24: Any Luck?

55 3 0
                                    

Liam

Is my money enough? Those bastards! Alam naman nila na hindi ako mayaman, tapos gusto pa nila na ilibre ko sila ng pagkain. If it wasn't for Layn, I wouldn't do this shit. Humanda ka saakin Drey.

"Saan niyo ba balak kumain?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Nag-tinginan naman silang dalawa na parang nakakaloko pa. God, I hate them both! Gusto ko silang pag-untugin!

"How about street foods?" Suhestyon ni Layn.

Agad na tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "How about I punch you right now in the face? Tutal doon din naman sa hospital ang punta mo kapag kumain ka ng street foods."

Agad naman akong tumalikod sa kanilang dalawa. Kanina pa ako naiinis dito kay Layn. Lagi niyang hindi ginagamit ang utak niya. Kaya lagi siyang napapahamak.

"Liam." Narinig ko si Drey.

Pumihit ako patalikod at napansin kong medyo malayo na pala ako sa kanila.

"This restaurant seems nice. What do you think?" English nanaman. Palagi siyang naka-english tss.

Tumango nalang ako at agad naman silang pumasok ni Layn sa loob. Parang mga bata.

Padabog akong pumunta sa entrance ng restaurant at bigla akong napaisip.

Siguro ayaw nila akong gumastos ng malaki. Sa dinami-dami ng mamahalin na restaurants dito, ito pa ang napili nila? Papasok na sana ako ng may maramdaman akong braso sa bisig ko.

"Chloe?"

"Why aren't you answering my calls?" Nakataas na kilay na tanong niya.

"Nag-break na tayo Chloe. Tigilan mo ako. Just move on." Sabi ko bago ko siya tinalikuran.

"Liam, please. Makipagbalikan ka na saakin?"

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko bago ko siya hinarap.

"Buwan na ang lumipas Chloe. Wala na tayo simula noong sabihin mong hampas lupa ako. Ang galing mo naman para gawin 'to." Sabi ko sa kanya tsaka ako pumihit ulit patalikod.

Sakto naman na nakita ko si Layn na papunta sa direksyon ko. Sinenyasan ko siya na huwag nang lumapit saakin pero hindi talaga nakaiintindi ang batang ito.

"Kuya, tara na — who the hell are you?" Agad niyang tiningnan si Chloe.

"Kuya? You have a brother?" Tanong saakin ni Chloe.

"Yeah. What about it?" Pagtataray ni Layn kay Chloe.

"Excuse me? Sa tingin ko maniniwala ako na kapatid mo si Liam?"

Napatanga nalang ako sa dalawa dahil mukhang mag-aaway pa sila

"We look like each other. Isn't that enough reason? Or you're just too dumb? Oh, why did I expect you to be so intelligent when you dumped my brother for a man whose double your age?"

"What did you say?" Mukhang galit na si Chloe.

Agad akong pumagitna sa dalawa bago ko hinarap si Layn. "Layn, tama na." Pag-papakalma ko dito.

Umalis siya sa harap ko at hindi man lang niya ako pinansin.

"I said, you're a fucking gold digger." Sabi niya sa mukha ni Chloe.

Isang malakas na sampal ang natamo ni Layn. Agad siyang bumagsak sa sahig dahil sa lakas ng sampal ni Chloe. Agad na uminit ang dugo ko kay Chloe pero pinigilan ko ang sarili ko dahil may respeto pa rin ako sa kanya.

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon