HAILEY/ GREEN POV:
Pagkagising ko ay agad kong kinapa ang kama, ngunit wala akong nakapang Arthemis, kaya bumangon na ako sa kama.
Agad namang sumilay ang aking ngiti ng makita ko ang isang necklace.
"Happy 1st anniversary, HaoHao" basa ko sa letter na nakalagay dito.
"Ang sweet talaga ni Arth" hindi ko napigilang ibulong.
Kahit ano-ano kasing pakulo ang ginagawa niya.
Ayos lang naman sa akin kahit simple, basta kasama siya.
Naalala ko pa yung 18th birthday niya, ginamitan niya talaga ako ng pampatulog para lang makapag- out of town kami.
Mahilig kase si Arth, na mag travel. Kaya siguro sa isang taon namin bilang magkarelasyon ay madami na kaming napuntahang iba't-ibang lugar.
Pagpasok ko sa banyo ay agad namang nakita ko ang isang sticky note na nakalagay sa salamin.
"Hey Hao. See you on Abby's Restaurant. I love you" basa ko sa nakasulat dito.
"I love you too" tugon ko sa sulat, kahit alam ko namang hindi niya naririnig.
Masaya akong pumunta sa shower at mabilis na naligo.
For sure nasa restaurant na si Arth, kaya kailangan ko ng kumilos ng mabilis.
Ayoko siyang paghintayin ng matagal.
Pagkatapos ko maligo ay nabihis lang ako ng simpleng dress at nag-ayos din ako, para naman presentable akong tignan, habang nasa harap ni Arth.
Pagkatapos ko mag-ayos ay sumakay agad ako sa elevator, dito sa loob ng hotel na tinutuluyan namin ni Arthemis.
Pagbaba ko sa lobby ay sinalubong agad ako ng isang lalaki, at iginaya ako sa isang kotse.
Halatang pinaghandaan talaga ni Arth.
Pagdating ko sa Abby's Restaurant ay sumalubong sa akin ang isang nakakahalinang musika.
Lumapit sa akin ang isang staff ng restaurant at iginaya ako sa isang table.
Candlelight dinner.
Romantic person talaga si Arthemis. Sa aming dalawa ni Arthemis siya yung showy at vocal.
Ako naman, I always make sure na maiiparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko.
Pagkaupo sa silya, ay napangiti naman ako ng nakangiting lumapit sa akin si Arthemis, dala-dala ang isang flower bouquet.
Tatayo na sana ako, para lumapit sa kanya, pero sinenyasan niya akong manatili lang sa upuan.
Paglapit niya sa akin ay mabilis niya akong hinalikan sa labi, at inabot ang bulaklak.
"Thank you, Hao" sambit ko pagkatapos amuyin ang bulaklak at katulad nga ng dati, inispray-an niya na naman ito ng pabango niya.
Alam na alam niya kasing gusto ko ang amoy niya.
Pag-upo niya, ay agad lumapit ang isang waiter at nagsalin ng wine, sa dalawang wine glass.
Hindi ko pa man nahabawakan ang wine glass ay niyaya agad ako nitong sumayaw at inalalayang tumayo.
Inilalagay niya ang kanyang dalawang kamay sa aking bewang.
Inilalagay ko naman ang akin sa kanyang batok, at ipinatong ko ang aking noo sa kanyang dibdib.
Habang dahan-dahan kaming nagsasayaw ay napatinggin ako sa kanya ng binati niya ako.
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...