CHAPTER FORTY

1.8K 68 2
                                    

ARTHEMIS POV:

Inilapag ako ang bulaklak sa puntod ng aking mga magulang bago sindihan ang mga kandila na aming binili kanina ni Hailey malapit sa sementeryo.

Lumuhod ako bago haplusin ang kanilang lapida.

Malungkot akong ngumiti at tinitigan ang lapida ng aking magulang.

"Mom, Dad. Pasensya na kung ngayon ko lang kayo ulit binisita. Miss na miss ko na kayo. Kayo naman kase, ang duga-duga niyo bakit iniwan niyo agad ako" umiiyak na sambit ko dito.

Masakit pa din sa akin hanggang ngayon ang pagkawala nila, dahil sariwang-sariwa pa din ito sa akin.

Parang kahapon lang kasama ko pa sila.

I still remember their smile everytime na uuwi sila galing sa trabaho. Hindi sila nagkulang sa akin kahit busy sila. They always make sure na maglalaan sila ng oras para sa akin.

Namimiss ko na sila.

I really missed them.

Napakabuti nilang magulang sa akin. They give me everything I need, especially their love.

Hinaplos ni Hailey ang aking likod bago siya lumunod sa tabi ko.

Napatingin naman ako sa kanya, kaya nabungaran ko ang napakaamo niyang mukha.

This green eyed girl, give me hope to live. Kung wala siya hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang harapin ang bawat araw na walang kakulay- kulay.

Pinunasan ko ang aking luha at nakangiting hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Mom, Dad. Kasama ko na ulit si Hailey. Kasama ko na ulit yung babaeng mahal ko" sambit ko na ikinapula ng kanyang pisngi.

"Hello po, Tita't tito. I'm sorry kung ngayon lang ako nakadalaw. I'm sorry kung wala ako noon sa tabi ni Arthemis para damayan siya. But now, I promise na palagi na akong mananatili sa kanyang tabi through ups and downs. Pangako na mamahalin ko po siya sa abot ng aking makakaya. Kaya huwag na po kayong mag-alala kay Arthemis kase po nandito ka ako para alagaan siya" mahabang lintanya niya na ikinatibok ng aking puso.

Tumingin siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi.

"I love you Arthemis" buong puso niyang sambit na ikinatulo ulit ng aking luha.

Ganito pala yung pakiramdam na may taong handang alagaan ka ng habang buhay.

Ganito pala ang pakiramdam ng tunay na pagmamahal.

Ganito pala ang pakiramdam kapag minahal ka ng isang Hailey Conception.

Pagkatapos ng mataimtim naming panalangin ni Hailey sa mga magulang ko ay dumeretsyo naman kami kung saan nakalagay ang labi ng kanyang mga magulang.

Katulad ko ay nilagay din nito ang mga bulaklak sa puntod ng kanyang magulang at tinulungan ko naman siyang sindihan ang kandila.

"Hey, Mom, Dad. Nandito na ulit ako. I'm sorry kung sobrang tagal ko kayo bago dalawin. Mom, Dad nabigyan na po ng hustisya ang pagkamatay niyo, at pangako ko hinding-hindi po ako titigil hanggat hindi ni Uncle pinagbabayadan ang ginawa niya sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo and I miss you both, sana nandito kayo ngayon para nayayakap ko po kayo." umiiyak na sambit nito habang ang kanyang luha ay pumapatak sa lapida ng kanyang magulang.

Lumuhod naman ako sa tabi niya bago ko siya yakapin at halikan sa kanyang noo.

Mahigpit naman siyang yumakap sa akin at sinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg, bago humagulhol ng iyak.

Dahan-dahan ko namang hinagod ang kanyang likod habang hinahalikan ang kanyang buhok ng paulit-ulit.

Sa aming dalawa siya yung unang naulila. Labing dalawang taon lang siya noon ng mawala ang kanyang magulang.

I saw how she suffered, muntikan na din siya noong huminto ng pag-aaral.

At kinailangan niya din ng tulong ng mga psychologist dahil sa nangyari.

She been through a lot.

Nang mahimasmasan na siya ay pinunasan ko ang kanyang pisngi bago siya halikan sa kanyang noo.

"Tito, tita. Napakaiyakin talaga nitong anak niyo" sambit ko to lighten the mood.

Pinalo niya naman ako sa aking braso na ikinangiti ko.

Sadista talaga.

"Ang panget mo pala umiyak" pangangasar ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tinggin.

Pinalo ko naman ang aking pisngi at nagpacute sa kanya ngunit tinaasan niya lang ako ng kanyang kaliwang kilay.

"Mukha kang pato" ani nito bago umirap sa akin.

Nanlaki naman ang aking mata at napahawak sa aking dibdib.

"Inirapan mo ako" di makapaniwalang saad ko sa kanya.

Lumayo naman siya sa akin at haplusin ang lapida ng kanyang magulang.

Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa lapida ng kanyang magulang bago ito halikan.

Dahan-dahan kong kinuha ang singsing sa bulsa ng aking blazer at inayos ko ang aking pagkakaluhod.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong nito sa akin ng makita ang posisyon ko ngayon.

Ngumiti ako sa kanya bago ipakita ang hawak kong singsing.

Singsing to ni Mommy eh, kaya lagi kong dala-dala.

Wala naman talaga akong balak na magpropose sa kanya ngayon kase ang gusto ko mas romantic at bongga.

Pero meron nagtutulak sa akin na gawin ko ito ngayon. At I think it's the perfect time to propose.

"I know it's to early, pero gusto kong kuhanin ang kamay mo sa harap ng mga magulang mo, to show that I'm in love with you, since the day I saw your green eyes. Hailey I know there is perfect time to do this but for me this is our perfect time. Hailey Conception can you stay and build a family with me? Will you marry me?"

"Arth" umiiyak na sambit niya bago ako dambahin ng yakap. Kaya na out of balance ako at sabay kaming natumba sa lupa.

"Marry me Hailey" bulong ko sa kanya bago ko halikan ang kanyang buhok.

Umangat naman siya ng bahagya sa pagkakapatong sa akin at masayang tumango na ikinatibok ng mabilis ng aking puso.

Humawak ako sa kanyang batok at mabilis kong pinagdikit ang aming labi.

"God knows how much I love you Arthemis, I love you to the point that I'm willing to be with for the rest of our life" nakangiting sambit nito bago muling ilapat ang kanyang labi sa akin .

"I love you so much Hailey"  buong puso kong sambit bago ko siya yakapin ng mahigpit.

•••••••
Date Published: Aug. 28, 2021

Time: 7:59 pm

Hailey Conception- Rivas sounds good

WATCH OUT:

Pasensya na sa wrong grammars at typographical.

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon