37: Driven Insanity

54 2 1
                                    

Liam


It was supposed to be a good time for all of us. Jenny, Liz, and Layn were having their time with us but I don't know about Red.

Okay pa naman kami kanina pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako kinakausap o kahit tingnan lamang. Nasa harapan ko siya pero mukhang tumatagos ang mga mata niya saakin.

"Let's play a game!" Nabigla ako sa pagbiglang sigaw ni Layn na nasa tabi ko at kanina pa ako kinukulit.

"Anong laro na naman ba 'yan?!" Napatawa ako sa tanong ni Liz.

Kanina pa siya natatalo sa mga laro namin at muntik pa siyang malunod kanina dahil ang parusa niya sa isang laro ay sumisid sa dagat ng isang minuto, buti na lang at kinaya niya.

"Tawa ka lang Liam! May panahon ka rin sinasabi ko sayo!"

Hindi ko na lang pinansin si Liz at nakinig sa pag-papaliwanag ni Layn sa laro na sinasabi niya.

It involves alcohol per usual! Kanina pa sila umiinom samantalang ako ay hindi masyado.

"We'll play rock, paper, and scissors but the twist is when you win, you'll have to take the shot!" Napailing ako sa sinabi ni Layn.

That's the dumbest twist I have ever heard in my life. Even if you lose of win, the chances are one to one, so it's not any different—

"But! The winner has to pick his or her next opponent. Until he or she loses, that player would still drink! Plus, every five turns, the winner would drink three shots!

Napatingin ako kay Layn at ngumiti lang siya saakin. Seryoso ba siya? The hell! Paano kung manalo ako ng manalo?!

"Anyone can chicken out now." Narinig ko si Red na nagsalita sa kabilang banda ng table.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. Pinaparinggan niya ba ako? Uminit ng konti ang tenga ko na sigurado kong napansin din nila.

"Wala na bang aayaw? Yung mga iyakin pag-nalalasing?" Sabi ko sa kanila habang nakangiti ng matamis.

"Ah—eh!" Rinig ko ang taranta sa boses ni Layn. "Let's start!" Pilit niyang ngiti saamin.

Tumingin ako ng diretso kay Red at noong nagtagpo ang mga mata namin ay agad siyang umiwas ng tingin saakin. Ano bang problema niya? Wala naman akong ginagawa sa kaniya?

"I'll start!" Sigaw ni Layn. "I choose kuya!"

Agad kaming naglaro at mukhang ako ang hindi gusto ng tadhana dahil ako ang nanalo. Gaya ng sinabi ng kapatid ko ay uminom ako at napapikit ako sa lasa ng alak. I have been drinking for the longest time pero hindi pa rin ako sanay.

Tumingin ako sa kanilang apat at agad na napunta ang tingin ko kay Red. Ngayon niya ako subukan!

"Red." Agad siyang napasinghap ng hangin sa sinabi ko.

"Natatakot ka ba?" Tanong ko.

Agad siyang tumingin saakin at tumawa ng para bang nakikipagbiruan ako. Kanina pa ako naiinis dahil sa ginagawa niyang hindi pag-pansin saakin.

Inilahad niya ang palad niya kamay niya at agad kaming naglaro—nanalo na naman ako. Napapikit ako ng marahan dahil sa lalo akong nainis.

Lalo pang dumagdag sa inis ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni Red na para bang natutuwa siya.

Agad kong ininom ang parusa ko.

The next round I lost so Red did drink that shot. Pero, hindi ako ang pinili niyang kalaban at si Jenny ang nanalo kaya siya naman ang uminom. Like what Layn said, Liz unfortunately drank the three shots every five turns.

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon