30: Eye

50 3 2
                                    

Liam

"Ayaw niya pa rin lumabas." I told Alexa.

Napahinga ako ng malalim bago ko ibinaba ang tawag ko kay Alexa. Hindi siya makakapunta rito dahil siya ang namamahala sa mga branch ng business nila Drey dito sa Pilipinas.

Huminga ako ng malalim bago pa ako tuluyang tumayo at tumungo sa kwarto ni Drey.

Tumayo lang ako sa harap nito at nanatiling nakatingin sa itim na pinto. Hawak ko ang pagkain niya at ang paborito niyang inumin. Baka gumaan ang loob niya  kung sakaling bigyan ko siya nito, iyan ang nasa isip ko.

Tumikhim ulit ako ng hangin bago tuluyan kumatok.

"Drey?" Ilang segundo ang lumipas ay wala akong narinig na kahit ano.

Napahinga naman ako ng malalim. Halos dalawang linggo na siyang walang kibo at walang ginawa kung hundi ang mag kulong sa kwarto niya.

"Drey. Kumain ka muna. Wala ka pang kain simula kaninang umaga." Mahina kong sabi na alam ko naman na rinig niya pa rin.

Hindi niya ako pinagbubuksan ng pinto at tanging si Layn lamang ang kinakausap niya. Galit pa rin siya saakin.

Napasinghap ako ng hangin habang inaalala ang nasabi ko sa kanya.

"I'm so stupid." Bulong ko sa sarili ko.

Tanging pagluluto nalang ang kaya kong magawa para makabawi sa kanya.

Napatingin ako sa oras at halos 5pm na. Maagap akong na-dismiss dahil wala na akong klase. Mayroon pa sana akong group study pero minabuti ko na lang na pumunta rito para masiguro kung kumakain ba siya.

"Drey?" Bahagya kong inikot ang doorknob at nakabukas ito.

Lagi niyang sinasara ang pinto niya kaya naninibago ako na nakabukas ito.

Dahan-dahan akong pumasok at dahan-dahan ko rin na isinara ang pinto ng kwarto niya.

Noong humarap ako ay nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama niya habang nakatalikod saakin.

"Drey. Kumain ka muna." Sabi ko bago ako lumapit sa lamesa niya rito sa kwarto niya na ginagamit niya sa trabaho niya.

Nilapag ko ang hawak ko sa lamesa at humarap sa kanya. May hawak siyang beer at mukhang malalim ang iniisip.

"Drey—,"

"Get out." Mahina niyang sinabi saakin bago siya lumagok ng beer. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pag-aalis ng mga kubyertos sa tray papunta sa lamesa niya.

"Kumain ka muna. Masama ang uminom ng beer ng walang laman ang tiyan—," saktong paharap ako sa kanya ng makita ko siyang nasa harap ko na at nakatingin saakin.

Ibinagsak niya ang beer na ka-agad na nabasag at lumikha ng malakas na ingay sa kwarto.

Hindi ako nagulat sa ginawa niyang pag-basag ng bote pero halos mamatay ako sa takot nang hawakan niya ang kwelyo ng polo ko at ng itinaas niya ako ng bahagya na naging dahilan ng pagtikdi ko.

Sa gulat ko ay nabagsak ko ang hawak ko na basong may laman na lemonade.

"I said—get out!" Sabi niya saakin.

Hindi ko maintindihan ang ginagawa niya. Alam kong galit siya pero kahit kailan hindi niya ako tinrato ng ganito. He won't even lay hands on me even if I am worthy of his punching.

"Dinala ko lang yung pagkain mo—," dali-dali niya akong isinandal sa pader at hinawakan niya ang leeg ko at sinakal niya ako.

Agad akong hiningal sa ginawa niya habang patuloy ang pagtapik ko sa braso niya dahil hindu ako makahinga.

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon