CHAPTER THIRTY-THREE

2K 76 3
                                    

HAILEY POV:

Magkahawak ang kamay namin ni Arthemis, habang nakaupo sa isang silya sa loob ng opisina ni Atty. Tan, ang abogadong ama ni Alecia.

Kasama din namin sa loob si Lt. Del Fuego at ang isang pulis na lalaki.

"Sinasabi mo na ang iyong Tito na si Cesar Conception, ang gustong magpapatay sayo, at ang pumatay sa mga magulang mo para makuha ang inyong kumpanya" pagkaklaro ni Attorney Tan sa naging statement ko.

Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Arthemis sa aking kamay, kaya agad akong tumango kay Attorney.

Nakakalungkot lang isipin na kung sino pa ang iyong kadugo mo,  ay ayun pa ang taong gusto kang mawala sa mundo, dahil sa kasakiman.

"Tito, ano po ang dapat naming gawin para mahuli agad si Cesar, alam niyo naman pong delikado ang buhay ngayon ni Hailey habang malaya pa ito" tanong ni Arthemis dito.

"Ms. Rivas, hanggat wala tayong nakukuhang ebidensya ay wala tayong laban sa taong iyon, ngunit handa naman makipagtulungan ang mga kapulisan, upang matulungan kayo, at mapadali ang usad ng kaso" sambit ni Lt. Del Fuego.

"Tama iyon, Arthemis. Hayaan mo gagawin ko ang lahat upang matulungan si Ms. Conception" ani ni Atty. Tan.

Nagulat naman ako ng biglang lumapit sa akin si Lt. Del Fuego at hinawakan ang aking kanang kamay.

"Anong ginagawa mo?" galit na tanong ni Arthemis, ng makitang hindi ako komportable.

Napalayo naman sa amin si Lt. Del Fuego.

"Pasensya na Ms. Conception, isusuot ko lang sana ang tracker na ito para madali, ang paglolocate namin kay Ms. Conception, kung sakaling may mangyari sa kanya." sagot nito.

"Pwede mo namang sabihin yan sa amin  kanina, bakit ilalagay mo agad-agad, alam mo namang may trauma siya" singhal ni Arthemis dito, kaya pinisil ko ang kamay ni Arthemis para pakalmahin.

"Pasensya na" hingi naman nito ng paumanhin.

"Akin na yang tracker, ako na magsusuot sa kanya" agad namang ibinibigay ni Lieutenant ang isang itim na bracelet kay Arthemis.

Hinawakan naman ni Arthemis ang kanang kamay ko at dahan-dahang isinuot ito sa akin.

Namula naman ang magkabila kong pisngi ng halikan niya ang likod ng palad ko.

Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi kami tumuloy sa presinto.

Mas pinili kase ni Arthemis na sa law firm na lang kami tumuloy dahil nag-aalala siya sa akin na baka mag freak-out lang ako kapag sa presinto pa ako dinala.

Sa madaling salita sila Lt. Del Fuego na ang nagadjust para sa amin.

Mabait naman si Lieutenant, hindi ko lang alam kung bakit galit na galit dito si Arthemis.

"Hindi pa ba tayo, pwedeng magpadala ng warrant of arrest, kay Cesar Conception?" maya-maya'y tanong ni Arthemis  at pinagsiklop muli ang aming mga palad.

Tumikhim naman si Lt. Del Fuego, kaya napatinggin kami sa kanya.

"Pagbalik ko sa presinto, ay ipapagawa ko na agad ang warrant of arrest para kay Cesar Conception" sagot ni Lt. Del Fuego, at sinenyasan ang isang pulis na kasama niya, na siyang nag susulat ng mga naging statement ko kanina.

"Mauna na po kami" paalam ni Lieutenant, nagpasalamat naman dito si Attorney, habang si Arthemis ay tumango lamang dito.

Ngumiti naman ako sa kanila ng bahagya, bago sila lumabas.

Pag-alis nila Lieutenant ay nagpaalam na din kami ni Arthemis kay Attorney.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mapatinggin kay Arthemis, na ngayon ay tutok na tutok sa daan.

Pwede na kase siyang magdrive ngayon dahil magaling na ang kanang braso niya at hindi na din siya nakasuot ng arm sling.

Ilang linggo din siyang nanatili sa bahay, kaya naman papunta kami ngayon sa kumpanya nila.

"Matunaw ako nan" nakangiting sambit nito, kaya napanguso ako.

"Stop that HaoHao" kumalabog ng malakas ang aking dibdib ng marinig ko ang endearment namin dati.

"I miss calling you, HaoHao" nakangiti niyang sambit, kaya namula na ang aking pisngi.

Pagdating namin sa parking lot ng kumpanya nila ay inalalayan niya akong lumabas sa kanya ng kotse at magkahawak ang kamay kaming pumasok sa loob nito.

Napahawak naman ako sa braso ni Arthemis dahil naiilang ako sa mga tinggin na ipinupukol sa amin ng mga empleyado.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong kaya napahinto kami sa gitna ng lobby ng kumpanya.

"Nahihiya ako" bulong ko na kanyang ikinatawa kaya, bahagya ko siyang pinalo sa kanyang braso.

"Bakit ka naman, mahihiya. Baka sila pa nga mahiya kapag nalaman nila na isa kang Conception" nakangiting sambit nito.

"Ano naman kung Conception ako?" taka kong tanong, parang ang bigdeal kase sa kanila ang pagiging Conception ko.

"Wala ka talagang ka alam-alam" naiiling na sambit nito, at nagulat na lang ako ng ibaba niya ang kanyang braso sa aking bewang.

"Arth, yung kamay mo" saway ko sa kanya at pilit na inaalis ang kanyang kamay sa aking bewang.

Mas nahihiya tuloy ako sa ginagawa niya ngayon.

"Hailey, kapag hindi ka tumigil. Kahalikan kita dito mismo, sa harap nila" banta niya na ikinanguso ko.

Pagdating namin sa office niya ay gulat na mukha ng sekretarya niya ang sumalubong sa amin.

"Sister Hailey" nakangiting sambit nito sa pangalan ko.

Oh, God.

Nakalimutan ko, madre nga pala ako.

Ito kasing si Arthemis eh.

"Hi Dale" bati ko naman dito pabalik.

"Magandang araw po, Ms. Rivas" magalang na bati nito kay Arthemis at bahagya pangyumuko.

At napatigil ito ng makita na nakahawak sa bewang ko ang braso ni Arthemis.

Kaya napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang hiya.

Habang si Arthemis naman seryoso lang na nakatingin sa sekretarya niya.

••••••
Date Published: Aug. 22, 2021

Time: 5:47 pm

Watch out:

Pasensya na sa wrong grammars at typography.

~Eeybeedi 🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon