7: Knight Meets Knight

99 4 0
                                    

Axl



"Enjoy your new iPhone 11 pro-max sir!"

Tumango nalang ako dito sa staff ng Apple dito sa mall na ito. I still don't know what's the name of this mall. Pero, sigurado ako na it's one of the luxurious ones dahil may mga luxury brands dito like Gucci, Balenciaga, Off White, Hermes, Rolex, at madami pang iba.

"Siguradong mag-e-enjoy ka po sa bago ninyong phone sir!" Pahabol ng staff dito.

"Ah, it's for a friend." Sabi ko dito.

"Ah ang swerte naman ng kaibigan n'yo sir." Ngumiti ito tsaka tumalikod para mag-asikaso ng mga ibang customers.

Mag-lilimang minuto na pero wala pa rin si Liam. Pinasama ko yung isa kong guard sa kanya para hindi siya mapahamak.

He said he be will be going to a restroom. Ang tagal naman nun.

I texted my bodyguard to meet me in Starbucks dahil inip na inip na ako dito sa Mac Center.

Lumakad na ako. I was walking when I stopped by our shop.

Givonecharee.

I stared at it for a while only for me to notice that there are many people inside when in comparison to other shops. Siguro dahil na rin mga items na hindi ganoon ka-mahal.

Kumaway saakin ang isang staff sa loob. He must have noticed me. Kumaway ako pabalik at sumenyas na ako na aalis na ako.

Naglakad na ako papuntang Starbucks dahil nauuhaw na rin ako. I liked their coffees pero I like their refreshers better.
Lalo na yung Raspberry Lemonade!

Minsan nga I try to get the paper cups instead of the plastic cups kasi kulay pink yung drink and many guys have been trying to hit on me because they think I'm gay or some sort of.

Hindi naman ako against sa same-sex relationship. It's just that I don't see myself in it and it just give me the shivers.

Sa kakaisip ko ng kung ano-ano, nasa tapat na ako ng pintuan ng SB at kanina pa nakatingin saakin ang guard dito. Sa sobrang hiya ko tinakpan ko ang mukha ko bago ako pumasok sa loob.

I sighed relieved when i noticed that there isn't anyone in line!

I quickly got in front on the counter and I immediately went to look for my SB card. Habang naghahanap ako sa wallet ko ay narinig kong nagtanong na ang staff sa cashier.

"One Raspberry Lemonade, Grande."

"Is that it sir?"

"And... uhm, can I have a blueberry cheesecake?"

"Absolutely sir!"

Noong nakuha ko na ang card ko ay tumingin na agad ako sa cashier at laking gulat ko dahil sa nakita ko.

"Luke?" Napangiti ako dahil sa kanya.

"Axl?! Ikaw ba yan? Grabe! It's been a long time!"

Inabot ko na ang bayad ko at and card. I smiled at him. Bigla naman akong na-curious kung bakit nag-ta-trabaho siya dito, eh mayaman naman sila.

"Ah, Luke, bakit ka pala nag-ta-trabaho dito?"

Ngumiti ito tsaka isunulat ang pangalan ko sa isang clear-cup na baso.

"Uhm Luke, can you do me a favor—,"

"Haynako Axl. You haven't changed, having a pink-colored drink doesn't mean any less of your masculinity."

Natamaan naman ako ng malakas na sampal sa mukha. Tama si Luke. From now on, okay na ako sa clear cup! Haha!

"Oh siya, I'll be off my shift mukhang mahabang kwentuhan ito Axl. You owe me a lot!" Sabi niya saakin tsaka inabot ang resibo saakin.

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon