Chapter 42 So Many Words for the Broken Heart

66 1 1
                                    

Chapter 42      >>So Many Words for the Broken Heart<<

Charles’ POV

 

 

Bwisit na multong yun, nawala lang ako saglit noon para sa meeting ng Swimming Team gumawa na ng kababalaghan at nagparamdam kay Alex. Dapat siguro noon pa lang nagkatay na ako ng kambing at inialay sa tapat ng kwarto niya kina Alex, kahit araw arawin ko na rin ang gumawa ng suman at ipagtirik siya ng kandila lubayan lang ng multong yun si Alex.

Kabanas talaga, kung kailan nasa meeting kami, nagtapat siya, sinaktong wala ako. Kung hindi pa siguro nagfacebook itong si Matt eh hindi ko malalaman na nagpaka Don Romantiko si Phillip. Inupload pa ng mga chismosa sa facebook. May nalalaman pang pakanta kanta tsaka sayaw si Phillip.

Gayun pa man, mabuti pa siya may lakas ng loob gawin yun. But that’s definitely NOT my style. Masyadong papansin ang ganung bagay, bakit dadaanin pa sa ganung kabonggang confession kung pwede namang idaan sa sincere na conversation?

Sa itsura ni Alex sa video eh parang napahiya pa nga siya eh. Kaya magmula ngayon, kahit magiging busy ako sa swimming practice eh babantayan ko ang bawat kilos ni Phillip. Hindi pwedeng maka score siya samantalang ako itong naunang manligaw.

“Huy!” biglang sigaw ni Matt sa tapat ng tenga ko. Masakit yun ah. Naramdaman ko pa yatang nagvibrate ang eardrums ko.

Kaya tuloy ayun, nasapak ko ang loko. Syempre nagulat ako.

“Ano ba?” tanong ko.

“Tulala ka eh. Iniisip mo na naman yung video kahapon. Sweet din pala yung si Phillip, hanep magpakitang gilas.” Panunuksong sabi ni Matt.

“Gusto mo ng isa pang sapak?” tanong ko.

“No thanks. Sayang ang guapo kong ginastusan ko pa ng Glutathione facial soap.” Sagot ni Matt.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon