CHAPTER THIRTY-TWO

1.9K 80 8
                                    

ARTHEMIS POV:

Tahimik kaming dalawa ni Hailey, habang nakatingin sa langit.

Nandito kami ngayon sa rooftop pagkatapos ng nangyari kanina sa pool.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Masaya ako, na natatakot.

Natatakot ako na baka pagkatapos nito ay babalik na siya sa kumbento..

Natatakot ako kase alam kung kapag ginawa niya iyon ay wala na akong pag-asa.

Madre pa din siya.

"Arth, anong iniisip mo?" hinawakan niya ang aking kamay, kaya napatinggin ako sa kanya.

"Natatakot ako, Hailey" pag-amin ko sa kanya..

"Bakit ka naman, natatakot?" nag- aalalang tanong niya.

"Madre ka Hailey, natatakot ako na baka iwan mo ako"

"Arth, I love you" sambit niya na ikinatigil ko.

"Madre ka----

"Shhh" inilagay niya ang kanyang hintuturo sa aking labi.

"Madre ako. Yes, I am. That's why I'm planning to resign, I love you Arthemis. Maiintindihan naman siguro ng Diyos, kapag pinili ko na maging masaya kasama ka."

Hindi ko napigilang maiyak sa sinabi niya. God, I'm sorry but I really love this girl.

"Why are you crying?" pinunasan niya ang aking luha at tumingin sa aking mga mata.

"Tears of joy" sambit ko naman na ikinangiti niya.

"I love you, Hailey" sambit ko na ikinangiti niya.

"I love you too, Arthemis Rivas" nakangiti siya habang binabanggit ang tatlong salita na iyon.

Dahil sa saya kung nadarama ay mabilis ko siyang niyakap.

Mahal na mahal ko talaga ang madre na ito.

I'm happy to know, na handa niyang bitawan ang pagmamadre para sa akin. Dun pa lang napakaswerte ko na sa kanya.

Pinapangako sa Panginoon na hinding-hindi ko sasayangin ang regalo niyang ito sa akin.

Habang buhay akong nagpapasalamat sa Kanya, dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na makasama ang babaeng minamahal ko.

Pagkahiwalay namin sa yakap ay parehong may ngiti ang aming mga labi.

"Totoo ba ito? Nananaginip lang ata ako" di makapaniwalang turan ko, kaya natawa siya na ikinatigil ko.

Ngayon ko lang ulit siya narinig na tumawa.

Yung tawang babaeng-babae.

Bakit ang sarap pakingan ng tawa niya?

"Matunaw ako, Arth" sambit niya ng nakangiti, kumalabog naman ang aking dibdib ng masilayan ko ito.

God.

Patay na patay nga talaga ako sa babaeng ito.

Wala naman siyang ginagawa sa akin, pero yung puso ko ang bilis-bilis ng tibok dahil sa kanya.

"Hailey" tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm"

"Nasabi ko na ba sayong ang ganda-ganda mo?" Agad namula ang kanyang pisngi sa aking tinuran.

"I can't remember, my amnesia ako diba" sagot naman niya kaya napanguso ako.

Ang galing niya sumira ng mood.

Nagulat naman ako ng pisilin niya ang aking magpabilang pisngi.

"Ang cute-cute mo talaga Arthemis" nanggigil niyang sambit habang tuwang-tuwa sa pagpisil ng aking pisngi.

Lalo naman akong napanguso sa ginawa niya, at halos mamilog ang aking mga mata ng mabilis niya akong halikan sa aking labi.

Binitawan niya namang ang aking pisngi at inilagay niya ang kanyang braso sa aking batok, habang ang mga magkalapit ang aming mga mukha.

Tumingin ako sa kanyang mga berdeng mata, at halos maiyak ako ng makita ang emosyon na makikita dito.

Love.

She really doesn't lying when she said, that she loves me.

Sa sayang nararamdaman ko ay mabilis kong inihawak ang aking kaliwang kamay sa kanyang bewang at mabilis ko siyang hinalikan.

Her lips that's so soft, na tila ba isang marshmallow.

Tumugon naman siya sa aking halik, kaya nalasahan ko na naman ang strawberry na lasa ng kanyang labi.

Nakakaadik siyang halikan.

Nang maghiwalay ang aming labi ay pareho kaming hinihingal, habang magkadikit ang aming mga noo.

Iminulat ko naman ang aking mata at gamit ang aking kaliwang kamay ay masuyo kong hinaplos ang kanyang pisngi.

Bahagya naman siyang lumayo sa akin at ngumiti.

"I love you, Hao" nakangiti kong sambit.

Hinding-hindi ako magsasawang sabihan siya kung gaano ko siya kamahal.

"I love you too" malambing na tugon niya kaya naman dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tss.

Kaya siguro ako nasasabihan nila Taylor ng marupok.

Ang lakas ba naman ng tama ko sa babaeng ito.

•••••
Date Published: Aug. 21, 2021

Time: 4:39pm

Watch out:

Pasensya na sa wrong grammars at typography

Thanks for reading to this story.

I'wav'u❣️

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon