CHAPTER TWENTY-EIGHT

1.8K 83 8
                                    

HAILEY/GREEN POV:

Paglabas namin ni Arthemis sa ospital ay nagfill muna siya ng leave, dahil nga sa nangyari.

Nakasuot ngayon si Arthemis ng arm sling bandages dahil sa daplis niya sa kanyang kanang braso.

Buti na lang talaga ay ospital mismo nangyari ang pamamaril, kaya mabilis na naagapan ang sugat na natamo ni Arthemis.

"Sh*t" sambit nito ng mahulog ang pagkain niya.

Kaliwang kamay kase ngayon ang ginagamit niya sa pagkain, kaya nahihirapan siya.

Binaba niya ang kutsarang hawak niya at akmang tatayo na sa kanyang kinakaupuan ng pigilan ko siya.

"Bakit?" tanong niya sa akin.

Nahihiya naman akong napatinggin sa kanya.

"Susubuan na lang kita" sambit ko na ikinatahimik niya.

"Wag na" nahihiyang sambit niya at nag-iwas sa akin ng tinggin.

Namumula na rin ang mukha niya sa hiya.

Ang cute niya tuloy na tignan.

Lumapit ako sa tabi niya at umupo sa silya.

"Say ahh" utos ko sa kanya at inilapit ang kutsarang may pagkain.

Nahihiya namang binuka niya ang kanyang labi at isinubo ang pagkain sa kutsarang hawak ko.

"Ang bait mo ngayon" out of nowhere na sambit niya, kaya tinaasan ko siya ng kaliwang kilay.

"Mabait naman talaga ako" mabilis na sagot ko sa kanya.

"Sa iba pero sa akin hindi" bulong niya ngunit dinig ko din naman kaya pinalo ko siya sa kanyang braso.

"Ouch" inda niya.

"Sorry, sorry hindi ko sinasadya" hingi ko ng tawad, napalo ko pala yung braso niyang nakasling bandage.

"Sadista" nakapout na sambit niya.

"Pasensya na, na di ko naman sina---"

"Arthemis babeeee, kumusta na?" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng dumating ang girlfriend niya.

Girlfriend.

Tss.

Di sila bagay.

"Hello Aria, ayos na ako. Don't worry" sambit ni Arthemis at tumayo para ibeso si Aria.

"Hello, Hailey" nakangiting bati naman nito sa akin.

Ngumiti lang ako dito.

"Punta muna ako sa taas" paalam ko sa kanila, hindi ko na hinintay ang kanilang sagot, basta lumabas na lang ako ng kusina at dumeretsyo sa aking kwarto.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay humiga agad ako sa kama at itinakim ko ang aking braso sa aking mga mata.

-----

"Hao look, ang ganda ng karagatan oh" tuwang- tuwa na sambit ni Arthemis, habang hinihila ako, papunta sa veranda ng hotel room na inuukupa namin.

"Inaantok pa ako, Hao" nagpupungas- pungas na sambit ko.

Pagod pa ako sa tatlong oras na byahe, galing Manila. Pero ito namang si Arth, ayaw ata akong pagpahingahin.

"HaoHao naman, kanina ka pa nagpalahinga d'yan sa kama, pwede bang mamasyal muna tayo, please" nagpapacute na pakiusap nito sa akin, kaya wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

Magkasiklop ang aming kamay ng lumabas kami sa hotel ang naglakad- lakad sa tabing dagat.

"Inaantok pa din talaga ako Hao" sambit ko sa kanya, wala pa kase akong pahinga mula kahapon dahil tinapos ko pa ang project at thesis ko, bago sumama sa kanya.

"Yayakapin na lang kita para di ka antukin" niyakap niya naman ako mula sa likod habang nakatingin kaming dalawa sa tahimik na karagatan.

"Pagnagpakasal na tayo ang gusto ko magpatayo tayo ng rest house malapit sa dagat"

"Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya, at mukhang nawala na ang antok ko.

"Nakakagaan kase ng loob, tuwing nakikita ko ang karagatan" sagot niya,

"At ang saya lang isipin na makikita natin yung mga anak natin na naglalaro ng sand castle" masayang sambit niya at inikot niya ako kaya ngayon ay magkaharap na kami habang nakayakap siya sa akin.

Itinaas ko naman ang dalawa kong kamay at ipinatong sa kanyang batok.

Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok habang siya naman ang paulit-ulit akong ninanakawan ng halik sa tungki ng ilong ko.

"Mahal na mahal kita, Hailey Conception" nakangiti niyang sambit habang nakatingin siya sa aking mga mata.

"Mahal din kita, My Arthemis Rivas" masaya kong sambit.

Napatili naman ako ng bigla niya akong buhatin at tumakbo papunta sa dagat, kaya pareho kaming nabasa.

Tawang-tawa naman kaming dalawa sa pagkabasa namin.

-----

"I wish, I can turn back the time" sambit ko, at hinayaang umagos ang aking mga luha.

•••••
Date Published: Aug. 18, 2021

Time: 2:09 pm

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon