CHAPTER THIRTY-FIVE

1.7K 74 23
                                    

ARTHEMIS POV:

Nakaupo ako ngayon sa ospital bed habang kausap sila Lt. Del Fuego. Ang mga kaibigan ko naman ay tahimik lang na nakatingin sa akin.

Kanina kase ay nakita ako ng isang security guard na, nakahandusay sa parking lot.

Kaya naman mabilis niya akong dinala dito sa malapit na ospital.

"Nilolocate na po namin, ang kinaroroonan ngayon ng mga dumukot kay Ms. Conception. Huwag kayong mag-alala, dahil nakahanda na ang aking team"

"Make sure na maiiligtas niyo si Hailey" pakiusap ko dito.

"Makakaasa po kayo Ms. Rivas" saad nito bago lumabas ng aking kwarto.

"Gusto ko ng magpadischarge dito, sasama ako kaila Lt. Del Fuego" napalapit naman sa akin si Taylor ng marinig ang sinabi ko.

"Arthemis, mahina ka pa" nag-aalalang saad nito.

"I don't care, ang gusto ko ay lumabas na dito. Hailey needs me. Baka nagpapanic na siya ngayon, o di kaya sinasaktan ng mga kumuha sa kanya"

"Arth, calm down" lumapit sa akin si Alecia at hinagod ang aking likod.

"Ilabas niyo na ako dito, please" pagsusumamo ko, kaya wala silang nagawa kundi ang ilabas ako sa ospital.

"Bawal po kayong sumama sa amin Ms. Rivas, alam niyo naman pong mga armado ang kumuha kay Ms. Conception, at baka mapahamak lang kayo kapag sumama pa kayo sa amin" saad ni Lt. Del Fuego sa akin, paglabas ko kase ng ospital ay dito na kami sa presinto tumuloy.

"Lieutenant, alam ko po iyon, pero gusto ko din makatulong sa inyo" pangungumbinsi ko pa.

"Pasensya na talaga Ms. Rivas mas makakatulong ka kung hindi ka sasama sa amin" paumanhin nito at akmang sasakay na ng police mobile ng biglang dumating ang Ama ni Alecia.

"Isama mo na siya Lieutenant" saad nito.

"Pero Attorney, paano kung---"

"Ako ang mananagot kapag may nangyare sa kanyang masama" pagputol nito sa sasabihin ni Lieutenant, kaya wala silang nagawa kung hindi isama ako.

Pinagsuot nila ako ng bulletproof vest, at helmet. Bago kami pumunta sa lokasyon na kinaroroonan ngayon nila Hailey.

"Sir, marami pong bantay sa labas ng warehouse" ani ng isang pulis na lalaki.

"Magsikalat kayo, huwag kayong magpapaputok kung hindi kinakailangan." utos naman ni Lieutenant dito.

"Manatili ka lang na nasa tabi ko Ms. Rivas, para walang manyari sayo" tumango naman ako sa bilin niya.

At nagulat ako ng abutan ako nito ng isang baril.

"Kailangan mo yan" saad niya bago kami dahan-dahang pumunta sa bukana ng warehouse.

Hindi pa man kami nakakarating sa loob ng warehouse, ay biglang may nagpaputok ng baril.

"Sh*t" mura ni Lieutenant bago ako hilahin papaunta sa gilid ng warehouse.

"Anong nangyayare" tanong niya sa mga kasama naming pulis.

"Sir, nakita ho, ang grupo nila Alvarez"mabilis na sagot ng isang pulis.

"Sir nasa loob na po sila Alvarez" singit naman ng isa pang pulis.

Dahan-dahan naman kaming pumasok sa loob ng warehouse at halos mahimatay ako sa kaba dahil sa paulit-ulit na putok ng mga baril.

"Lieutenant" tawag ko dito, ng mamalayan kong wala na ito sa aking tabi.

"Sh*t" malakas ko namang mura ng biglang may nagpaputok sa gawi ko.

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon