11: Hickey

72 4 0
                                    

Axl


"Hey! Mister Givonecharee!"

Naalimpungatan naman ako sa narinig ko. Nagpunas ako ng mata ko at tsaka ako nag-unat ng katawan ko.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Jennie na nakataas ang kilay saakin.

"Good morning?" I said, bakit ganan siya makatingin saakin?

"It's almost noon hoy! Bakit ba hindi ka nagigising? Kanina pa kita ginigising." Sabi niya saakin.

"Why don't you ask yourself. Sa tingin mo sinong nag-alaga sainyong apat kagabi?" I raised my eyebrows on her.

"Ay sorry! Hindi ko naman alam na malalasing ako. Hehe suri na Axl hehe. Tsaka thank you sa damit na ito ha! Sorbang ganda! Ano tatak nito? bibili akong madami!"

"Ayan oh laki-laki nung logo!"

"Ha? Parang dalawang 'C' lang naman eh."

Napa hawak nalang ako sa ulo ko. This girl is getting on my nerves!

"It's Chanel, Jennie..." tumayo na ako sa kama ko at nag-simulang lumabas sa kwarto. Nakita ko naman na sumunod saakin si Jennie.

Lalabas pa sana ako sa balcony para mag-pahangin ng biglang may humawak sa braso ko. Si Jennie.

"Axl, baka gusto mo muna mag-suot ng pambaba."

Ay shit! Naalala ko na naka-boxers lang pala ako? Deputa! It isn't visible though because the shirt I'm wearing it almost knee length.

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at tsaka pumasok sa closet. Kumuha akong sando at shorts tsaka iyon sinuot.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa balkonahe ng aking condo. Nakita ko doon si Red at si Liza na nag-uusap.

"Liam, thank you pala dito sa mga damit mo ha! Labhan ko muna bago ko ibalik sa'yo."

"No need Red, para sainyo yan." Ngumiti ako at tsaka umupo sa tabi nilang dalawa.

"Sorry din pala dahil ikaw ang pinag-ligpit namin ng mga kalat kagabi." Sabi naman ni Liz.

Humarap ako sa kanila at tsaka umimik. "It's fine. Sanay na ako. Tsaka minsan lang ako mag-karoon ng mga kaibigan dito sa condo ko." Sabi ko.

Humarap ako sa kanila at bigla akong nag-taka kung bakit naka-taas ang kilay saakin.

"Bakit ganyan kayo makatingin? Haha!" Natatawang tanong ko sa kanila.

"Ah— eh, bakit may hickey ka? Hindi lang isa, ang dami Axl." Sabi ni Liza.

Bigla naman akong nataranta. Ramdam ko ang pamumula ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ang camera.

Shit! Mayroon nga.

Ano bang nangyari kagabi—

"Fvck!" Nahulog ako sa kina-uupuan ko ng maalala ko kung anong nanyari kagabi.

Ramdam ko ang pamumula ng buong katawan ko dahil sa hiya.

"Axl, okay ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Red.

Tinulungan niya naman akong maka-tayo. Hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ko naman ito maitatago!

"I have some concealer on my pouch." Narinig kong sabi ni Jennie na nasa likod ko.

"Wait! How long have you known?"

"Simula kanina noong ginigising kita. Saan ba kasi galing iyan?"

"A— I don't know!" Pag-sisinungaling ko.

Damn it, Liam! Ikaw ang may kasalanan nito!

"Can you help me with this?" I told Jennie.

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon