26: Impulsively Impulsive

47 6 0
                                    

Liam

"It's so nice to see you here. Both of you Liam and Layn. I have heard so much about you guys from babe." Narinig ko ang boses ni Valerie.

Nasa harapan kami ng hapag-kainan at patuloy na kumakain. Tumingin ako kay Layn at nakita kong nakataas ang kilay niya kay Valerie kaya naman agad kong kinuhit ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at sinenyasan siya na tigilan ang ginagawa niya.

Agad naman siyang tumigil sa ginagawa niya nang makuha niya ang ibig kong sabihin.

"So what should we do on the weekend?" Tanong niya na punong-puno ng kasiyahan sa boses niya.

Napataas ng kaunti ang kilay ko. She got some mild bruises in her thighs. Hindi ako manyak pero kanina ko pa napapansin ang pasa niyang iyon. Nilagyan niya siguro ng make-up ang pasang yun dahil hindi ko ito makita ng maayos.

Gusto ko sanang itanong sa kanya kung bakit pero ayaw kong pag-isipan ako ng masama ni Drey pati na rin si Valerie.

Tumingin ako sa mata niya at nahalata ko din ang makapal na make-up sa ilalim ng mga maya niya. Nakakapagtaka ang mga napapansin ko pero hinayaan ko na lang ang nga 'yun.

"Should we go on a trip?" Tanong niya ulit na halos mabingi ako sa lakas.

Nababaliw na ba siya? Punong-puno ng kasiyahan ang boses niya pero walang bahid ng liwanag sa mga mata niya. Gusto kong magtanong kung ganoon ba talaga siya magsalita o baka nama nakikipagplastikan lang siya saamin dahil kami lang naman ang kaibigan ng ulaga niyang boyfriend.

Parang panakip ang boses niyang wala nang maisasaya pa sa mga mata niyang maraming itinatago.

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko na kalokohan. Baka pagod lang siya. Sino ba naman ang hindi mapapagod. Sa biyahe kung halos kalahati ng mundo ang nilakbay mo?

"Uh—," I heard Layn.

"Yeap? Do you suggest a place?" Agad na napaatras si Layn sa ginawang mabilis na tanong ni Valerie sa kanya.

"Ugh—no! I think it would be better if both of you just take the weekend and treat yourselves. We'll be fine." Umakbay pa siya saakin.

"Right kuya?" Nakakalokong pagtatanong niya. Agad kong naramdaman ang malambot na pagpisil ni Layn sa balikat ko na agad ko naman na nakuha.

"Ah, right! We'll just bond together. I missed this kid." Sinubukan ko ang pag-eenglish ko. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinisil iyon ng marahan.

Muli akong tumingin sa kanilang dalawa at kitang-kita ko ang gulat na mukha ni Drey.

"You both are so cute. If I wasn't informed that you two were actually 2 years apart, I'd be thinking you both are twins." Sabi niya habang nakahawak sa braso ni Drey.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Okay! I get it! Magkamukha kami pero hindi naman kailangan na lagi nalang isubsob sa mukha ko yun. Nakakaasar na rin minsan.

"Alright. Let's finish this meal then...I hope you two can help us decide where we'll go?"

"Sure." Sabi ni Layn na kaagad kong pinangalawan ng tango.

Bumalik kami sa pagkain nang mamaya-maya ay biglang nagsalita si Valerie.

"Uh, Liam, have I told you—you cook like a five-star chef? Like seriously! This is so good!" Sabi niya saakin na kaagad ko naman na ikinangiti.

Lalo akong namula sa sinabi niya nang bigla siyang dumighay. Busog na siya! Hindi ko mapigilan matawa at mamula dahil sa mga papuri niya saakin.

"Thank you." Mahina kong sabi dahil sa hiya sa kanya.

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon