HAILEY POV:
Alalang-ala ako habang nakatingin kay Arthemis na nakahiga sa kama dito sa loob ng clinic.
Dining na dinig ko kanina kung gaano kalakas ang pagkakatama ng ulo niya sa semento.
"Okay lang siya Sister Hailey, wag ka ng mag-alala" ani ng nurse, ngumiti naman ako dito bago tumango.
"Bakit kase kayo naghahabulan na parang bata kanina, Taylor?" tanong ng isang babae dito.
"Nagbibiruan lang kami, kanina" ani naman ni Taylor na ikinailing ni Alecia.
"Relax, Diana. Ayos na si Arthemis" sagot naman ni Alecia.
Agad namang lumapit si Taylor sa babaeng nagngangalang Diana at hinawakan niya ang kamay nito.
Habang si Alecia naman ay umupo sa gilid ng kama ni Arthemis at inayos ang buhok nito na nakaharang sa mukha.
Agad akong nag-iwas ng tingin at tumayo.
Naglakad ako hanggang mapunta ako sa loob ng simbahan.
Lumunod ako at mataimtim na nagdasal..
Hawak ko ang aking rosaryo habang binibigkas ang aking panalangin sa Panginoon.
Pagkatapos kong manalangin ay nagulat na lang ako ng makitang nakaupo sa Arthemis sa tabi ko.
"Ayos kana ba?" tanong ko dito.
Bahagya naman siyang ngumiti at tumango.
Maya-maya ay nagsalita na siya, na ikinaharap ko sa kanya.
"Oo, nga pala Sister Hailey. Nandito ako para sana mag paalam. Alam kong mahal na mahal mo ang paglilingkod sa Diyos at walang mangyayari sa akin kung patuloy lang akong mananatili sa nakaraan. Siguro tama nga ang mga kaibigan ko, kailangan kong palayain kana at tanggapin na kahit kailan hindi na muling babalik ang ating pagmamahalan. Mahal na mahal kita Hailey." nakangiting sambit nito at pilit na pinipigilan ang kanyang luha.
Agad namang nanikip ang dibdib ko.
Bakit ang bigat-bigat sa pakiramdam?
"Arthemis" bangit ko sa pangalan niya at hinawakan ko ang malambot niyang kamay.
Tumayo naman ito at saka umiwas ng tinggin.
"Paalam Hailey" hirap na sambit nito at unti-unting binitawan ang aking kamay.
Walang lingon-lingon naman siyang lumabas simbahan.
Nagulat na lang ako ng may mga luhang tumulo sa aking mata.
"Ama, bakit ganito?
Bakit ganito kasakit?"
ARTHEMIS POV:
Isang buwan na ang lumipas ng nag anibersaryo ang St. John Church, at isang buwan na din ng napili kong mag bakasyon muna.
Sabi nila Taylor makakatulong daw ito para makapagisip-isip ako.
Nandito ako ngayon sa Palawan at ini-enjoy ang napakatahimik na karagatan.
Isang buwan na akong nandito ngunit hindi pa rin ako nagsasawang tignan ang karagatan.
Napakatahimik nito at tuwing sasapit ang gabi ay napapakalma ako ng pagiging payapa nito.
Hawak-hawak ko ngayon ang isang bote ng beer habang nakatingin sa dagat. Last day ko na dito kaya naman
kailangan ko ng sulitin.Tahimik ako habang umiinom ng biglang tumunog ang aking cellphone.
"Hello" bati ko sa caller.
"Ms. Rivas, may problema po tayo sa kumpanya" kinakabahang sambit ni Dale.
"Bakit anong nangyare?" tanong ko dito.
"Si-si Ma'am Aubrey po, nasa kulungan dahil nakita po siya ng isang tauhan natin, na nagsasabay ng pinagbabawal na gamot sa shipping ng mga produkto natin, galit na galit po ang mga investors at gusto po nila kayong makausap" paliwanag nito kaya naman napabuntong hininga ako.
"Magpatawag ka ng meeting bukas, at sabihin mong dadating ako" utos ko dito bago ibaba ang tawag.
Kinagabihan ay umuwi agad ako para makapaghanda sa meeting na gaganapin bukas, alam kong galit na galit ngayon ang mga investors dahil sa nangyaring ito, kaya kailangan kong makaisip ng paraan kung paano aayusin ang gulong ginawa ng magaling kong pinsan.
"Good morning Ms. Rivas" bati sa akin ni Dale habang papasok kami sa conference room.
Pagpasok namin sa conference room ay nagkakagulo ang mga investors at directors.
Agad naman silang natahimik ng makita ako.
Pagkaupong-pag kaupo ko sa executive chair ay agad na nagtaas ng kamay si Mr. Shin.
"Yes Mr. Shin?" ani ko dito.
"I want to pull out my investment in your company, ayokong pati ang kumpanya ko ay mapahamak dahil sa ginawa ng pinsan mo" sambit nito.
Agad naman akong napatango sa desisyon nito.
"Meron pa ba sa inyong gusto pang mag pull out ng investment?" tanong ko sa kanila.
Agad naman nag taas ng kamay sina Mr. Kho at Mrs. Fuentes.
"I also want to pull out mine" sambit ni Mrs. Fuentes ganun din si Mr. Kho.
"Sa lahat ng nag pull out ng investment nila ay malugod ko itong tinatanggap, ibigay niyo lang sa akin ang mga papeles na kailangan kong pirmahan para sa pag pull out niyo" sambit ko, dahil hindi ko kailangan ng mga investors na walang tiwala. Saka malaki ang kumpanya ko, hindi ko na kinakailangan ng investment nila, kung hindi lang para sa publicity ay baka hindi ko na sila pinatungtong sa kumpanya ko.
Agad naman kaming nagulat ng biglang pinalo ni Director Cruz ang lamesa na ikinagalit ko. Sa lahat ng tao ang ayoko ay ang bastos.
"Kung may gusto kang sabihin Mr. Cruz ay itaas mo lamang ang iyong kamay at malugod ka naming papakingan, hindi yung hahampasin mo pa ang lamesa, masyado kang papansin, wala akong pake kung director ka dito, kumpanya ko to. Kaya lumayas ka na sa conference room na ito at simulan mo na ding i-impake ang mga gamit mo, hindi ko kailangan ng bastos na empleyado" ani ko na ikinagulat nila. Kaya agad silang nagsitahimikan.
Tama yan matakot kayo sa akin.
Hindi na nakapagsalita si Mr. Cruz ng agad ko siyang sinamaan ng tinggin. Paglabas nito ng conference room ay pinagpatuloy ulit namin ang meeting.
Maraming nag pulled out ng kanilang investment sa kumpanya ko, na mas lalong pumabor sa akin.
Paglabas ko ng conference room ay nagulat ako ng mabungaran ko ang pagmumukha ng mga kaibigan ko.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.
Nag katinginan naman silang tatlo at saka nagturuan kung sino ang mag sasalita.
-••••••-
Baka sabihin niyo mabilis ako mag sulat ng storya, aba hindi totoo yan HAHAHA.Matagal na kase itong nakatengga sa draft ko, kaya ineedit at pinapublish ko na.
Pero yung totoo nasa gitna pa lang din ako istoryang ito.
Watch out:
Pasensya na sa wrong grammars at typos.
~Eeybeedi🐝
• Ang bubuyog na hindi marunong lumipad.
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...