CHAPTER TWO

3.1K 138 25
                                    

ARTHEMIS POV:

Pagpasok ko sa kumpanya ay sabay-sabay napayuko ang mga empleyado ng makita ako.

"Good morning Ms. Rivas" sunod-
sunod na bati ng mga ito kada madadaanan ko ang kanilang pwesto.

Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-
tuloy akong pumasok sa private elevator para makapunta sa aking opisina.

Pagdating ko sa floor ng aking opisina at agad nagpumanhik ang mga empleyado ko.

At saka mabilis na gumalaw para kunwaring may ginagawa sila.

"Magandang araw Ms. Rivas" bati sa akin ni Dale ang sekretarya ko at iba pang empleyado.

Katulad kanina sa ibaba ay hindi ko din sila binati, alam ko namang sanay na sila sa ugali kong ito.

Pagpasok ko sa office ko ay agad na napakuyom ang aking palad ng mabungaran ko ang nakangising si Aubrey.

Nandito na naman po ang sisira ng araw ko.

"What are doing here?" matigas at nangigigil kong tanong.

Sa tuwing makikita ko talaga siya ay agad na nang-iinit ang aking ulo, dahil sa mga kahinayupakan niyang ginagawa sa kumpanya.

Alam ko namang siya ang dahilan kung bakit nagkaka aberya ang pagshi-ship ng mga produkto papuntang ibang bansa.

"Ang aga-aga, kumukulo agad ang dugo mo" pangangasar nito at iling.

"Wala akong oras para maki-
paglokohan sayo, kung wala ka din namang matinong sasabihin ay umalis ka na sa office ko"

"Bago ako umalis, gusto ko munang papirmahan sayo ang allowance na gagamitin natin sa pagship ng ating mga produkto papuntang Japan" inabot nito sa akin ang papeles.

Kinuha ko naman ito at binasa ng maigi.

Agad itong nagulat ng punitin  ko sa harap niya ang pinapapirmahan niya.

"Kung kaya mong maloko ang mga magulang ko sa mga katrantaduhan mo, ay ibahin mo ako" galit na sambit ko sa kanya.

"Alam ko ang mga kalokohan na ginagawa mo sa loob at labas ng kumpanya ko, kaya isa pang pagkakamali mo ay hindi ako nagdadalawang isip na patalsikan ka sa kumpanyang 'to"  banta ko sa kanya na ikina-igting ng kanyang panga.

"Wala kang ebidensya, Arthemis" matigas na sambit nito.

"Try me Aubrey, try me. Marami akong mata sa loob at labas ng kumpanyang ito at baka kapag nakita mo ang mga ebidensya ko ay baka maihi ka sa takot" pananakot ko dito.

Sa inis nito ay binangga niya ang balikat ko bago lumabas ng opisina ko.

Napangisi naman ako sa ginawa niya.

Halatang guilty ang gago...

AUBREY POV:

Galit na lumabas ako ng opisina ng magaling kong pinsan na si Arthemis.

Walang hiya yung babaeng yun ako pa tinakot.

"Magandang araw, Ms. Alcantara" bati ng sekretarya nito.

"Walang maganda sa umaga" inis kong sambit na ikinatakot nito.

Alam ng bad mood ako eh, babati pa.

Pagpasok ko sa opisina ko ay agad kong tinawagan ang mga tauhan ko.

"Hello Boss" bati nito.

"Kumusta na ang mga pinapagawa ko sa inyo?"

"Ayos na, Boss. Naisakay na namin ang mga droga papuntang Japan, at nasisigurado na din naming hindi ito malalaman ng pinsan mo"  napangisi naman ako sa tinuran nito.

"Mabuti kung ganun, siguraduhin mo lang na hindi magkaka aberya, kundi alam niyo na ang mangyayari"

"Copy, Boss. Huwag kang mag-alala di kami sasabit" paniniguro nito.

Pagkatapos ko makipag- usap sa aking tauhan ay nag-isip naman ako ng paraan kung paano ako makakakuha ng malaking pera sa kumpanyang ito para sa gagamitin kong pag e-export ng pinagbabawal na gamot sa iba't-ibang bansa.

HAILEY POV:

Nakaluhod ako habang hawak ang aking rosaryo habang nakaharap sa  A
altar.

"Ama patawadin mo ako, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako hanggang ngayon, hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko kay Arthemis, ang iiwan ito habang nagluluksa sa pagkawala ng kanyang magulang.

Mahal ko ang paglilingkod sa inyo Ama, at buong puso ko kayong tinanggap, katulad ng pagtanggap niyo sa akin, ngunit bakit ganito Ama? Bakit nasasaktan ako sa tuwing makikita ko ang mata ni Arthemis na walang kabuhay-buhay? Bakit naguguluhan ako sa tuwing makikita ko siya?

Alam kong malaking kasalanan ito sa inyo Ama, nawa'y mapatawad niyo ako sa aking mga naiisip at aking nadarama.

Patawadin niyo ako Ama, kung muli akong nagkasala sa inyo, patawad Ama."  buong katapatan kong panalangin sa Panginoon.

-•••••-

May readers pa kayang dadating?

Date Published: Aug. 4, 2021.
Time: 6:35am

~Eeybeedi🐝
      • Ang bubuyog na naghahanap ng bulaklak, kahit anong bulaklak basta pwedeng dapuan.

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon