Chapter 50 >>Panic Mode<<
Alex’s POV
Hindi ko alam kung ang speakers ba sa auditorium ang naririnig ko, o ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga taong nasa paligid ko, o ang pag-alingawngaw ng malakas na kabog ng dibdib ko. Nanlalamig ako, pero hindi ko mawari kung ang aircon ba sa loob ng auditorium ang dahilan, o ang kaba na nararamdaman ko. Sumasakit ang tiyan ko, pero hindi ko alam kung may nakain akong masama o dala ng kaba. Parang wala akong maramdaman, at parang wala rin akong makita, pero hindi ko alam kung nabubulag ako, o dahil madilim sa auditorium, o dahil pa rin sa kabang yumayakap sa buo kong pagkatao.
Kaba nga ba ‘to o na-excite ako?
At saan naman ako mae-excite?
Sa pagkanta ba ni Phillip? O sa pagsabi niyang gusto niya akong halikan?
Hindi….yata.
Hindi nga. Kasi nga, saka ko lang naman naramdaman ito nang hawakan ni Charles ang magkabilang tenga ko. Sensitive lang ba ang tenga ko? O dahil sa nagiging baliw na ako?
“Huy teh, kanina ka pa tuliro diyan ah. Nag-exit na si Fifi sa stage baka hindi mo pa namamalayan.” Sabi ni Nicole sabay tulak sa akin gamit ang kanyang siko.
Nagising bahagya ang diwa ko, at saka ko lang naramdamang nag-iinit ang mukha ko.
“Huh?” sagot ko. Maski ang lalamunan ko namamaga na, parang lumamon ako ng isang mangkok ng harina.
“Kinilig ka noh? Umamin ka babae, maski ako kinilig. Grabe manligaw si Fifi, walang sinasanto kahit nasa stage eh ikaw pa rin ang nasa isip.” Medyo pasigaw na sabi ni Nicole. Nagsasalita na kasi ang emcee sa harap at iniintroduce na ang susunod na contestant.
“Hindi na talent portion yun, pasikat slash papogi points na yung ginawa niya at wala yun sa criteria for judging. Kung makapuntos man siya kay Alex, bawas points naman yun sa tally sheet score niya. Tsaka hindi rin fair yun para kay Charles.” Singit ni Matt, na dahilan kaya ako napalingon sa kanya at nakita kong wala na si Charles sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...