4: For Real?

158 8 0
                                    

Liam


"Bakit kasi kailangan na dito pa ako tumira? Ha! Drey sagutin mo naman ako huy!" Sinigawan ko si Drey na nasa balkonahe ng condo niya.

"Drey!" Bingi ba yun! Oh dahil sa pag kakasuntok ko sa kanya nabinggi siya haha!

"Stop calling me Drey." He said in a serious tone.

Nagtataka ako kasi yun ang nakalagay sa kanyang mug, DREY, nakatingin ako sa mug na hawak ko, totoo! Yun ang nakasulat.

"Pero yun ang nalalagay sa baso mo! Drey! Please kausapin mo ako! I have a job to go into tomorrow! Kailangan ko yun para sa tuition ko!"

Lumapit siya saakin at mukhang seryoso siya. He sat in the sofa infront of me. Umayos ako at humarap sa kanya. Inayos niya ang kanyang buhok.

"Listen to me Liam."

Napatitig ako sa kanya at nakinig ako ng mabuti.

"My dad would never hesitate to kill you if he wanted to. Eh ako nga kayang ipapatay nun."

"What a jerk! Tatay mo ba sya?!" Sigaw ko. I saw his fist clenched and his jaw tightened. Nakakatakot. Hindi pa ko naatakot ng ganito. Wala akong inuurungan pero titig palang niya kinakabahan na ako.

"Uhh—ugh sorry! Di ko sinasadya."

"No don't be. Nagagalit ako sa tatay ko. He had never been a father to me." He said.

"Why are you saying this to me Drey?" I feel weird kasi sinasabi niya ang mga bagay na ito saakin kahit wala naman ako dapat malaman sa kanya.

"I don't know pero I trust you. Follow everything I will say and you will be just fine."

"Pero hindi ako mayaman Drey! I can't pay for my tuition this coming school year! If I won't work, I will starve." Pag mamakaawa ko.

"When you're with me, you're safe Liam." He told me with a serious and straight face.

Bakit ba galit na galit saakin ang tatay nito? May sasabihin pa sana ako sa kanya ng tumunog ang cellphone ko.

*Boss Calling*

"Hello sir?"

"Nasaan ka?! Bakit wala ka kanina sa trabaho mo?! Pumunta ka dito ngayon! Kailangan kitang makausap! Kung di ka makakapunta, wag ka nang babalik dito sa café!"

"Pero Sir—," hindi pa ako tapos ay binabaan na ako ng telepono. Galit na galit si Sir Mark saakin!

Hindi pa yun nagagalit saakin kahit kailan, ayaw kong mawalan ng trabaho.

"Aalis ako Drey! May kailangan akong puntahan!" I yelled at him.

"Whatever, I warned you." He said

Wala na akong pakialam sa'yo. Pagkatayo ko pa lang. Ramdam ko na ang sakit ng katawan ko. Binugbog ako kanina noong mga humahabol saakin kanina. Kung hindi pa ako nakapunta dito kay Drey. Patay na siguro ako.

Tumuloy ako hanggang makarating ako sa pinto ng condo ni Drey.

I went straight out at tumakbo ako papunta sa labasan. Good thing wala ng nahabol saakin.

Nagmadali ako dahil baka magalit saakin si Sir Mark! Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho dahil paniguradong mawawalan ako ng pampaaral sa sarili ko! Ilang buwan nalang mag sisimula na ang college ko. At, kailangang kailangan ko ng pera para makapasok sa university dito sa Manila.

Hindi ako tumigil sa pag-aaral at nag-trabaho ng 2 years para lang mapurnada ang college ko.

Nagmamadali ako ng madapa ako dahil sa dulas ng tiles dito. Lumagapak ang aking balakang at napatuon ang kamay ko. Halos mangiyak ako sa sakit. Mukhang nabali ang kamay ko sa lakas ng pagkakabagsak ko.

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon