13: Decline

71 4 0
                                    

Axl

"Where are you going Axl? We need to go to the library! May kukunin pa tayong libro." Luke said to me.

It's the last subject of the day. And we need to get a book in the library para matapos ko ang output na ibinigay saakin.

"But— I promised Liam, I will be giving him this-," itinaas ko ang laptop ko.

He needs it for his report. His report will start at 6pm. Napatingin ako sa relo ko at 5:57pm na! Fvck! His room is across the campus! Damn it!

Hinila ko si Luke at muntik ko nang mapunit ang uniform niya. "Sorry." Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya.

Napagod ako sa halos isang minutong pag-takbo ko dito sa campus. Madaming tao at lahat nakatingin saamin ni Luke.

"Haynako. Ngayon lang ba sila nakakita ng dalawang gwapo?" Tawang tawa si Luke habang natakbo kaming dalawa.

"Loko-loko ka talaga! Bilisan mo!" Sigaw ko dito.

Sakto naman na 6pm ay nasa tapat na kami ng building ni Liam. Nakita ko siyang nakatayo sa labas ng isang room at mukhang kinakabahan siya.

"Liam!" Sigaw ko dito.

Kumaway siya at dali-dali akong pumunta sa kanya.

"Thank you Drey! Akala ko nakalimutan mo na haha!" Tawa nito saakin.

I'm handing the laptop when a group of girls suddenly screamed at us.

"Ahh! Bagay talaga sila noh!" Sigaw ng mga babae.

"Nadali mo Liam!" Sigaw naman ng mga lalaki na papasok pa lamang sa room nilang mga engineering students.

"Ah eh—wag mo na sila pansinin Drey. Thank you pala ulit. May pupuntahan ka ba after ng class mo?" He asked me.

Kumamot ako sa ulo ko at tsaka umimik.

"Ah, wala na. Our class just ended. Absent daw kasi yung professor namin."

"Do you want to go out after?"

"May kailangan akong tapusin na report eh, siguro sa ibang araw nalang Liam." I told him tsaka ako ngumiti sa kanya.

"Oh sige na kailangan ko pang pumunta ng library. Galingan mo!" Sabi ko tsaka ko tinapik ang balikat niya.

Ngumiti naman siya at tsaka pumasok sa loob ng room. Tumawa lang siya saakin at nakita ko ang ngiti niya. It's a genuine smile indeed. It's good seeing him like this again.

"Huy! In-love ka na ata kay Liam eh."

Hinampas ko naman sa braso si Luke dahil sa mga pinag-sasabi niya.

"What the hell are you saying?!"

"I'm just playing with you. Tara na sa library." Ako naman ang hinila niya.

Agad kaming nag-tungo sa Architecture Library at agad naman namin na nakita ang libro na kailangan ko para sa report namin.

Habang nakapila ako sa may borrow section ng library ay mag naamoy akong pamilyar na pabango. Hinanap ko yun at nakita kong sa lalaking nasa unahan ko ang naamoy ko.

Sakto naman na humarap siya saakin. Teka—I know this boy. He looks familiar.

"Kuya Axl?" He said while smiling.

Ahh! Pin! I can't be wrong! That smile. That trademarked in my mind when I saw him. Damn this little boy is so light. And so cute, I must say.

"Oh, If it isn't the President of our Faculty." I said while laughing.

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon