ARTHEMIS POV:
Masaya kong pinagmamasdan si Hailey habang busy ito tignan ang photo album na ginawa ni Mommy.
Nakalagay ang mga larawan ko noong bata ako, kung saan kasama ko siya sa ibang mga larawan.
Hindi kase ako makapunta sa bahay nila dahil alam kong nandoon ang Tito niya na tumatayong guardian niya mula ng mamatay ang kanyang mga magulang.
"Ang taba mo pa dito Arthemis" sambit nito at tinuro ang larawan ko, kung saan pareho kaming nakadress at magkahawak ng kamay.
"Ikaw naman ang payat mo dyan" biro ko sa kanya, pero ang totoo sakto lang talaga ang katawan niya.
"Hindi kaya" depensa nito.
"Bakit parang kawayan ka dyan" pangangasar ko sa kanya.
"Kung ako kawayan, ikaw naman baboy" pangangasar naman nito pabalik at tumawa.
"Makababoy ka dyan, hindi naman ako masyadong mataba dyan eh" sambit ko at saka ko inagaw sa kanya ang photo album ko.
"Bakit mo, kinuha yan, akin na nga yan" sambit nito at pilit na inaagaw sa akin ang photo album.
"Arthemis naman eh, akin na kase"
"Ayoko nga, inaasar mo lang ako eh" sambit ko at itinaas ang photo album para di niya maabot.
"Eh, di wag kung ayaw mo, itong isang photo album mo na lang ang titignan ko" agad naman nanlaki ang mata ko ng kinuha niya ang high school photo album ko.
"Huwag yan" pigil ko sa kanya na ikinagulat niya.
"Ayoko nga, titignan ko lang naman eh" sagot niya at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto niya dala-dala ang photo album.
"Hailey wag yan, please" hinabol ko siya papunta sa kwarto niya, ngunit agad nitong ni lock ang pinto.
"Hailey!!" kinatok ko ang pintuan niya ngunit hindi niya ako pinapansin.
Lumipas ang ilang minutong pagkatok at pagtawag ko sa pangalan niya ngunit hindi niya pa rin ako pinapansin, kaya napabuntong hininga ako.
Aalis na sana ako para pumunta ng aking kwarto ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at niyakap ako, na ikinagulat ko.
HAILEY/GREEN POV:
Pagpasok ko sa kwarto ko ay mabilis kong nilock ang pinto para di ako masundan ni Arthemis, ang damot-
damot kase, titignan ko lang naman ang mga larawan niya eh."Hailey" tawag ni Arthemis sa pangalan ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko.
Ngunit hindi ko siya pinansin. Bahala siya dyan sa labas.
Binuklat ko ang photo album niya at napangiti ako ng makita ang larawan niya na nakasuot ng jersey, may hawak pa siyang bola ng volleyball.
Patuloy lang sa pagkatok sa pintuan si Arthemis habang ako ay patuloy pa ding tinitignan ang bawat pahina ng photo album niya kung saan makikita ang iba't-ibang larawan niya noong high school siya.
Ngunit pagbuklat ko ng sunod na pahina ay bigla akong natigilan sa aking nakita.
16th birthday ni Arthemis ito, kung saan siya nakasuot ng isang maganda gown habang ako naman ay nakadress at masayang nakatingin sa kanya.
Sa baba naman ng larawan na iyon ay nandun ang larawan kung saan nakaupo kami sa isang bench at magkayakap kami.
Sa sumunod na pahina naman ay may dala-dala akong bouquet of red roses habang nakaakbay siya sa akin, at sa baba naman nito ay ang larawan kung saan nakaluhod siya sa harap ko at pinapalibutan kami ng mga rose petals.
Pagbuklat ko naman ng sunod na pahina ay nandun ang larawan kung saan magkasama kami sa isang candlelight dinner.
At sa baba naman nun ay isang necklace, at mayroon isang simpleng mensahe "Happy 1st Anniversary HaoHao, I love you" ang nakasulat doon.
Sa mga sumunod na pahina naman ay ganun din ang makikita mga larawan naming magkasama, kung saan kami nagtravel noong 18th birthday niya, yung pagdiriwang namin tuwing monthsary namin.
Habang nakatingin sa mga larawan ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaibang emosyon sa aking dibdib.
Totoo ba to?
Namalayan ko na lang na tumutulo na ang aking luha.
Bakit ako naiyak?
Wala naman akong naalala bakit naiyak ako?
Totoo ba talagang kahit hindi nakakaalala ang isip, ang puso naman hinding-hindi makakalimot?
Tumayo ako sa akin kama at nagpunas ng aking luha.
Hindi pwede, madre ako.
At ang mga larawan na ito, ay isa na lamang na alaala ng nakaraan namin ni Arthemis.
Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya binuksan ko ang pintuan ng kwarto para sana kumuha ng tubig sa kusina.
Ngunit nakita ko si Arthemis, at hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin, ng agad ko itong niyakap at saka ako umiyak sa mga balikat niya.
Yumakap naman siya sa akin pabalik at naramdaman kong hinahagod niya buhok ko para patahanin.
••••••
Date Published: Aug. 17, 2021Time: 11: 23 am
Pasensya na sa wrong grammars and typos
~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...