CHAPTER SEVENTEEN

1.9K 81 7
                                    

ARTHEMIS POV:

Busy ako sa pagmamaneho habang si Alecia naman ay ka video call si Diana na kasabay ngayon ni Taylor.

Si Hailey naman ay kasabay ni Dhalia magpapaalam pa daw kase sila sa Mommy ni  Dhalia.

Ngayon naman ay nakasunod na sila sa amin.

Sakay ng isang kotse na pag mamay-
ari ni Dhalia.

"Ano ng plano mo ngayon Arth, alam naman nating nanganganib ang buhay ni Sister Hailey, baka kapag binalik natin siya sa simbahan ay dukutin na naman siya" tanong ni Taylor na nasa kabilang linya.

"Makikiusap ako kay Father Erick na pag bakasyunin muna niya si Hailey, para mabantayan ko ito, hanggang sa bumalik ang ala-ala niya" sambit ko naman.

"Bakit parang feeling ko, ito na yung oras mo para pikutin si Sister Hailey" napailing- iling naman si Alecia sa sinabi ni Taylor.

"Siraul* ka talaga Taylor, igagaya mo pa ako sayo na pinukot si Diana" sigaw ko sa kanya pabalik.

"Hoi, hindi ko pinikot si my luvs no" depensa pa nito, at agad naman kaming napangiwi ni Alecia sa endearment ng dalawa.

"Hindi ko siya pinikot, ginayuma ko lang" dagdag pa nito.

Maya-maya'y nakarinig na lang kami ng pag inda nito.

Siguro'y nahampas na naman ito ni Diana.

Napailing-iling na lang ako sa kanilang dalawa.

Grabe kase sila mag lambingan.

Masyadong mapanakit.

Pagdating namin sa simbahan ay sabay-sabay na kaming bumaba sa aming mga sasakyan.

-

Pagbaba nila Hailey sa kanyang ay nakangiti ko lang itong pinagmasdan.

Ngayon ko lang kase ulit siya nakitang nakasuot ng simpleng pananamit.

"Baka matunaw" bulong sa akin ni Taylor, kaya sinamaan ko siya ng tinggin.

Natawa naman ito sa inakto ko.

"Let's go" aya ko sa kanila paglapit nila sa amin.

Pagdating namin sa opisina ni Father Erick ay kami munang magkakaibigan ang pumasok.

"Oh, Arthemis kumusta kayo? Ano ng balita kay Sister Hailey?" sunod-sunod na tanong nito.

Mula kase ng dukutin si Hailey ay halos linggo- linggo na akong napunta ito sa simbahan nagbabakasakaling bumalik na si Hailey.

Sa loob ng anim na buwang pagpapabalik - balik ko dito ay halos makilala na ako ng lahat.

Kahit nga sakristan dito ay kilala na din ako.

"Ayos lang po kami Father Erick, at tungkol po kay Hai--- Sister Hailey, may surprise po ako sa inyo"

Agad namang binuksan ni Alecia ang pintuan at pinapasok sila  Hailey.

Pagkakita ni Father kay Hailey ay agad itong tumayo at mabilis na niyakap si Hailey.

"Sister Hailey, kumusta kana? Anong nangyare sayo?" sunod-sunod na tanong nito pagkabitaw niya ng yakap kay Hailey.

"A--ayos lang po ako" nahihiyang sagot nito.

"Father" mahinang tawag ko dito, kaya naman napalingon sila sa akin.

"May amnesia po si Sister Hailey, at ito nga po si Dhalia, siya po ang tumulong kay Sister" sambit ko.

Malungkot namang tumingin si Father kay Hailey, at lumapit kay Dhalia.

Nagulat naman si Dhalia ng hawakan ni Father ang kamay niya.

"Maraming salamat  sa'yo Iha, hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sa pagkawala ni Sister Hailey maraming. Salamat, talagang napakabuti ng Diyos at pinadala ka upang tulungan si Sister Hailey"

"Walang anuman po Father, ginawa ko lang po ang nararapat" sambit nito.

Nagulat na lang kami ng biglang lumapit si Hailey isang malaking picture, kung saan makikita ang larawan nila kasama si Father Erick at ang iba pang mga madre.

"Dhalia tignan mo" lumapit naman sa kanya si Dhalia at tinignan din nito ang larawan.

"Totoo nga" nakangiting sambit ni Dhalia at makahulugang tumingin ito sa akin.

Problema niya?

Bigla naman mag kumatok sa pintuan ng opisina ni Father na agad pinag buksan ni Alecia.

Hindi ko alam kung bakit sa tapat pa ng pintuan pumuwesto si Alecia ayan tuloy nagiging taga bukas siya.

Pumasok si Sister Jane sa opisina at bumati ito sa amin ng makita kami.

"Nandito pala kayo Arthemis" sambit nito, kaya napaharap gawi niya si Hailey, na ikinagulat nito.

"Sister Hailey" maluha-luhang sambit nito at mabilis itong niyayakap.

Mahahalatang tulad ko ay labis din silang nag-alala sa pagkawala ni Hailey.

"Pinag-alala mo kami. Salamat sa Diyos at ayos ka lang" ani nito.

Ngumiti naman sa kanya si Hailey.

"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo" paumanhin ni Hailey na ikinangiti ko, ang lambing kase ng boses niya.

"Paano ka nakatakas sa mga dumukot sayo?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Sister Jane.

"Sister Jane" tawag dito ni Father.

"Bakit po, Father?" takang tanong naman nito.

"May amnesia si Sister Hailey" sambit ni Father na ikinasinghap ni Sister Jane.

Nahihiya namang ngumiti si Hailey, na niyakap ni Sister Jane ng mahigpit.

"Diyos ko po" nag-aalalang sambit nito.

•••••••
Date Published: Aug. 15, 2021

Time: 7:28 pm

Parang ang sabaw nito.

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon