40: Smile

40 2 0
                                    

Liam

Mag-iisang oras na akong gising at naka-titig sa orasan. It's 8am in the morning. Bukod sa tama ng alak sa katawan at ulo ko, naalala ko bigla ang mga nangyari kagabi.

From me kissing Red to that guy kissing me shortly after.

Parang sasabog ang utak ko. Hindi ko man lang maproseso ang isang bagay sa utak ko pero madagdagan na agad nang panibago.

"Kuya, bangon na." I heard Layn from the door peeking.

I felt like he did notice that I was just staring at nothing so he was just at the door.

"Pababa na rin ako." I said calmly before continuing to stare blankly.

Narinig ko lang na umupo siya sa laylayan ng kama ng ilang minuti bago siya humiga sa tabi ko at iginaya ang sarili sa akin na nakatingin lang sa kisame.

"I know something's bothering you." He said whilst not even taking a glance at me.

Tumingin ako sa kaniya at napangiti. After all that happened to us, we had become that close to each other.

We learned to put the past behind.
Well, siguro hindi pa lahat pero mukhang doon na rin ako papunta.

Thanks to him.

Napaisip ako. Totoo naman na isa siya sa malaking dahilan kung bakit kami magkasama na ngayon ni Layn. He was the one na naging mapilit sa akin noong panahon na abot langit pa ang galit ko sa pamilya nila Layn.

"Kuya!" I was taken back. "Nagtatanong naman ako eh!" He then pouted his lips.

"Wala lang yun. I'm just not used to having vacations."

"Liar—," bago pa siya matapos sa sasabihin niya ay agad ko na siyang hinila pababa ng hagdan nang makapunta na kami sa lamesa.

Noong nasa may sala na kami ay agad niya akong pinahinto. He faced me then he held my shoulders.

"I know you're hiding something from me." He almost whispered.

Bigla akong napalunok. Is it possible na nakita niya si Drey kagabi? He cannot see him. I couldn't afford to see them fight again.

"Let me figure it out first. Then, and then—I'll tell you."

Nginitian niya lang ako bago niyakap nang mahigpit. "I hope this helps."

After that hug he left me and went to the kitchen.

A pure soul.

I couldn't help but think bad of myself. Paanong galit na galit ako sa batang yun. He's too innocent. Minsan nga napapaisip na ako kung anak ba talaga siya ng magaling kong tatay.

Aktong papunta na rin ako ng kusina nang may marinig akong pagbukas ng pinto.

"Good morning, Hijo." It was tita.

Nawala ang ngiti ko sa utak ko nang makita ko ang tao na kasama niya. Aaminin ko, masama pa rin ang loob ko sa kaniya.

Kahit siguro maging okay kami, hindi na mawawala sa puso't isipan ko ang hinanakit ko na dinala ko nang sobrang tagal.

"Good morning po, tita." I said. "Dad." Tumango lang ako sa kanila bago nanikip ang dibdib ko.

Papalabas na sana ako nang mahawakan ni tita ang braso ko.

"Oh saan ka pupunta? We're about to go the dining na. We'll eat na since you're awake na." She smiled at me.

"Ah—," I thought that my tears were gonna fall at that moment. I felt so overwhelmed.

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon