ARTHEMIS POV:
Paglabas ko sa conference room ay pagod akong pumasok sa aking opisina.
Kaliwa't kanan kase ang mga meeting ko, dahil ako din ang pansamantalang may hawak ngayon ng Conception Company, na pagmamay-ari ni Hailey.
Speaking of Hailey.
Namimiss ko na siya, dahil halos isang buwan ko na din siyang hindi nakikita.
Kumusta na kaya siya?
I hope she's doing well.
Umupo ako sa aking swivel chair at akmang kukuhanin na ang mga dokumentong nasa lamesa ko ng may yumakap sa akin.
"Arthemis" masayang saad nito na ikinatibok ng puso ko.
"Hailey?" hindi ko makapaniwalang sambit at mabilis ko siyang niyakap pabalik.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.
Ang alam ko kase ay abala pa siya sa kumbento.
Ngumiti naman siya sa akin at ngumuso.
"Hindi mo ba ako namiss?" parang batang tanong niya na ikinatawa ko.
Ang cute niya.
Nakakagigil.
"Syempre namiss kita, halos akyatin ko na nga ulit ang gate ng simbahan, mapuntahan ka lang ih" sagot ko.
Hinampas niya naman ako sa aking braso na ikinatawa ko.
"Busy ka pa ba?" tanong niya sa akin pagkaupo niya sa gilid ng office table ko.
"Yup, I have many paperworks to do" malungkot kong sambit at tumingin ako sa mga dokumentong nagkalat sa office table ko.
"I see, yayayain pa naman sana kitang bisitahin ang mga magulang natin, since matagal na akong hindi nakakabisita kay Mom and Dad" malungkot niyang saad, bago tumayo.
"Where are you going?" tanong ko ng akmang lalabas na ito.
"Papasama na lang ako kay Dhalia" mabilis niyang sagot, na ikinatayo ko.
"No, ako na ang sasama sayo" mabilis kong inayos ang mga papeles bago ko kuhanin ang aking gamit.
"Let's go" aya ko sa kanya.
"Pero busy ka pa sa mga paperworks mo" sagot nito, kaya hinila ko na siya palabas ng aking opisina.
"Dale, cancel all my appointments tell them that I'm busy" bilin ko kay Dale pagkalabit ko sa pwesto niya.
Tumango naman ito sa akin, bago kuhanin ang telepono na ginagamit niya.
"Let's go" hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ko ang aming mga palad.
Pagpunta namin sa parking lot, ay dumeretsyo kami sa kotse ni Dhalia.
At nagulat kami ng makita namin itong umiiyak sa loob ng kanyang kotse.
"Oh, nandito na pala kayo" sumisinghot na sambit nito.
"Why are you crying Dhalia?" nag-aalalang tanong ni Hailey.
"Wala to, nanonood lang kase ako ng movie" mabilis nitong sagot at pinakita sa amin ang anime movie na pinapanood niya.
"Si Korra kase napunta sa spirit world, naiwan tuloy si Asami" pagkukwento pa nito.
"Ganun ba, akala ko kung napaano kana" saad naman ni Hailey.
"By the way, saan kayo pupunta?" tanong naman nito sa amin, pagkatapos magpunas ng luha.
"We're going to visit our parents, gusto mo bang sumama?" tanong ko sa kanya.
"Nako hindi na, may pupuntahan pa kase ako" sagot nito.
Kinuha naman namin ni Hailey ang gamit niya bago ito ilipat sa loob ng kotse ko.
"Salamat sa paghatid sa akin Dhalia" nakangiting pasasalamat ni Hailey, bago ito yakapin.
"No worries, basta para sayo" sagot ni Dhalia bago sumakay sa loob ng sasakyan niya.
Pagkaalis nito ay saka naman kami sumakay ni Hailey sa kotse ko.
"Wala ka bang napapansin kay Dhalia?" nagtatakang napalingon naman sa akin si Hailey, dahil sa tanong ko.
"Wala" sagot nito na ikinailing ko.
Manhid talaga ang babaeng ito.
"Bakit ano bang meron sa kanya?" taka nitong tanong sa akin.
"Wala naman, siguro mas gumanda lang siya ngayon" sinamaan niya naman ako ng tinggin sa naging sagot ko.
"May gusto kaba kay Dhalia?" halos matawa naman ako sa itinanong niya.
Seriously!
"Ano may gusto ka ba sa kanya?" pangungulit niya pa sa akin.
"Ano naman kung magkagusto ako sa kanya, ikaw naman mahal ko" sagot ko ngunit nakatanggap lang ako ng palo sa braso galing sa kanya.
Para siyang si Diana.
Ganto pala ang nararamdaman ni Taylor tuwing pinapalo siya ni Diana sa braso.
Ang sakit.
"Babaera ka talaga Arthemis, una si Alecia tapos ngayon naman si Dhalia" naiinis na nagcross arms ito at sumandal sa passenger seat.
"Binibiro lang kita, Hailey" sambit ko naman ngunit hindi ako nito pinansin.
"Hailey" pagtawag ko sa kanya, ngunit tumingin lang siya sa labas ng bintana ng kotse ko.
Mabilis ko namang iginilid ang aking kotse sa kalsada upang kausapin siya.
"Hailey" tawag ko sa kanya at tinanggal ko ang suot kong seatbelt.
"Hao" pilit ko siyang pinapaharap sa akin ngunit umiiwas siya.
"Haohao naman, nagbibiro lang ako kanina. Wala naman akong gusto kay Dhalia, lalong-lalo na kay Alecia hindi kami talo nun. Saka hindi ako babaera no, ikaw nga lang ang babaeng sa buhay ko" paliwanag ko sa kanya at pilit kong pinapalambing ang aking boses, ngunit wala pa ding epekto sa kanya.
"Haohao, kausapin mo naman ako" pagsusumamo ko sa kanya.
"Bahala ka di tayo aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap" banta ko sa kanya at pinatay ko ang makina ng aking kotse.
Bahala na kung abutin man kami ng ilang araw sa gilid ng kalsada na ito, basta pansinin niya lang ako.
Maya-maya pa ay tumingin ito sa akin, at hinampas ako sa aking braso na ikinangiwi ko.
Ang sakit.
"Bwisit ka talaga Arthemis, bakit hindi kita matiis?" sambit niya na ikinangiti ko.
Bakit parang kinikilig ako sa sinabi niya?
"Kase mahal mo ako" sagot ko naman sa kanya bago ako matamis na ngumiti.
Nagpacute na talaga ako sa kanya, para mawala ang inis niya sa akin.
"Mahal na mahal, kaya huwag na huwag know malalaman na nambababae ka kundi, papaluhidin kita sa loob ng simbahan ng sampung oras" banta nito sa akin.
"Yes, Ma'am pangako" saad ko naman bago ako sumaludo sa kanya na para bang isang sundalo.
"Dapat lang" ani pa nito bago ako bigyan ng mabilis na halik sa aking labi.
Napangiti naman ako sa ginawa niya.
••••••
Date Published: Aug. 24, 2021Time: 11:35 am
Wala ka pala Arthemis kay Hailey eh. Under de saya HAHAHA.
WATCH OUT:
Pasensya na sa wrong grammars at typographical.
~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...