CHAPTER TWENTY-THREE

1.8K 74 6
                                    

ALECIA POV:

Pumunta ako sa bahay ni Arthemis para sana kuhanin ang dokumento na pinapakuha ni Daddy.

Ngunit pagpasok ko ay narinig ko silang nag-uusap ni Sister Hailey, hindi ko alam kung pag-uusap ba tawag dun, dahil mukha silang nagtatalo.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Arthemis sa mga salitang binitawan ni Sister Hailey.

Ikaw ba naman ipagtulakan sa iba, hindi ka ba masasaktan nun?

Nasaksihan ko kung gaano kamahal ni Arthemis si Sister Hailey.

At nakita ko din kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan niya, kaya hindi ko mapigilang hindi masaktan sa mga narinig ko mula kay Sister Hailey.

Sa mga salitang binitawan kase ni Sister, parang sinabi niya na din na hindi niya mahal ang kaibigan ko.

"Hindi ko intensyon na saktan si Arthemis, sa mga sinabi ko sa kanya kanina, ang gusto ko lang ay ituon niya ang pagmamahal niya sa iba, kung saan masusuklian din iyon ng isang pagmamahal" panimula nito.

"Madre ako, Alecia kaya kahit kailan hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya sa akin" dagdag pa nito.

"Nasa Diyos na ang puso ko" pahabol pa nito.

Napabuntong hininga naman ako, bakit ba kase ang kumplikado ng sitwasyon nilang dalawa. Pati tuloy ako nahihirapan.

"Naiintindihan kita, Sister. Pero hindi mo mapipigilang hindi masaktan si Arthemis, mahal na mahal ka niya higit pa sa sarili niya. At higit sa lahat tanggap niya na madre ka at pinili mo ang Diyos. Hayaan mo lang na mahalin ka niya dahil kapag patuloy mo siya pinagtulakan, lalo lang siyang masasaktan. Hayaan mo na kusang mawala ang nararamdaman niya sayo, at hayaan mo siyang iparamdam sayo kung gaano ka niya kamahal. Matigas ang ulo ni Arthemis, ilang ulit na naming sinabi sa kanya na kalimutan ka, pero hindi siya nakikinig sa amin. Tinamaan talaga sayo ang babaeng yun. Kaya hinayaan na lang namin siya, dahil dun siya masaya." mahabang lintanya ko sa kanya, hindi ko alam kung tama ba itong sinasabi ko sa kanya, pero kusa na lamang itong lumabas sa bibig ko.

"At saka Sister, huwag kang magsalita sa kanya ng kung ano-ano habang hindi ka pa nakakaalala, kase kapag nakaalala kana baka magsisi ka."  dagdag ko pa na may halong pagbabanta.

Napatigil naman siya sa sinabi ko, na aking ikinagisi.

"Siguro ang tinggin sayo ngayon ni Arthemis insensitive, ang dami mo kasing sinabi na nakakawasak ng puso" naiiling kong sambit  na ikinayuko niya.

"Okay lang yan Sister, huwag ka ng mag-alala, hindi naman ako galit sayo nauunawaan ko naman ang pinupunto mo, at nauunawaan ko din ang nararamdaman ni Arthemis, may mga bagay lang talaga na napaka-
kumplikado, kase pinapakumplikado niyo. Katulad kanina ang dami mong sinabi sa kanya ni wala ka pa ngang naalala. Paano kung mahal mo din pala siya? Pero dahil pinagtatabuyan mo siya ay makahanap siya ng iba, edi dahado ka, bukod kase na dapat buong puso ang ialay mo sa Diyos ay nahati pa kay Arthemis, kasalanan yan Sister. "  Tila naman napipi siya sa sinambit ko.

Bakit ba napakadaling basahin ni Sister, pero di ko alam kung bakit hindi iyon makita ni Arthemis.

Ang tang* talaga ng babaeng iyon.

Naalala ko pa nung anibersaryo ng St. John Church, alalang-ala siya kay Arthemis nung nabarog ang ulo nito, ni hindi niya nga namalayan na hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Arthemis na ikinagulat namin.

Para kase siyang nag-aalalang kasintahan ni Arthemis.

HAHAHA

Pero doon ko na realize na bagay na bagay sila ni Arth.

Ang sarap tuloy pag-untugin ang ulo nilang dalawa ng matauhan naman sila at marealize yung love between them.

Kase tuwing nakikita ko silang dalawa, ako ang nahihirapan sa sitwasyon nila.

HAILEY/GREEN POV:

Pag-alis ni Alecia ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.

Si Arthemis naman ay hindi pa nalabas sa kwarto niya.

Napabuntong hininga naman ako ng maalala ang nangyari sa amin kanina.

Kinuha ko ang high school photo album niya at saka iyon binuklat.

Pinagmasdan ko ang mga larawan na magkasama kami.

Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin kanina ni Alecia.

"Paano kung mahal mo din pala siya?"

At ang Diyos lang ang nakakaalam ng totoo.

Wala akong naalala, ayoko namang pakinggan ang puso ko, dahil ang puso hindi laging tama.

Nalilito na din ako, hindi ko alam kung paano ko na ngayon paki-
kisamahan si Arthemis matapos ng pagtatalo namin kanila.

Nahihiya ako sa kanya.

Siya na nga tong nagmamabuting loob para madali akong makaalala.

Arrrgh Hailey!!!

Anong ginawa mo?

••••••••
Date Published: Aug. 17, 2021

Time: 11:25 am

Mwuah 😘

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon