CHAPTER TWENTY-FIVE

1.8K 84 31
                                    

HAILEY/ GREEN POV:

Ayos na eh, ito na inaamin ko na na mali ang mga binitawan kong salita kay Arthemis.

Hindi ko naman ginustong maging insensitive.

Buong magdamag kong pinagsisihan ang mga nasabi ko sa kanya.

Tapos ngayong hihingi na ako ng tawad sa kanya, makikita ko na lang siyang may kahalikan na babae, at sa mismong opisina niya pa talaga.

Paiyak-iyak pa siya kahapon, tapos ganto pala ang ginagawa niya.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, pero pakiramdam ko talaga niloko ako ni Arthemis.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin nito habang nakatuon pa din ang paningin sa daan.

Naiinis ako sa kanya, kaya naman hindi ko siya pinansin, tumingin na lang ako sa labas ng bintana ng kotse niya.

Pagdating namin sa bahay niya ay tuloy-tuloy lang akong pumasok papunta sa kwarto ko.

"Hailey!!" tawag nito at kinatok ng malakas ang pinto.

"Hailey, may problema ba? Bakit di mo ako pinapansin?" tanong nito.

Lumipas ang ilang minuto ay naramdaman kong tumigil na rin siya sa pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.

Napabuntong- hininga naman ako at kinuha ang photo album niya na nasa akin pa din hanggang ngayon.

Pinagmasdan ko ang mga larawan naming magkasama at namalayan ko na lang na umiiyak na ako.

Napahawak ako sa aking dibdib ng bigla itong manikip.

"Mali, hindi ko siya pwedeng magustuhan madre ako, at kapag nakaalala na ako ay babalik na ako sa kumbento" sambit ko sa aking sarili.

ARTHEMIS POV:

Hindi ako mapakali sa aking kwarto habang iniisip si Hailey.

Ano bang problema niya?

Bakit ayaw niya akong pansinin?

Bakit siya pumunta sa kumpanya?

Argh, mababaliw na ako kakaisip!!

Walang sabi-sabing lumabas ako sa kwarto ko at kumatok ulit sa kwarto ni Hailey.

"Hailey" tawag ko sa kanya.

"Hailey, are you okay?" tanong ko pa, ngunit katulad kanina ay wala ata talaga itong balak na papasukin ako sa kanyang kwarto.

Bagsak balikat akong parang tang* lang na nakatayo sa harap ng pintuan niya.

"Anong ginagawa mo d'yan?" tanong nito kaya napatinggin ako sa kanya at sa pintuan ng kwarto niya.

Wala naman pala siya sa loob ng kwarto niya.

Ano ba yan? Ang tang* mo talaga Arthemis.

"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya.

"Sa kitchen, uminom ng tubig" maikling sagot nito at akmang bubuksan na ang pintuan ng kwarto niya ng pigilan ko siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Tungkol saan?" balik tanong nito kaya napakamot ako sa aking kanang kilay.

"About us" napatigil naman siya sa sinagot ko.

Bumuka ng bahagya ang kanyang bibig ngunit walang salitang lumabas.

"I still love you Hailey, I always do" sambit ko na ikinaiwas niya sa akin ng tinggin.

"Mali to Arthemis, madre ako" ako naman ngayon ang napatigil sa sinabi niya.

"Marami pa namang iba d----"

"Don't you dare" pigil ko sa sasabihin niya. Alam ko namang ipagtutulakan niya na naman ako sa iba.

"Arthemis" mahina niyang sambit sa pangalan ko. " I can't love you" ani pa nito.

Napalunok naman ako at saka malungkot na ngumiti sa kanya.

"Alam ko pero----" naputol ang sasabihin ko kay Hailey ng marinig ko ang boses ng magaling kong pinsan.

"Arthemis babe, bakit mo ako iniwan sa office mo?" naiinis nitong tanong pagkababa ko sa sala.

"Ano bang ginagawa mo dito, Aria?" mabilis kong tanong sa kanya at hindi pinansin ang pagrerekalamo niya.

"Pinupuntahan ka, sabi mo diba payag ka na" ani pa nito, ang kulit talaga.

"Oo nga, pumayag na ako, kaya bakit kapa pumunta dito sa bahay ko?"

"Yes, may girlfriend na ako" tuwang-
tuwa na sambit nito. "At about sa tanong mo, pwede bang dito muna ako tumira sayo please, pretty please" pagmamakaawa na naman nito at nagpacute pa na ikinatampal ko sa aking noo.

"Ehem" tikhim ni Hailey, kaya napatinggin kami sa kanya.

"Sino siya babe?" takang tanong ni Aria.

Pasimple ko namang sinamaan ng tinggin si Aria dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin.

"Hi, I'm Aria, Arthemis girlfriend" pakilala ng pinsan ko na ikinalaki ng aking mata sa gulat.

"I'm Hailey, Hailey Conception" pakilala naman nito at nakipag kamay sa magaling kong pinsan, nginisian naman ako ng magaling kong pinsan.

I guess, na kwento na nila Taylor sa kanya ang tungkol kay Hailey.

"Nice to meet you Hailey" sambit nito bago bumalik ng tinggin sa akin.

"By the way babe, sa kwarto mo ako matutulog huh, tabi tayo" ani nito at saka walang sabi na pumasok sa kwarto ko, habang ako naman ay nakatulala lang sa kalokohang ginawa ng pinsan ko.

Yung totoo anong nangyayari?

Napatinggin ako kay Hailey na ngayon ay tahimik at tila ba may kakaibang awra akong nararamdaman sa kanya.

"Hailey" tawag ko sa kanya, ngunit inirapan lang ako nito at  mabilis siyang pumasok sa kanyang kwarto.

" Argh, mababaliw na talaga ako, wala na akong makausap na matino!!"

••••••
Date Published: Aug. 17, 2021

Time: 10: 20pm

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon