Epilogue

35 3 0
                                    

~*~

"Baby." I called him. Nakatayo lang siya malapit sa railings hahang nakatingin sa kawalan.

"Hmm?" He then extended his arms, signaling me to come closer to him. I stepped one and he already grabbed and pulled me closer to his body. We stood there for about a minute, his arms around my waist.

"JV is waiting for you." I told him as we were watching the sea crash in the sand and pebbles of the beach of Camarines Sur. He had been eyeing this beach for a long time since gusto niya raw na may rest house kami sa probinsiya ko. No suprise sa part ko na binili niya ito para lang sa birthday party ng anak namin.

The sun was about to set and familiar orange painted the whole scene.

"JV is growing so fast." Sabi niya sa akin. I nodded and agreed.

Nakatitig pa rin ako sa dagat pero napagtanto ko na mas maganda pala titigan ang mukha niya. His face hasn't aged quite a bit. The face of the man I fell in love with eight years ago was still the same. Slim pointed nose, thick eyebrows, his brownish-jade eyes, pale skin, everything about him is just so majestic.

"Keep looking at me like that and I'll kiss you."

Agad kong hinampas ang balikat niya at lumayo nang kaunti bago tumawa. If anything about him that did not change besides his appearance, 'yon ay 'yung kabastusan niya.

Napatawa rin siya na nagdahilan ng paglabas ng dalawa niyang dimple sa magkabilang pisngi. Just like JV's.

Mag-ama nga talaga kayo.

"How's everyone?"

Tumingin ako sa kaniya bago ko hinawakan ang mga kamay niya. "All is well."

At last. I murmured under my breath.

Tuwing naalala ko ang lahat ng pinagdaanan namin, lumiliit ang lahat ng mga problemang dumadating sa amin ngayong mag-asawa na kami. We have faced everything and it seemed like we couldn't be separated anymore. He's still busy being the billionaire baby that I have and I am busy managing an engineering firm and running a restaurant that I co-own. We're both busy but somehow we still manage to have time for each other and for our baby, our JV.

"Tara na, love birds. Hinahanap na kayo ni JV." I heard Red from behind us kaya napatingin ako sa kaniya.

"Papunta na!" Tumawa muna ako nang saglit bago ko kunin ang kamay ni Drey at akitin na siyang pumunta kung nasaan silang lahat.

The walk was quiet but I enjoyed it. Bihira na lang kami magkaroon ng panahon na kaming dalawa lang talaga dahil na rin nga pamilyado na kami. May anak nang ubod ng kulit!

The place was designed by the architect himself, Architect Axl Drey Givonecharee-Doneetolva. He has a taste in making sure that the place looked timeless, classic, modern, and elegant at the same time. It looks mesmerizing in the eyes.

"Happy birthday, JV! Happy birthday, JV!" Sigawan namin habang ang bata ay tuwang-tuwa na sumasayaw pa sa gitna habang nakatingin sa kaniyang cake. Noong nahipan na niya ang mga kandila ay agad na lumapit ang tatay niya sa kaniya at may iniabot na regalo na dali-daling binuksan ng anak namin.

"Wow! Baso!" Napatawa ako nang malakas gaya ng ibang tao rito dahil sa reaksyon ng bata. Kukutusan ko sana si Drey dahil dalawang baso lamang ang binigay niya kay JV pero noong napagtanto kung bakit ay namula pa ang pisngi ko.

May nakalagay na 'Jacques' at 'Valerian'  sa dalawang tasa na binigay niya kay JV katulad noong mga baso niya noong nagkakilala pa lang kami na may nakalagay na 'Axl' at 'Drey'. Sobrang corny niya talaga! Nahuli ko pa siyang nakatingin sa akin na nakangisi pa.

Hindi ko na lang pinansin ang mga nag-iinit kong pisngi at inabot kay JV ang regalo ko. He was so jolly about opening it kahit na kids-safe juicing kit lamang naman iyon. Hindi na ako nagtataka pa kung anak nga ba ni Drey ang batang iyon dahil parehas na parehas ang mga hilig nila pati na rin sa pagkain.

Raspberry Lemonade.

That's their common denominator.

"Thank you, Papa!" Tumakbo pa siya sa 'kin at yumakap nang mahigpit bago ako hinalikan nang matamis sa pisngi ko. I brushed his head and smiled before telling him to go to his tito Layn because he has a gift for him too.

I formed a fist at Layn as I saw na iPad ang binigay niya kay JV. Ngumiti na lang siya sa akin bago niya ako dinilaan. JV has been asking me and Drey for an iPad pero sinabihan ko ang tatay niyang magaling na huwag muna bilhan dahil gusto kong huwag lumaki sa gadget ang anak namin. Sino mag-aakalang ang tito niyang sobra ang pag-spoil sa kaniya ang magbibigay noon?

Umulan ng regalo nang ilabas na ng mga tito at tita niya ang mga regalo nila para sa kaniya. Kumpleto lahat kami rito, ang iba ay umuwi pa galing ibang bansa at ang iba naman ay nag-file ng leave para lang makasama rito.

"Thank you, tito Red at tito Domdom!" Nakangiti kong tiningnan ang dalawa na nakayakap kay JV. Those two have come a long way. Akala ko hindi na sila magkaka-ayos pa. Ang narinig ko kay Layn, Dominique recently got his doctorate degree in business and Red waited for him for almost a decade. I'm so happy for the both of them.

Sunod naman na nagbigay ng regalo ang tita Jenny at Liz niya. Pagkatapos ay lumapit na rin sina Luke at Pin na nagabot ng mini electric car. Maging si Dean at Kib ay hindi nagpahuli at nagbigay ng mga laruan. Si nanay naman at si Tita ay nagabot nga mga damit na sabay pa raw nila binili.

I was enjoying everyone showering love to JV but I was taken back when I heard a familiar voice in my back. "Liam, here's my gift for JV." I heard kuya Blue behind me.

Napatawa ako bago ko siya hinarap at kinausap. "You can give it to him, kuya! Haha!"

Napakamot siya sa ulo niya bago sinabing, "Nahihiya ako eh." Napngisi ako nang kaunti dahil hindi ko akalain na mahihiya siya dahil maraming mga tao ang hindi pamilyar sa kaniya rito bukod kina Luke, Pin, Dean, at Kib.

"Ano ka ba, kuya? Kilala ka ng mga tao na 'yan lagi kitang nakukwento na kasama ko sa restaurant. Plus JV likes all the takeaways you give him when I go home." I explained.

JV has been very curious about everything and he knows everything about me and his Papa Axl. Including our workmates and all. Kuya Blue and I are business partners sa restaurant na pagmamay-ari naming dalawa. It has been almost 5 years since we have opened it and to be honest rather than treating me like a partner, he treats me like a little brother even though I'm already 29!

"Where's kuya Ivo? Kasama mo ba siya?" I asked kuya Blue.

"Yeah. May kinuha lang sa kotse—Oh, here he is." Napatigil siya nang sumulpot ang isang lalaki sa likod niya na kaagad niyang hinawakan sa bewang bago tumango sa akin at lumapit na kay JV at inabot ang regalo nila.

Nagulat naman ako nang maramdaman ko ang braso ni Drey sa balikat ko bago niya ako hinalikan sa pisngi nang patago sa kanilang lahat. "Baby!" Singhal ko sa kaniya. Tumawa na lang siya sa reaksyon ko habang ako ay bumalik ang tingin kay kuya Blue at Ivo na inaabot ang regalo nila sa bata.

If I am not mistaken, they have been together for 14 years now. I wonder how they managed to stay together for that long. Halos walong taon na rin kami ni Drey pero hindi ko pa rin maiwasan mapaisip kung papaanong nagawa nilang tumagal nang ganoon. Looking at them so happy and looking at the man beside me, I know magtatagal pa kami nang mahabang panahon kagaya nila.

Kuya Blue is the most caring person I know besides the man I married. Siguro dahil doon?

Anyway, wala naman ako balak alamin pa. I just find their relationship so admirable and interesting.





I wonder what stories do they have to tell.


End
~*~

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon