ARTHEMIS POV:
1:00 am na ng makarating ako sa dormitoryo ng mga madre.
Dahan-dahan akong naglalakad sa pasilyo nito at binubuksan ang bawat kwarto, upang hanapin ang kwarto ni Hailey.
Nag-aalala ako sa kanya at hindi ako makatulog kaya naman, inakyat ko ang bakod ng simbahan para makapasok sa kanilang dormitoryo.
Pagbukas ng isang kwarto ay nakita ko si Mother Faith na mahimbing na natutulog kaya biglang kumabog ang aking puso sa kaba. Agad kong sinara ang pinto at nagpatuloy sa pag hahanap ng kwarto ni Hailey.
Pagdating ko sa ikalimang kwarto ay taimtim akong nagdasal na sana ito na.
Ipinasok ko ang hairpin sa seruda ng pinto hanggang marinig ko ang pagtunog nito. Dahan-dahan kong binuksan ito at napangiti ako ng mabungaran ang kabuuan ni Hailey na mahimbing na natutulog.
Pumasok ako sa loob at inilock ulit ang pinto. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
Sana pala ay ginawa ko na ito noon pa. Bakit kase ngayon ko lang ito naisipang gawin.
Kahit mistulan akong magnanakaw ay worth it naman, dahil nakita ko siya.
"Akala ko kapag pinagpahinga ko ang puso't isip ko na isipin ka ay makakalimutan na kita, pero bakit ganun dahil sa ginawa ko lalo lang kitang namiss?" pagkausap ko sa kanya, hindi niya naman ako maririnig dahil ang himbing ng tulog niya.
"Kahit anong gawin ko, ayaw pa rin ng puso ko na bitawan ka" dagdag ko pa at hinalikan ko ang kanyang noo na ikinamulat niya.
"Arth--Arthemis! Anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong at napaupo siya sa kama.
Tinignan niya ang oras at napailing na lang siya ng makita ito.
Hinawakan ko ang kanyang magaan at malambot na kamay at saka ako tumingin sa kanyang mga mata.
"Nag-aalala ako sayo Hailey, nabalitaan ko kasing nabaril ka kaya naman pumunta ako dito" sambit ko at hinalikan ko kanyang kamay na ikinaiwas niya ng tingin.
"Ayos na ako Hailey, at saka ilang linggo na ang lumipas ng mangyari yun" nakayukong sagot nito.
"Kung nalaman ko lang ng mas maaga, Edi sana napuntahan kita" sambit ko na ikinaangat niya ng tingin kaya muling nagtama ang aming mga mata.
Puno ng emosyon ang kanyang berdeng mata na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"Salamat sa pag-aalala Arthemis" nahihiyang sambit nito at napatinggin ulit siya sa orasan.
"Mag-aalas dos na pala, at mukhang di ka pa natutulog. Pwede ka ng umuwi Arth, baka kase kung mapaano ka pa" ani nito.
Umiling naman ako sa kanya at saka ko siya hinila para yakapin.
"Arth, anong ginagawa mo?" kabado niyang tanong.
"Namiss kita Hailey, kaya hayaan mo muna akong yakapin ka kahit ilang minuto" hiling ko sa kanya, napangiti ako ng yumakap siya pabalik.
Sa bisig niya ang pinaka-
kumportableng pwesto na alam ko.Ilang minuto ang lumipas at saka ako bumitaw sa kanya.
Hinawakan ko kanyang kaliwang pisngi at ngumiti.
"I love you Hailey" sambit ko at mabilis ko siyang ninakawan ng halik sa ilong na ikinamilog ng kanyang mata, napahawak pa siya sa kanyang dibdib sa gulat.
"Ba--bakit mo ginawa yun?" gulat na tanong nito. Napangiti naman ako sa reaksyon niya.
Siguro tama sila Diana na, itakas ko lang dito sa kumbento si Hailey at pikutin. Parang baliw naman akong nakangiting napa-iling sa naiisip ko.
"Kung ganyan ka cute, baka dukutin kita dito sa kumbento" sambit ko sa kaya naman napalo niya ako sa braso.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan" ngitngit nito.
"Mukhang ayos ka na talaga" sambit ko.
Tumango naman siya.
"Aalis na ako" nakangiti kong paalam sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at saka tumango ulit.
Tumayo na ako sa kama at naglakad papunta sa pintuan niya ng bigla akong may naalala.
Mabilis ako pumunta sa pwesto niya at saka ko siya hinalikan sa kanyang labi, ilang segundo ang lumipas ay humiwalay din ako sa kanya.
Gulat naman siyang nakatingin sa akin na ikinalawak ng ngiti ko.
"Good morning Hao" bati ko sa kanya at masayang akong lumabas ng kanyang kwarto.
Paglabas ko ng St. John Church ay sabay-sabay na nagpakawala ng hininga ang tatlo.
"Akala namin, nahuli kana" sambit ni Diana at binatukan ako pagkasakay ko sa loob ng kotse.
"Nakadroga ata tong kaibigan natin, ngiting-ngiti eh" sambit naman ni Taylor bago buksan ang makina ng kotse niya.
"Mamaya na lang natin siya kausapin, mukhang di pa nakakarecover to sa ginawa niya kanina sa loob ng St. John" ani naman ni Alecia.
Napangisi naman silang tatlo sa akin na ikinasama ko ng tingin sa kanila.
Sana pala di ko na lang sila sinama.
-
-
-
-•••••-
Forbidden kiss ba tawag dun?Date Published: Aug. 4, 2021
Time: 10:05 am
~Eeybeedi🐝
• Ang bubuyog na kinakabahan pa din hanggang ngayon, dahil baka kung saan dinala ni Kuyang lalamove rider ang documents ko.
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...