayang naglalaro ang mga mata.
"Ang saya pagmasdan" naiiyak na sambit ni Aubrey, niyakap naman siya ng asawa niyang si Bernice.
Nagulat naman ako ng biglang may pumulupot na braso sa aking bewang ngunit ng maamoy ko ang pabango nito ay agad akong ngumiti.
"Where have you been?" tanong ko kay Arthemis.
"Inayos ko yung pagkain natin, halatang-halata kasing mga pagod kayo" sagot naman nito at saka ngumiti.
"Nasaan nga pala si Summer?"
"Naglalaro kasama yung mga bata" sagot ko bago humarap sa kanya, mabilis niya naman akong hinalikan sa aking labi.
"Mommy, I'm hungry let's eat na" agad naman kaming natawa ni Arthemis ng magsalita ang aming anak.
Binuhat naman ni Arthemis ang anak namin bago yayain ang aming mga kaibigan na pumasok na sa loob para kumain.
Kinagabihan pagkatapos naming mapatulog ang mga bata ay pumunta kami sa bonfire na pinahanda nila Taylor.
"Masaya ako dahil hanggang ngayon, magkakasama pa din tayong magkakaibigan" lasing na sambit ni Taylor.
"Ako din, hindi ko akalain na sa dami ng masasakit na pinagdaanan ko, makikila ko kayo. Salamat sa inyo" saad naman ni Aubrey na ngayon ay nakasubsob na sa balikat ng kanyang asawa.
Pagtapos ng ilang oras na kasayahan namin sa bonfire ay nagsibalikan na kami sa aming mga kwarto, pagpasok namin ni Arthemis sa aming kwarto ay tumambay muna kami sa veranda.
"Pinagsisihan mo bang tinalikuran mo ang pagmamadre para makasama ako?" tanong sa akin ni Arthemis habang ang kanyang kamay ay nakayakap sa aking bewang.
Humarap naman ako sa kanya bago hawakan ang kanyang pisngi.
"Wala akong pinagsisihan Hun, masaya akong kasama ka, kayong dalawa ni Summer" nakangiti kong sagot.
Agad namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi kaya lumabas ang magkabila niyang biloy na, namana ng anak naming si Summer.
"Alam mo wife ako din, hindi ako nagsisi na kinuha kita sa kumbento, wala akong pinagsisihan sa lahat-lahat ng ginawa ko makasama ka lang" sagot niya bago ako bigyan ng mabilis na halik sa aking ilong.
"I love you wife" maamo at buong puso nitong saad.
"I love you too Hun" masaya kong sambit.
"Sundan na natin si Summer" ani nito bago ako halikan sa aking labi na agad akong tinugunan.
Sa ating buhay may dadating na tao, na magbabago ng takbo ng ating kwento, yung taong mamahalin ka at dadamayan ka sa lahat ng pagyayari sa iyong buhay, ang kailangan mo lang gawin ay maging isang responsableng bida sa sarili mong kwento. Alamin mo kung ano ba talaga ang gusto mo at tinitibok ng iyong puso.
I am Hailey Conception- Rivas, a nun who fell in love and now I am happily married to my one and only childhood bestfriend Arthemis Rivas.
I am now signing off.
••••••
Date Published: Aug. 30, 2021Time: 10:28am
SISTER HAILEY IS NOW SIGNING OFF.
~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...