29: The Storm

47 3 0
                                    

Liam

"Have you heard? Today's the competition for the singing shit."

Noong marinig ko iyon ay agad akong bumilis sa pag-aayos ng gamit ko. Halos makalimutan ko na ang oras-oras na sinabi saakin ni Drey.

Ngayong ang araw ng Singing Competition na sinalihan niya. I can't be wrong.

Bukod sa pagkaka-engaged nila ni Valerie, ang competition na iyon ang lagi niyang sinasabi saakin.

Noong umuwi siya galing sa bakasyon nila ni Valerie ay laking gulat ko nang sabibin niya saamin nila Red, Jenny, at Liz na engaged na daw sila ni Valerie.

Hindi naman sa hindi ako sumasang-ayon pero sa tingin ko ay masyado pa silang bata. Hindi ba at 20 palang si Drey at 19 palang si Valerie? Pero, gaya nga ng sinabi saakin ni Drey, hindi naman daw sila nag mamadali na mag-pakasal.

Nonetheless, I am still happy for the both of them. Alam kong masaya sila sa isa't isa at napakasaya rin na makitang laging nakangiti ang mga tao sa paligid mo. Hindi ko masyadong kilala si Valerie pero alam kong mabuti siya dahil minsan ay nakakausap ko siya. Lagi niya akong kinakamusta. Nasabi niya saakin na ipinakilala daw ako ng Drey sa kaniya dahil iilan lang daw ako sa mga kaibigan ni Drey.

"Are you coming?" Naputol ang pag-aayos ko ng gamit ng may makinig ako.

Kahit hindi saakin ang akit na narinig ko ay minabuti kong bilisan ang pag-aayos ng gamit ko. Noong natapos ako ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa at agad na tinawagan si Layn.

I guess it isn't a bad idea for me to tell him to go with me because—uhm? He's my brother?

"Kuya? Napatawag ka?" Masayang tanong niya.

"Come with me." Sabi ko ng diretso. Natahimik muna siya bago siya nagsalita muli.

"Saan?" Sa haba ng katahimikan na ibinigay niya saakin, yan lang ang sasabihin niya?

"Sa Auditorium. May singing contest daw. I have no one to come with me." I said.

"Perfect! That's where we're heading!" He exclaimed.

"Hmm. Puntahan mo ako sa unahan ng Engineering Complex."

"Can I bring a friend?" Nanginginig pa ang boses niya saakin. Medyo nainis ako sa boses niya dahil parang lahat ng dapat niyang gawin ay ipaalam niya saakin.

Uhm, oo siguro. Gusto kong sinasabi niya saakin ang mga ginagawa niya. Dahil na rin siguro sa pagka-pabaya niya sa sarili niya.

"Bahala ka. Basta bilisan mo." Malamig kong sabi sa kanya.

Kinuha ko na ang bag ko at palabas na ako ng salubungin ako ng dalawang babae na kung di ako nag-kakamali ay kaklase ko rin. Tumingin muna ito sa isa't isa at parang natutulukan pa.

"Ikaw na! Ikaw yung may crush diba." Narinig ko ang usapan nila habang palapit ako nang palapit sa kanilang dalawa.

Muntik na akong lumagpas sa dalawa pero tinawag ako noong isang babae na hindi ko maalala kung ano ba ang pangalan.

"Liam!" Napahinto ako dahil sa pagtawag niya.

Ngumiti muna ako bago nag-salita para naman mag-mukha akong mabait kahit na hindi ko naalala ang pangalan ng dalawang tao na nasa harapan ko. "Bakit?"

Tumikhim muna ang babae bago siya nag-salita muli. "D-do you want to go with us in the music hall? I'll be performing a violin." Nabigla ako sa tanong niya.

I am not sure of her name and I am pretty sure that we aren't that close. Hindi ko mapagtanto kung bakit niya ako iniimbinta ng biglaan.

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon