Special Chapter

17 0 0
                                    

ALEX'S POV

"Once upon an ordinary life of one random girl, she fell in love for the very first time. Uncertain of the odds that come along with having a committed relationship, she took her chances and let her heart lead the way."

It's been months simula nang sagutin ko si Charles. Although awkward pa rin ako kapag kaming dalawa na lang ang magkasama, kinakalma ko na lang ang sarili ko. Nabibigla pa rin kasi ako kapag hahawakan ni Charles ang kamay ko. O bigla na lang siyang yayakap nang walang dahilan.

Marami rin naman akong natutunan habang in a relationship kami. Natuto akong magshampoo araw-araw. Bakit naman hindi eh bigla na lang manghahalik si Charles ng noo, bigla akong naconscious na baka masama ang amoy ng ulo ko. Natuto na rin akong magsuklay dahil palaging hinihimas ni Charles ang ulo ko (na parang aso.)

Pero higit sa lahat, natutunan kong kaya ko palang mainlove. Although madami akong pinagdaanan bago ko natanggap sa sarili ko na may gusto nga ako kay Charles.

Napag-isip isip kong may limang stages na pagdadaanan ang isang tao pag naiinlove.

First stage: Denial

Noong unang naramdaman kong tumibok ang puso ko, sumagi sa isip kong baka nagkakagusto ako kay Charles. Pero dahil sa advice ni Nicole na kapag kinilig ka, hindi ibig sabihing umiibig ka na. Pinilit kong ideny sa sarili ko na imposibleng mangyari na umiibig ako kay Charles.

Isa pa sa mga dahilan kaya ako in-denial noon ay dahil sa mga tagahanga ni Charles na kung makatili at makatingin kay Charles ay aakalin mong artista siya. Ayokong aminin sa sarili ko na isa ako sa kanila, na OA kung magkagusto.

Second stage: Anger

Tama. Anger. Naging frustrated ako sa sarili ko dahil kinokontra ko ang sarili ko na isiping nagkakagusto ako kay Charles. After being in-denial for quite some time, I grew more and more confused over time that it lead me to actually get angry over simple things.

Isa sa mga dahilan kung bakit ko kinonkontra ang sarili ko ay dahil sa naging first impression ko kay Charles. Inakala kong presko siyang tao, feeling cool, papogi, feeling nasa kanya na ang lahat, mataas ang tingin sa sarili, snob. Siguro dahil lagi siyang nakaheadphones noon at hindi pinapansin ang mga babaeng nagpapapansin sa kanya. Kaya nga kinokontra ko ang sarili ko dahil baka makadagdag ako sa hangin niya sa katawan..or so I thought.

Pero hinding hindi ko makakalimutan yung araw na sobra talaga akong nagalit. Noong bago magbirthday si Charles, nung may nagbigay ng spaghetti sa kanya at tinanggap naman niya. What's even worse inalok pa ako ni Charles na kainin iyon eh meron akong allergy sa hipon. Nakakatawa lang kasi pwede naman akong tumanggi nang hindi nagagalit. Pero wala, nagalit pa rin ako. Nagalit ako kasi nagselos ako.


Third stage: Bargaining

Out of my frustration, hindi ko rin napigilang tanungin ang sarili ko. Aware na ako noon na baka posible ngang may gusto na ako kay Charles. Pero dahil first time nangyari ito sa akin, I had a lot of questions.

Paano na lang kung may gusto nga ako kay Charles? What if magaya ako sa mga babaeng walang delikadesang basta na lang nagpapapansin kay Charles? What if magkamali ako? What if friendship lang ang kaya kong ioffer? What if hindi nangyari ito lahat? What if hindi ko na lang pinansin si Charles noon? What if si Phillip ang piliin ko? What if may masaktan ako o what if ako ang masaktan sa huli? What if hindi pa ako ready?

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon