~*~
"Raspberry Lemonade." Narinig ko ang mahinang bulong ng lalaking katabi ko.
He was wearing a black suit with his bare chest exposed. Hindi ko maipaliwanag pero sobrang gwapo niya. Noon lang ako nakakita ng lalaking ganito or maybe it's because of the feeling in me that was blossoming into something I cannot explore. Sa loob ng ilang buwan na magkasama kami at sa patuloy niyang panliligaw sa akin, nakikita ko kung gaano siya kaseryoso sa nararamdaman niya.
"Yeah. May alcohol 'yan pero I made sure the youngsters and the minor would get one na walang alak." I said explaining.
Kaninang umaga, a chef in a famous restaurant here in Manila, who also happens to be an alumna of Telkon named Blue, asked me what drink should we serve and in an instant I immediately thought of his favorite drink--without thinking.
Nababaliw na ata ako sa lalaking iyon dahil sa mga pinaggagawa niya sa akin. He's making me feel things I have never felt before. The way he takes care of me made me feel different about life. All my life, ako ang nag-aalaga sa mga tao sa paligid ko at simula noong maramdaman ko kung paano maalagaan ng isang Drey Givonecharee, parang ayaw ko nang kumawala pa.
"Thank you." Narinig ko sa kaniya kaya nginitian ko na lamang siya at ibinaling ang tingin sa mga nagsasayaw na mga tao sa gitna ng venue.
Inalis ko na rin ang tingin sa kaniya dahil ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisngi.
Biglang umilaw ang phone niyang nasa lamesa namin bago siya tumayo at tumungo papuntang banyo. Pinilit ko ang sarili ko na huwag pakialaman ang phone niya pero hindi ko na kinaya at kinuha iyon at binuksan.
Unknown Number: Text me. We need to talk, Babe.
Ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko noong gabi na 'yon pero pinilit kong itago ang nakita ko dahil alam kong si Valerie lang ang tumatawag sa kaniya nang ganoon. Hindi rin mawala sa isip ko ang posibilidad na baka mayroon siyang kinikitang iba sa likod ko pero bukod sa alam ko kung nasaan siya lagi ay isang tanong ko lang kay Alexa kung nasaan si Drey ay sinasabi niya ito agad sa akin na may kasama pang picture.
Napabalik ang tingin ko kay Drey at nakita kong may kausap siyang babae. What the fuck?! Hindi ba niya nakita kanina na kasama ako ng lalaking kausap niya. Agad akong tumayo papunta kay Drey dahil mukhang hindi niya gusto na nilapitan siya ng babae.
"Oh here he is." Inipit pa niya ang braso ko gamit ang mga bisig niya. "I cannot dance and even if I did—I cannot. You see, this man becomes a monster if I give anyone but him attention."
Buti naman alam mo! Iyan ang gusto kong sabihin sa kaniya maliban sa sapakin siya dahil sa nakita kong text sa phone niya.
Oh! Totally! I understand." The girl then smiled at us. "Sorry, I didn't know he was taken already."
Noong nakaalis na ang babaeng iyon ay ngumiti sa akin si Drey na para bang bata, he's already drunk. He had five glasses of that alcohol-infused lemonade. Hinila ko siya nang malakas papuntan banyo at noong nakapasok na kami ay tinanong niya ako. "Did I do anything wrong?"
"Bakit kasi andami mong ininom kanina na lemonade? 'Di ba sinabihan naman kita na may alak yun? Tapos ayaw mo pa magpapigil." Inis na sabi ko matapos tingnang kung kami lang ang tao sa loob. Gusto ko siyang murahin dahil sa nakita ko pero hindi ko magawa.
Nanatili lang siyang nakatulala sa akin na para bang hindi siya nakikinig sa akin na lalong kinainis ko. "Are you even listening?!"
"If I hadn't seen you, only heaven would know where you would've went with anyone..."
BINABASA MO ANG
willing to be your knight (Knight Series, #2)
Teen FictionKnight Series #2 [COMPLETED] Meet Axl Givonecharee, a son of a well-known billionaire. Some says he's torturing himself. Some says he's killing himself. Some says it's better to let go. But, he knows that he's doing what his heart wants. He knows th...