Liam
"The semester has ended. Do you brothers have any plans at all?" Narinig ko ang boses ng nanay ni Layn mula sa kusina ng apartment namin.
Ipagluluto daw niya kaming tatlo dito at mukhang hindi naman kami magsisisi sa pag-sangayon lalo na at chef si tita. Amoy palang ng niluluto niya ay mukhang mabango na.
"Wala naman po. Magpapahinga na lang po sana ako—,"
"No!" Narinig ko ang boses ni tita.
Lumabas siyang nagpupunas pa sa apron niya nang bigla siyang magsalita. "How about La Quezta?"
Napaharap ako kay Layn at kita ko ang paglaki ng mga mata niya sa sinabi ng nanay niya. Para bang may nasabi itong hindi niya dapat sabihin?
"Mom! No!"
"Why not?" Humarap saakin si tita bago lumapit at tapikin ang balikat ko.
Ngumiti siya na para bang may nais siyang iparating saakin gamit ang mga mata niya.
"That's where you met Layn when he was little." Napatingin naman ako kay Layn at nakumpirma kong tama ang sinasabi ni tita ng mamula si Layn.
Napatango nalang ako sa sinabi ni tita dahil na rin sa nahihiya akong tumanggi sa kaniya lalo na at sobrang bait niya saakin.
Hindi na rin ako dapat maging alinlangan sa kaniya dahil siya pa ang nanghihikayat saakin na makipag-ayos sa tatay ko at maging sila ng nanay. Nalaman ko rin na magkakilala na pala ang nanay at si tita noon pa man.
Tita would offer help to nanay but knowing my mother, she declined all and said that she wanted me to raise with her own hands.
That just boils my blood more. These two women helping each other to support me while my bastard dad is sitting pretty at his company.
What a dick!
"Kuya!" Nawala ang lahat ng iniisip ko nang sumigaw na saakin si Layn.
"Ah—eh, bakit?" Tanong ko pabalik.
"I was hoping you don't mind Papa joining us?" Biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Layn.
Oo, galit pa rin ako sa tatay ko. Hindi ko nga alam kung mapapatawad ko pa ba ang ginawa niya saakin. Kung si nanay napatawad na siya, hinding-hindi ko pa rin makakalimutan ang mga ginawa niya—
"Just give it a shot? Just so you don't regret."
Bigla kong narinig ang boses niya sa utak ko. He told me this when I got into an argument with Layn and ended up crying to him because Layn called me heartless.
Nag-away kami noon dahil sinabi niya saakin na may sakit daw ang pesteng tatay namin at gusto niya daw ako makita.
Sinagot ko siya noon at sinabi na kung gusto niya ako makita dapat matagal na niyang ginawa.
Sinagot pa ako ni Layn noon ng "Wala kang alam, kuya!" kaya nasaktan ko siya na agad kong pinagsisihan noon nung nakita ko siyang umiyak sa harapan ko.
Naalala ko pa kung paanong tinatapik niya ang likod ko habang nakasandal ako sa braso niyang nakahaba sa sofa sa condo niya noon habang pigil na pigil ako sa luha ko.
Siguro tama nga siya, kung iisipin ko...buong buhay kong kinamumuhian ang tatay ko at wala naman itong mabuting naiibibigay saakin maliban ang sama ng loob sa kapatid ko at maging sa nanay ko na pilit akong pinag-aayos sa tatay kong bulok.
"Sige." Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang salitang 'yan.
Napabalik ako sa huwisyo at kita ko ang naglalakihang mga mata ni Layn, Tita, at maging si Red na kakauwi lang mula sa trabaho niya sa Café.
BINABASA MO ANG
willing to be your knight (Knight Series, #2)
JugendliteraturKnight Series #2 [COMPLETED] Meet Axl Givonecharee, a son of a well-known billionaire. Some says he's torturing himself. Some says he's killing himself. Some says it's better to let go. But, he knows that he's doing what his heart wants. He knows th...