CHAPTER TWENTY

2K 88 8
                                    

HAILEY/GREEN POV:

Isang linggo na akong nandito sa bahay ni Arthemis.

Sa isang linggong paninirahan ko dito ay masasabi kong napakabait ng pakikitungo sa akin ni Arthemis.

Kada umaga kase ay gigising na lang ako na handa na ang aming umagahan, tuwing tanghali naman ay tatawag siya sa akin kung kumain na ako, at pagdating sa hapon ay nagpa-
padeliver siya ng pagkain para sa meryenda ko.

At pag sapit naman ng gabi ay maaga siyang nauwi para sabay kaming kumain.

Habang nakain naman kami ay kinukwentuhan niya ako kung paano kami nagkakilala noong mga bata pa kami.

Tuwing nagkukwento naman siya ay lagi kong napapansin na kumikislap ang kanyang mga mata.

Napansin ko din na Hailey lang ang tawag niya sa akin, hindi tulad ng mga kaibigan niya na Sister Hailey ang tawag sa akin.

Nalaman ko din na namatay ang kanyang mga magulang four years ago.

Kaya nag-iisa na lang siya sa buhay, katulad ko.

Napabuntong hininga naman ako at saka napahiga sa kama.

Napatinggin ako sa larawan namin ng aking pamilya ng biglang sumakit ang ulo ko.

"Ahh" inda ko ng malaglag ako sa kama at mawalan ng malay.

-

"Mommy!!" masayang tawag ng isang batang babae sa kanyang Ina.

"Hailey, baby ko" masayang sambit naman nito pabalik at niyakap ang batang babae na nag ngangalang Hailey.

"Kumusta ang school mo, baby?" nakangiting tanong ng ginang sa kanyang anak.

"Masaya mommy, marami na nga akong friends eh" masayang turan ng bata at tumalon-talon pa.

"That's good to hear baby" masayang sambit ng ginang at hinaplos ang buhok ng batang babae.

"Nasaan po si Daddy?" maya-maya ay tanong ng batang babae, ngumiti naman sa kanyang ang ginang bago sumagot.

"Nasa kumpanya baby, pero pupuntahan natin siya dun,for sure miss na miss ka na rin nun"

Natuwa naman ang batang babae sa kanyang narinig.

Pasakay na sana sila sa sasakyan ng nakita ng batang babae ang isa pang bata na nakasimangot.

"Arthemis!!" tawag niya sa bata, kaya lumingon ito at ngumiti sa kanya.

Naglakad ito papunta sa direksyon nila.

"Sino siya anak?" tanong ng Ina niya.

"Siya po si Arthemis Rivas, mag-
kaklase po kami" masayang sagot ng bata.

"Hello Hailey, Hello po Ma'am Conception" magalang na bati nito at natawa naman ang ginang sa formal na bati sa kanya ng batang babae.

"Tita, na lang ang itawag mo sa akin Arthemis, kaibigan ka naman ni Hailey" natutuwang sambit ng ginang.

"Sige po, Tita" nahihiyang sambit ni Arthemis.

"Nasaan na ang Mommy mo, Arthemis?" tanong sa kanya ni Hailey.

"Wala pa nga sila eh" malungkot na sagot ni Arthemis.

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon