CHAPTER TWELVE

2.2K 74 12
                                    

DHALIA POV:

Lumapit ako sa isang babae na halos isang linggo ng walang ka malay-
malay mula ng dalhin namin siya dito sa ospital.

Hindi talaga ako makapaniwala na isa siyang madre, dahil sa itsura niyang papasa na bilang isang modelo.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at saka inayos ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha.

Unti-unti ng gumagaling ang mga pasa niya sa kanyang mukha, at pati na rin ang mga galos sa kanyang buong katawan.

May daplis din siya ng bala ng baril sa kanyang braso at maging sa kanyang tagiliran.
 

Grabe ang sinapit niya sa kamay ng mga may gawa nito.

Mga walang hiya sila, pati madre ay hindi nila pinalampas sa katranta-
d*han nila.

Napabuntong hininga nga ako at saka ko hinawakan ang pisngi nito.

"Gumising ka na, baka nag-aalala na ang pamilya mo sayo" sambit ko dito.

Habang hinahaplos ko ang kanyang pisngi ay nagulat naman ako ng makita ko ang kanyang berdeng mga mata.

Gising na siya.

Agad akong tumayo at tumawag ng mga doktor.

"Okay lang po ba siya Doc?" nag-
aalalang tanong ko habang nakatingin sa nakatulalang babae.

"Si--sino a--ako?" malat na tanong niya.

"Si--sino ka-kayo?" dagdag pa niya, at iginala ang kanyang paningin sa amin.

"Ano pong nangyare sa kanya Doc?Bakit wala siyang maalala?" tanong ko.

Sinuri naman ito ng Doktor at pati na din ng mga nurse.

Maya-maya ay lumapit sa akin ang Doktor na ikinakaba ko.

"Doc, bakit mukhang wala siyang naaalala?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi na ako magpapaligoy- ligoy pa iha, ang kaibigan mo ay nakadanas ng isang malakas na head injury, sa  natamo niya ay nagkaroon siya ng post-traumatic amnesia" paliwanag nito.

"Amnesia, Doc. May amnesia siya?" gulat kong tanong.

"Oo, iha. Kaya naman kailangan niya ng atensyon ng pamilya at kaibigan niya para madaling bumalik ang kanyang alaala, ngunit bawal niyo siyang pilitin na makaalala, hayaan niyong kusa siyang makaalala, para maiwasan ang mas malalang epekto nito sa kanya" paalala pa nito.

Pag-alis ng doktor ay nilapitan ko siya at saka ko hinawakan ang kanyang kamay.

Buti na lang ay hindi siya katulad ng mga napapanood ko sa tv, na nagwawala.

Tumikhim ako na ikinatingin niya sa akin.

"Si--sino ka?" tanong nito, at mababakas sa kanyang mga mata ang pagkalito.

"Ako nga pala si Dhalia, ako yung nakakita sayo sa gubat" sagot ko dito.

"Gubat? Anong ginagawa ko sa gubat?" makikita sa mga mata niya ang pagkalito, kaya naman hinawakan ko siya sa kanyang balikat para pagaanin ang kanyang loob.

"Hindi ko din alam" buong tapat kong sagot.

"Sino ako?" maya-maya'y tanong niya na nagpatigil sa akin.

"Hindi rin kita kilala, pero pwede bang tawagin kitang Green, ang ganda kase ng berde mong mga mata" nakangiti sambit ko dito.

"Sige tawagin mo na lang akong Green, hindi ko din naman kase maiibigay ang pangalan ko sayo, dahil wala akong maalala"

"Huwag kang mag-alala Green tutulungan kitang makaalala" paniniguro ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin, na ikinatigil ko, ang ngiti niya....

Ang ganda na..

Tila ba'y nahihipnotismo ako sa kanyang ngiti kaya ipinikit ko ang aking mga mata, para pakalmahin ang aking sarili, sapagkat ang puso ko ngayon ay tumitibok ng kay bilis.

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay tumambad naman sa akin ang kanyang  berdeng mga mata.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya, pero tuwing makikita ko ang berde niyang mga mata ay doon ako nagkakalakas ng loob para tulungan siya..

HAILEY/GREEN POV:

Isang buwan mula ng makalabas ako sa ospital ay tinulungan pa rin ako ni Dhalia.

Sa bahay niya muna ako naninirahan ngayon habang hinahanap namin ang simbahan kung saan ako naglilingkod.

"Pang labing limang simbahan na natin itong pinuntahan pero wala pa ding nakakakilala sa kanya, paano kung hindi ka talaga madre?" ani ni Ava.

"Ano ka ba Ava, wala namang imposible dun, sa mukha pa lang ni Green, mukhang madre talaga siya" singit naman ni Bernice.

"Mukha kase siyang modelo" depensa pa ni Ava.

"Pasensya na guys huh, wala kase talaga akong maalala at tanging ang suot at rosaryo ko  lang  ang tanging meron ako" paumanhin ko sa kanila.

Lumapit naman sa akin si Dhalia at saka niya hinawakan ang aking kanang kamay.

"Ayos lang yan Green, huwag mong piliting makaalala ang sarili mo, baka kung mapaano ka pa" sambit nito na ikinangiti ko.

"Bakit kaya hindi tayo, magtanong-
tanong sa mga model agency, baka kase model yang si Green" ani ni Ava.

Hindi talaga ata naniniwala na madre ako.

Kahit ako din naman.

Napakalabo kase talagang maging madre ako, dahil meron bang madre na matatagpuan sa gubat na duguan at puro pasa.

"Mag mall na lang tayo guys, baka sakaling meron makakilala kay Green doon." aya sa amin ni Kuya Gian.

"Mas maigi pa yan, tara na" sambit ni Ava at saka mabilis akong hinila palabas ng simbahan.

Pagdating namin sa mall ay hila-hila pa rin ako ni Ava, hanggang makarating kami sa isang Boutique.

Agad na pumunta ito sa isang dress at saka tumingin sa akin.

"Hoi, Ava. Tigilan mo si Green sa kalokohan mo, madre yan baka nakakalimutan mo" saway sa kanya ni Bernice, ng makitang kumuha si Ava ng isang damit na halos kapos na sa tela.

"Ano ka ba Ava, ipapasuot mo yan kay Green, nahihibang ka na ba?" singit naman ni Dhalia at kinuha ang damit, saka ibinalik sa pinagkuhanan ni Ava.

"Mukha kase siyang model eh, kaya naman gusto kong makita if babagay sa itong mga damit na ito" naka-
ngusong paliwanag nito.

"Ayan si Bernice, ayan ang paglaruan at bihisan mo ng ganyang mga damit" tinuro naman ni Dhalia si Bernice na tahimik lang sa isang tabi.

"Ano? Anong ako? Ayoko nga ampanget ng taste ni Ava sa fashion, tapos ako pa tinuro mo Dhalia, kung gusto mo ikaw na lang" sambit naman ni Bernice, kaya lalong napanguso si Ava.

"Ang salbahe niyo sa akin" nagta-
tampong sambit ni Ava, na ikinatawa nila.

Napangiti naman ako sa kanila, halata kaseng close na close silang magkakaibigan.

•••••••
Date Published: Aug. 15, 2021

Time: 6:26 pm

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon