ARTHEMIS POV:
"Magandang araw, Ms. Rivas" bati sa akin ni Sister Jane pagdating ko sa simbahan, ngayon kase ang anibersaryo ng St. John Church kaya marami ang mga deboto na nandito upang mag simba.
Bumati ako kay Sister Jane at pumunta kami sa likod ng simbahan kung saan nandoon ang orphanage na pinangalanang St. John Orphanage.
Pagdating ko doon ay agad akong sinalubong ng mga bata.
"Ate Arthemis!!" sigaw nila at niyakap ako.
"Hello sa inyo, kumusta na kayo?" tanong ko sa mga ito.
"Ayos lang kami Ate Arth" sagot ni Sarah, na ngayon ay nakalambitin na sa hita ko.
"Mabuti naman kung ganun, oo nga pala may dala akong pasalubong para sa inyo" masayang sambit ko at saka ko tinuro ang mga kahon-kahon na laruan na buhat-buhat ng aking mga tauhan.
Agad naman nagtilian at natuwa ang mga bata bago tumakbo sa mga tauhan ko.
"Ms. Rivas" sambit ng pamilyar na tinig kaya napaharap ako dito.
Nakangiti at masayang mukha ni Hailey ang sumalubong sa akin.
"Kumusta na?" tanong nito.
"A--ayos lang ako" bulol kong sambit, yung mga ganitong sitwasyon talaga yung inaasahan ko, pero hindi ko alam ang gagawin.
"Akala ko di ka na makakapunta" ani pa nito at napangiti na lang ako sa kanya, dahil di ko alam kung ano ba ang dapat kong i-akto tuwing kaharap ko siya.
"Hey, Arth" bati sa akin ni Alecia, at saka humalik sa aking pisngi.
Inimbitahan ko kase sila nila Taylor dito, para naman may magawa sila sa kanilang pera.
Mga walgas kase ang mga ito sa pera kung saan-saan lang ginagamit, kaya naman naiisip ko mas maiging maging sponsor din sila dito sa orphanage para naman nakakatulong din sila sa mga bata na nandito.
Bahagya akong ngumiti kay Alecia, at saka ipinakilala dito si Sister Hailey.
Hindi pa kase sila kilala ni Hailey.
HAILEY POV:
Napahawak ako sa aking dibdib na biglang nanikip ng makita ko ang paghalik ng isang babae kay Arthemis.
Ama, bakit ganito?
Bakit parang naiiyak ako?
"Sister Hailey, si Alecia nga pala at Alecia, si Sister Hailey?" ngumiti sa akin si Alecia at masayang nilahad ang kanyang kamay sa akin.
Malungod ko naman itong tinanggap.
"Masaya akong makilala ka Sister Hailey" sambit nito bago kumapit sa braso ni Arthemis na ikinatigil ko.
Dahil sa makasalan kong nararam-
daman ay nagpaalam ako sa mga ito.Pumunta ako sa pinakadulo ng simbahan kung saan nandoon ang paborito kong puno.
At umupo ako sa isang batong upuan bago mataimtim na nagdasal.
"Ama, alam kong dapat hindi ako maguluhan dahil kayo ang pinili ko, ngunit sa inakto ko kanina sa harap nila Arthemis ay alam kong isang pagkakasala sa inyo, hindi dapat ako nasasaktan, hindi dapat ganito ang ikinikilos ko." paghingi ko ng tawad sa Maykapal.
"Sa mahigit apat na taon kong paglilingkod sa inyo, at sa mahigit apat na taon kong pag-iwas kay Arthemis ay ngayon lang ako nagkasala, akala ko ayos na ang lahat sa akin, akala ko kapag muli kaming nagkita ay ayos na ang lahat sa aming dalawa, ngunit Ama alam kong mali ang nadarama ko, dahil nagtataksil ako sa inyo. Ama patawadin niyo ako."
"Magandang araw Sister" bati sa akin ng isang babae na mayroong kulay abong mga mata.
"Magandang araw din" nakangiti kong sambit dito at pasimple kong pinunasan ang aking mga luha.
"Ako nga pala si Taylor" pakilala nito at nilahad ang kanyang kamay sa akin.
"I'm Hailey, Sister Hailey" pakilala ko.
"Alam mo Sister Hailey, hindi talaga ako mahilig magpupunta sa mga ganito eh, pero yung kaibigan ko matagal na siyang nag i-sponsor dito. Siguro dahil nakikita niya yung sarili niya sa mga bata na katulad niya ding walang mga magulang" ani nito at mababakas sa tono ng lungkot para sa kaibigan niya.
"By the way Sister Hailey, sana di ka ma-offend, gusto ko lang sana itanong bago ka ba nag madre, may minahal kang tao? Bukod sa pamilya at kaibigan mo yung romantic relationship" tanong nito na ikinabuntong hininga ko, sanay na naman ako sa mga ganitong tanong, even yung mga bata na naninirahan dito sa orphanage ganyan din ang tanong sa amin minsan.
"Okay, lang naman kung ayaw mong sagutin" pahabol nito at napakamot sa kanyang batok na ikinatawa ko, halata kasing nahihiya siya sa tinanong niya sa akin.
"To answer your curiosity. Oo, nagmahal ako noon bago ako nagmadre, childhood bestfriend ko siya kaya siguro nahulog ako sa kanya" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Kung mahal mo naman pala siya Sister Hailey, bakit ka nagmadre?" seryosong tanong nito, at napahawak pa siya sa kanyang bibig sa gulat niya, di niya siguro akalain na maiisatinig niya ang mga katanungan na nasa isip niya.
"Pasensya na Sister Hailey" nahihiyang sambit nito.
"It's okay, I know curious ka, hindi lang naman ikaw ang nakilala kong ganyan ka curious" sagot ko at ngumiti ako sa kanya.
"Sister Hailey, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap kase pinapatawag ka ni Father Erick" ani ni Sister Jane. Kaya tumayo na ako at saka nag paalam kay Taylor.
-••••••-
Sa mga magbabasa nito.Awit sa inyo.
Date Published: Aug. 4, 2021
Time: 6:53am
~Eeybeedi🐝
•Ang bubuyog na nilandi ng isang rosas pero iniwan sa huli.
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...