19: Music Fest

58 5 0
                                    

Axl

"What the fuck are you doing?!" I heard something from outside of the my room. I looked for my phone and I opened it.

4:00 AM

Damn this two Doneetolva! Lagi nang nag-away! Hmmp!

Agad akong tumayo at noong itinuon ko ang kamay ko ay halos mamatay ako sa sakit.

"Fuck." Napabulong ako. Sobrang sakit pa rin ng kamay ko.

Hindi ko na lang yun pinansin at agad akong lumabas ng kwarto. Hindi pa ako nakakalagpas sa doorway ay may naamoy na agad akong sunog. Dali-dali akong pumunta sa kusina at nakita ko na nasa sahig si Layn at may ipinapahid si Liam sa braso ng kapatid niya na naluluha pa.

"What the fuck happened?" I asked them.

Napatingin silang dalawa saakin at agad na tumungo si Layn. Si Liam naman ay bumalik sa pag-papahid ng kung ako sa braso ni Layn.

"This freaking boy right here tried to cook an egg. Nag-mamagaling kasi kaya ayan! Hindi tumingin sa ginagawa! Kaya ayan, paso ang braso!" Halata sa boses ni Liam ang pag-kainis niya sa kapatid niya.

"Sorry po kuya Axl." I heard Layn.

"It's fine. Just don't do it again." I told him before getting the pan with the burnt egg and putting it in the sink.

"Ang likot mo kasi! Kung gusto mong kumain, kumuha ka sa ref, mag-order ka, o kaya naman sabihin mo saakin. Hindi 'yang nag-mamagaling ka. Paano kung masunog itong condo?"

I hear Liam whispering to his brother.

Umalis na muna ako ng kusina para mabigyan ko ng oras ang dalawa.

Napatawa nalang ako sa sala habang kinukutingting ang aking cellphone.

Look who's worried about his younger brother. Kunwari pa siya na ayaw at galit siya sa sa kapatid niya pero hindi naman niya maitago ang pag-aalala niya sa kapatid niya. He's such a hypocrite!

Nakita ko naman na lumabas si Layn sa kusina at lumapit siya papunta saakin. Umupo siya sa sofa na katapat ko at patuloy lang niya na hinahawakan ang paso niya sa braso. Hindi naman siya malaki pero kitang-kita dahil sobrang pula.

"Okay ka lang ba?" I asked him.

"Opo. Sorry po ulit." He said.

"Okay lang. Basta huwag mo nang uulitin. Haven't you seen how worried your brother was?" I told him.

Napatungo siya at tumingin sa sa paa niya.

"Worried? He was scolding and screaming at me the whole time." He pouted at me.

"Do you think he'll treat your burn if he wasn't? I told you he loves you even if he acts strictly to you." He just looked at me.

"Anong love ang sinasabi mo?" Nabigla ako ng makita ko si Liam na nakatayo sa may bungad ng sala.

"Ikaw — ulitin mo pa yung ginawa mo, hahayaan na kitang mamatay." Sabi niya kay Layn bago siya umalis papunta ulit sa kusina.

Nag-katinginan kami ni Layn at agad ko siyang nginitian. "I told you he cares."

Yumuko nalang siya bago ko siya iniwan sa sala. Noong pumunta ako sa kwarto ko ay pumunta ako sa banyo at agad na nag-toothbrush at naligo. It's just 4:30 AM pero gusto ko na agad maligo kahit 8 pa ang pasok namin. After that, I styled my hair and I went out of my room in my uniform.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko doon si Liam na nag-luluto. "What's for breakfast chef?" I asked.

"Chef mo mukha mo!" Nakasigaw nanaman siya saakin. When will he talk to me ng maayos?

willing to be your knight (Knight Series, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon