3rd Person POV
Matapos lumapit ng waitress kay Axl ay napanganga ito. Hindi lamang dahil sa angking kakisigan ng binata kundi dahil naalala niyang siya ang kumuha kay Liam noong isang araw.
"Good morning sir! Do you have anything you want to eat and drink in your mind?"
Humarap si Axl sa babae at bigla niyang naalala kung sino ito.
"Jennie?" Axl asked the girl.
"Opo sir. Kayo po ba yung kumuha kay Liam noong isang araw?"
Napangiti si Axl bago siya sumagot.
"Ahh, oo ako yun. He's my friend."
Napatanga lang si Jennie dahil wala naman na nasasabi si Liam sa kanya na may kaibigan siya dito sa Maynila.
"Ahh ganoon po ba? Wala kasi siya naikwekwento saakin sir eh." Napakamot nalang si Jennie sa batok niya.
Tumawa lang si Axl. Lumabas ang ngipin nitong ubod ng puti. Pati na rin ang dalawa niyang dimple sa magkabilang pisngi niya. Napatitig lang si Jennie sa mukha ng kaharap niya ngayon. Para bang ngayon lang siya nakakita ng ganito ka-gwapong nilalang.
Napailing lang si Jennie at naalala niyang customer pa rin si Axl.
"Uhm, sorry sir! Ano pong order n'yo?"
Inabot ni Jennie ang menu kay Axl at mukhang naguguluhan si Axl sa kakainin niya.
He have not eaten his breakfast yet. Madami siyang pamimilian pero hindi siya makapag-decide. Kumunot lang ang noo niya habang nag hahanap sa makapal na menu ng maari niyang kainin.
Sa halos limang minuto niyang pagbabasa ng mga pagkain, ay hindi pa rin siya makapili.
"Uhm, I'm new to this cafe. How about you pick the best morning meal here? And, pair it with an iced caramel macchiato?"
"Okay po sir! Anything else sir?"
"Uhm can you make it double? Paki sabi rin kay Liam na kumain muna siya dito bago siya mag-trabaho."
Napakamot si Jennie dahil bago niya lapitan si Axl ay narinig niyang hindi makakapag trabaho si Liam dahil bali ang kanang kamay nito.
"At huwag po kayo maingay. Sayo ko lang po ito sasabihin."
Axl got curious and he nodded his head.
"Hindi po makakapag-trabaho di Liam dahil bali ang kamay niya at late siya ng 30 minutes ngayon."
Biglang tumayo si Axl sa gulat at nag-simulang maglakad papunta sa may manager's office sa may bandang likod.
Pipigilan pa sana siya ni Jennie pero hindi niya na ito naabutan dahil sa bilis niya.
Naglalakad papunta si Axl sa likod ng makasalubong niya si Liam na malungkot ang mukha.
"Hey, are you okay?" Tanong ni Axl sa kaibigan niya.
"Yeah. Hindi ako pinayagan ni sir Mark na mag trabaho ngayon. Tss." Nakasimangot niyang sabi kay Axl.
Kumunot naman ang noo ni Axl at hinawakan niya ang braso ni Liam.
"How about, you let me talk to your boss and let me be your substitute instead... until your hand is healed?" Axl was very determined to make up with his friend. Sa isip niya, siya ang may kasalanan ng mag nangyayari sa buhay ni Liam.
"Nasisiraan ka na ba? Anong alam mo sa ganito?" Naiiritang sabi ni Liam kay Axl.
Tumawa lamang si Axl sa kanya at hinanap ang pinto na may nakalagay na "manager." Noong makita niya ito ay bahagya itonng binuksan at tumitig kay Liam.
BINABASA MO ANG
willing to be your knight (Knight Series, #2)
Novela JuvenilKnight Series #2 [COMPLETED] Meet Axl Givonecharee, a son of a well-known billionaire. Some says he's torturing himself. Some says he's killing himself. Some says it's better to let go. But, he knows that he's doing what his heart wants. He knows th...