CHAPTER NINE

2.2K 103 15
                                    

HAILEY POV:

Tulala ako habang nakahawak ako sa aking labi.

She kissed me!!!

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, dahil sa tuwing naaalala ko iyon ay biglang tumitibok ang aking puso ng kay bilis.

Napahawak ako ng mahigpit sa aking rosaryong hawak at saka napabuntong hininga.

Bakit kahit mali?

Parang tama.

Bakit kahit bawal?

Yung puso ko ang saya.

Mahigit apat na taon Ama. Apat na taon akong buong puso na naglingkod sa inyo, at sa apat na taon na yun naging masaya ako sa paglilingkod sa inyo.

Mapapatawad niyo kaya ako kung ang makasalan kung puso ay patuloy pa ding tumitibok para kay Arthemis?

Mapapatawad niyo kaya ako, kung sasabihin ko sa inyong masaya ako tuwing nakikita si Arthemis?

Patawad Ama kung tila ba ako'y nagtataksil sa inyo.

Pilit ko mang pigilan ang aking puso ay hindi ko magawa.

Mahal ko siya Ama. Mahal na mahal ko si Arthemis.

Patawadin niyo ako.

"Nandyan ka lang pala Sister Hailey, kanina ka pa namin hinahanap" nakangiti sambit nito.

Ngumiti naman ako kay Father at saka ako palihim na nagpunas ng luha.

"Father may gusto po sana akong ikumpisal sa inyo" sambit ko.

Mapag-unawa naman itong tumingin sa akin at saka ngumiti.

"Ano iyon Sister Hailey?" tanong nito.

"Sa tingin ko po ay nagtataksil ako sa Panginoon. May tao po kasing bumalik sa buhay ko, at hindi ko po ipagkakailang masaya akong makita siya. Mahal ko po ang Diyos at masaya akong paglingkuran siya, ngunit ng dumating ang taong iyon ay bigla na lamang nagbago ang pananaw ko. Inamin po nitong mahal niya pa rin ako, at hindi ko po ipagkakailang ganun din ang nararamdaman ko sa kanya." pagkukumpisal ko dito.

Ngumiti naman ito sa akin at saka siya tumingin sa langit.

"Mabait ang Panginoon, Sister Hailey. At alam kong napatawad ka na niya sa kasalanan mong nagawa dahil  kahit kailan hindi mali ang pagmamahal. Alam kong sinusubok ka ng Panginoon, kaya habang maaga pa ay dapat mong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman mo, dahil ang Panginoon hindi ka niya pipilitin sa isang bagay na hindi mo gusto, bagkus tutulungan ka pa niyang maliwanagan." sambit nito at saka tumingin sa akin.

"Kung ano mang agam-agam na dinadala mo sa iyong puso ay dapat mong lutasin, upang sa huli ay hindi ka magsisi" dagdag pa nito.

Tumango naman ako at saka tumingin sa langit.

Agad namang sumilay ang ngiti sa aking labi ng makita ko ito.

"Halika na sa loob, baka tayo'y hinahanap na nila Mother Faith" aya nito kaya, tumayo na kami at saka naglakad papunta sa loob ng simbahan.

Hindi pa man kami nakakatapak sa marmol na sahig ng simbahan ay agad na may humila sa akin.

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?" takot na tanong ni Father Erick.

Agad naman lumapit ang isang armadong lalaki dito at saka ito pinalo sa ulo ng baril.

"Father!!" sigaw ko at akmang lalapit na kay Father Erick ng bigla akong sikmuraan ng isang lalaki na ikinahina ng katawan ko.

Naramdaman ko nalang na may humila sa akin.

"Panginoon tulungan mo ako" sambit ko bago mawala ng malay.

ARTHEMIS POV:

Paglabas ko ng aking kotse ay nagtataka akong napatinggin sa labas ng simbahan.

Maraming pulis sa paligid, at nag iiyakan na rin ang ibang mga madre.

Lumapit ako kay Sister Jane, para tanungin kung ano bang nangyayari.

"Ano pong nangyare dito?Bakit po maraming pulis?" kinakabahan kong tanong.

Si Hailey di ko siya, makita.

"Si Sister Hailey dinukot ng mga armadong lalaki" umiiyak na sambit nito na ikinawasak ng mundo ko.

Agad kong kinuha ang aking cellphone at nanghihina kong tinawagan si Taylor.

"Hello Arth, namiss mo agad ako" sambit ni Taylor.

"Taylor" naiiyak kong sambit.

"Arth, anong nangyare?" nag-aalala nitong tanong.

"Si Hailey dinukot" umiiyak na sambit ko.

"Ano?!! Arth, ayos ka lang ba? Nasaan ka?" tanong nito.

"Sa St. John Church" sambit ko at saka nanghihinang napaupo sa gilid ng gate.

Ilang minuto ang lumipas ay humahangos na dumating sila Taylor at saka ako tinulungang tumayo.

"Arth, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Diana, kaya niyakap ko ito at saka ako umiyak.

"Tulungan niyo ako, gusto kong hanapin si Hailey" pagsusumamo ko sa kanila.

"Huwag lang mag- aalala Arth, hihingi ako ng tulong kaila Daddy, para mahanap si Sister Hailey" sambit naman ni Alecia at saka kinuha ang kanyang cellphone.

•••••
Date Published:  Aug. 14, 2021

Time: 7: 12 am

~Eeybeedi🐝
     

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon