33: Move

57 2 8
                                    

Liam


"Tara na, Red." Sabi ko sa taong nakahiga sa kama ko. Isang linggo na rin siyang nandito sa apartment ko at mukhang wala pa siyang balak na umalis.

He was tired, he said.

Paanong mapapagod siya? Eh wala naman siyang ginagawa kung hindi humiga.

Tumingin siya saakin na para bang nagbibiro pa ako sa kaniya. Kanina ko pa sinasabihan na aalis kami at kakain kami sa labas.

He's confused, I know.

"Kakasabi ko lang ulit sayo kagabi diba?" Tumalikod na siya at nagsimulang maghubad ng damit niya. "I like you, Liam."

Tumungo siya papalapit saakin na walang suot na pang-itaas. Kitang-kita ang mga mata niyang mapungay at halatang namumula pa sa walang-tigil niyang pag-iyak kagabi.

"I've seen everything." Putol ko sa kahibangan niya. "Nakita ko na pati yang sawa mo, Red. Matagal na. We've been best friends for ages."

Tumalikod ako sa kaniya at humarap sa salamin. Tumingin ako sa kaniya sa repleksyon at nakita ko kung gaano siya kasira ngayon.

Sinabi ko na sa kaniya ng paulit-ulit na hindi ko siya gusto at mas magandang tigilan na niya ang nararamdaman niya saakin dahil wala lang itong patutunguhan.

"Aren't you afraid? Hindi ka ba natatakot sa'kin? Nadidiri?"

Napatawa ako sa sinabi niya. "If anything, I should be angry at you."

Napaharap siya ng mabilis saakin, napatawa pa ako ng mahina dahil sa gulat niyang mukha at sa damit niyang isang braso palang ang nasusuot. Para siyang batang natakot sa sinabi ko.

Bahagya akong lumapit at inabot ang buhok niya bago ito ginulo ng kaunti. "You should've told me sooner."

Palabas na ako ng pinto ng sumigaw siya. "Na gusto kita?!" Patakbo siyang himabol sa akin.

"Gago!" Umiling ako. "Dapat sinabi mo saakin dati pa na bakla ka." Seryoso kong sabi.

Ngumiti lang siya ng kaunti pero hindi naman niya naitago ang lungkot sa mukha niya. "I was afraid—,"

"Naiintindihan ko. But, you honestly thought of me like a close minded person?"

Nanlaki ang mga mata niya gaya ng inaasahan ko. I wasn't invalidating his fear, pero hindi ba karapatan ko naman na ma-offend dahil sa iniisip niya?

"No, it isn't like that Liam!" His voice were shaky.

Tumawa nalang ako ng mahina. "It's okay." I said before walking.

"Hindi naman talaga ako ang gusto mo." I whispered, making sure he didn't hear.


~*~

"How's kuya Red?" Narinig ko si Layn sa telepono ko.

Tumingin ako ng saglit sa tabi ko at nakita kong nakatulog na pala ang higanteng tanga sa buhay.

"Um-okay na siya." Sabi ko bago ko ibinababa ang kamay niyang nasa ulo niya para hindi siya mangalay.

"He's confused, Layn—,"

"I know kuya, but Dominic was hurt."

Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya saakin.

"Si Red ba? Hindi ba siya nasasaktan?" Halos masigawan ko na siya kaya huminga muna ako.

"Ayaw kong mag-away tayo, Layn." Bigla kong narinig ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

"Okay, kuya. I'll call Dominic if I can convince him to go back. To settle this all."

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon