CHAPTER EIGHT

2.4K 111 9
                                    

ARTHEMIS POV:

Pagpasok ko sa loob ng opisina ko ay nabungaran ko ang mga kaibigan kong prenteng nakaupo sa couch.

"Sa wakas dumating ka din" sambit ni Taylor.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi tambayan ang opisina ko, kung wala kayong pasok pwede naman kayong pumunta ng mall para tumambay" pagalit ko sa kanila, sabay-sabay naman silang napairap sa akin.

"Dumadalaw lang kami sa iyo Arth, kung makasermon ka naman dyan, daig mo pa nanay ko" sambit ni Taylor at saka tinaas ang kanyang paa sa glass table.

"Wala akong sakit, kaya lumayas kayo sa opisina ko" pagtataboy ko sa kanila.

"Wala ka palang sakit, akala kase namin meron. Mukha kasing kailangan mo ng magpacheck-up sa mental hospital, dahil mukha kang high na baliw kaninang madaling araw" sambit naman ni Alecia.

Umupo ako sa swivel chair at saka ko siya tinaasan ng kilay.

"Pinagsasabi mo?" takang tanong ko.

"Ay b*bo" sambit ni Diana at napahawak pa ito sa kanyang sintido.

"Mukhang high pa siya ngayon, guys. Tignan niyo late na nga yang pumasok ngayon eh" dagdag pa nito.

"Wala akong maiintindihan sa pinag-sasabi niyo" sambit ko at saka ko nilabas ang aking ballpen, sisimulan ko na sanang basahin ang unang pahina ng dokumento na nasa harap ko ng biglang magsalita si Taylor.

"Nakascore ka kaninang madaling araw kay Sister Hailey no?" tanong nito.

"Mukha kang rapist, na lumabas sa St. John Church kanina" dagdag pa ni Diana.

Sa narinig ko sa kanila ay bigla ko silang pinukulan ng nakakamatay na tingin.

Ang couple talaga na ito ang babastos ng nalabas sa mga bunganga, kaya nahahawa si Alecia eh.

"Bunganga niyong dalawa puro kabalastugan" pagalit ko sa dalawa.

"Matagal na naming alam Arth, manahimik ka dyan. By the way, kumusta na pamimikot mo kay Sister Hailey?" ani ni Taylor, kaya binato ko siya ng hawak kong ballpen.

"Hindi ko siya pinipikot, kinamusta ko lang siya" sagot ko sa mga ito.

"Pwede mo naman siyang puntahan ngayon, eh bat kaninang madaling araw pa? Galawang ninja lang ang peg" tanong ni Taylor habang hawak-hawak ang fountain pen na binato ko sa kanya kanina.

"Hindi ako, makatulog sa kakaisip sa kanya kaya naman pinuntahan ko na siya. Happy?" inis na sambit ko, para kase silang investigator ngayon.

"Eh bakit ka nga masaya pagkalabas mo kanina sa simbahan?" naiinip na tanong ni Diana.

"Malamang nakita ko si Hailey, ayun lang wala ng nangyaring iba pa" sagot ko dito, pero napangiti naman ako ng maalala ko kanina yung ginawa kong paghalik kay Hailey, ramdam ko pa rin kase hanggang ngayon yung lambot ng labi niya.

"Sa inaakto mo ngayon, mukhang may ginawa kang kalokohan kay Sister" naiiling na sambit ni Taylor.

Ako naman ay pangiti- ngiti pa rin. Bahala na sila kung ayaw nilang umalis dito sa loob ng opisina ko, basta ako masaya.

TAYLOR POV:

Napangiwi kaming tatlo habang pinagmamasdan si Arthemis na masayang nagbabasa ng mga dokumento.

"Kilala natin si Arth, hindi yan magkakaganyan kung wala yang ginawang kalokohan" sambit ni Diana.

"Dapat pala dati pa natin ginawa ang pag sneak niya sa dormitoryo para mapasaya siya" ani naman ni Alecia.

"Nandito ka pala Alecia, akala ko kase hologram ka lang eh" asar ko dito, binato naman ako nito ng unan.

"Ang saya niya no" nakangiting sambit ni Diana.

Sabay-sabay naman kaming napangiti. Ito yung gusto namin eh, ang makitang masaya ang aming kaibigan.

Sa dami niyang paghihirap na pinagdaan sa mahigit apat na taon na lumipas ngayon lang namin ulit siya nakitang ganto kasaya.

Wala na akong pakialam kung sa madre man siya na nahulog, basta masaya siya, ayos na yun sa akin. She deserves to be happy, at hinding-hindi namin iyon ipagkakait sa kanya, ngayon ng nagkasundo kaming magkakaibigan.

"Arth, ako na ngangalay sa kakangiti mo, may nakakatuwa ba dyan sa dokumento mong binabasa?" pangangasar sa kanya ni Diana.

"Pwede bang lumayas na kayong tatlo sa opisina ko, kung wala din naman kayong gagawin kundi ang asarin ako. Saka hindi ako kiss and tell na tao, kaya wala kayong makukuhang impormasyon sa akin" mahabang lintanya nito sa ikinatili namin at sabay-sabay namin siyang nginisian.

"Sabi na may nangyare eh" tili ni Diana.

"Ano yun quickie?" paggatong ko pa.

"Kaya pala ganyan kaganda ang mood, nakascore kase kanina kay Sister Hailey" pangangasar din ni Alecia at saka namin siya nginisian.

Pulang-pula naman siya habang nakatakip ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha.

"Ano bang pinagsasabi niyo, ang dudumi ng utak niyo" sambit nito na ikinatawa naming tatlo.

Napailing-iling na lang kaming nag ngitiang tatlo.

We are happy for Arth, at nakikita naming unti-unti na siya bumabalik sa dati.

•••••
Date Published: Aug. 14, 2021

Time: 7:11 am

Watch out:
         Maraming typos kayong makikita, pasensya na po.

~ Eeybeedi 🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon