ARTHEMIS POV:
Hinahanap ko si Taylor ng di sinasadyang marinig ko ang usapan nilang dalawa ni Hailey.
"By the way Sister Hailey, sana di ka ma-offend, gusto ko lang sana itanong bago ka ba nag madre, may minahal kang tao? Bukod sa pamilya at kaibigan mo yung romantic relationship" tanong ni Taylor na ikinatigil ko, kaya naman dahan-
dahan akong nagtago sa likod ng puno na malapit sa kanilang dalawa."Okay, lang naman kung ayaw niyong sagutin" pahabol ni Taylor na ikinailing ko, na realize niya ata na madre ang kausapan niya at hindi kung sino-sino lang.
"To answer your curiosity. Oo, nagmahal ako noon bago ako nagmadre, childhood bestfriend ko siya kaya siguro nahulog ako sa kanya" nakangiting sagot sa kanya ni Hailey, napangiti naman ako dahil doon.
Atleast hindi niya ako tinanggi.
"Kung mahal mo naman pala siya Sister Hailey, bakit ka nagmadre?" tanong ni Taylor na ikinagulat niya, loko talaga ang babaeng ito.
Inside of me want to know, kung bakit nga ba siya nag madre, mahal niya ako at nararamdaman ko iyon noon.
"Pasensya na Sister Hailey" paghingi nito ng tawad.
"It's okay, I know curious ka, hindi lang naman ikaw ang nakilala kong ganyan ka curious" sagot naman ni Hailey.
"Sister Hailey, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap kase pinapatawag ka ni Father Erick" ani ni Sister Jane, na ikinagulat ko.
Buti na lang ay hindi ako nahalata nito.
Pag alis ni Hailey at Sister Jane ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko, sabay pa kaming nagulat ni Taylor ng makita namin ang isa't-isa.
"Narinig mo ang lahat diba?" tanong nito, at tumango lang ako bilang sagot.
"Gusto mo itakas natin siya dito?" seryosong tanong nito na ikinagulat ko.
Anong pinagsasabi ng lokong to?Agad naman akong umiling sa kanya at malungkot akong tumingin sa langit.
"Mahal na mahal ko siya Tay(Tey) at hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit niya, sapat na sa akin na mahalin siya ng malayo" malungkot kong sambit.
Napabuntong hinga ito at tinapik ang balikat ko.
"You also need to love yourself, Arthemis, and if you really love her, you need to set her free and you should accept that she's a nun" sambit nito na ikinatulo ng luha ko.
"How can I love myself, kung yung puso ko nasa kanya na?" tanong ko dito.
"Arth, we are here, handa ka naming tulungan, just let us help you. Huwag mo kaming ipagtulakan" nag-aalalang sambit nito at niyakap ako.
"Arth, tama na yung mahigit apat na taon, na pinagtutulakan mo kami, kase kung nasasaktan ka, mas double ang epekto nun sa amin. Kaibigan mo kami Arth, hayaan mo kaming tulungan ka" dagdag pa nito.
"I'm sorry Tay. Pasensya na kung nilayo ko yung sarili ko sa inyo, ayoko lang naman kasing makaaba sa inyo"
"Ano kaba Arth, hindi ka abala sa amin" sambit nito at ginulo ang buhok ko kaya naman tinulak ko siya at sinamaan ng tinggin.
"Arte" sambit nito.
"Sinong maarte?" pikon na tanong ko.
"Ikaw" sagot nito, saka tumakbo.
"Taylooor, argh" sigaw ko at saka ko siya hinabol, tawa naman siya ng tawa habang natakbo.
Malapit ko na sanang mahawakan ang damit ni Taylor ng biglang may dumaan kaya naman, sabay kaming nawalan ng balanse.
Agad kong kinabig payakap ang nabangga ko para hindi ito mabarog.
"Ouch" inda ko ng tumama ang ulo ko sa semento, agad na nagsigawan ang mga nakakita at nag-aalalang lumapit sa amin.
"Arthemis, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ng pamilyar na boses, kaya dahan-dahan kong inangat ang aking paningin sa kanya hanggang magtama ang aming mga mata.
Bakas na bakas ang pag-aalala sa kanyang berdeng mata, na ngayon ko lang ulit nakita.
"Sister Hailey, ayos ka lang ba?" tanong ni Sister Jane at tinulungan siyang tumayo.
Lumapit naman sa akin sila Alecia, saka tinulungan akong tumayo.
"Ayos lang ako Sister Jane" sagot nito at saka lumapit sa akin.
Hinawakan niya ang pisngi ko na ikinagulat ko.
"Ayos ka lang ba Arthemis?" tanong nito, ngunit bago pa man ako maka sagot ay agad akong nahilo at nawalan ng malay.
-•••••-
Sana all hindi itinanggi.Date Published: Aug. 4, 2021.
Time: 7:11am
~Eeybeedi🐝
• Ang bubuyog na itinaggi HAHAH.
Char✌️
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...