Chapter 46 >>Too…Hot<<
Alex’s POV
Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
“Kung hindi mo alam, ibig lang sabihin nun na kahit papaano eh may pagpapahalaga ka na rink ay Charles.” Sabi ni Nicole.
“Bakit kay Charles lang?”
“Syempre, kasi friend mo si Phillip, given na na may pagpapahalaga ka sa kanya. Kumpara kay Charles na nakilala mo ngayong taon lang. Pero dahil hindi mo alam kung sino ang unang pupuntahan mo kung sakali mang kailanganin ka ng dalawa, ibig sabihin lang na hindi na lang si Phillip ang pinapahalagahan mo, kundi pati na rin si Charles.”
Napaisip ako. Ganun nga ba? Mahalaga ba si Charles sa akin? Kailan pa? At bakit hindi ko man lang namalayan?
“Bakit parang ang dami mong alam?” tanong ko. Kung makabigay naman kasi ng advise si Nicole parang ang simple lang ng mga bagay bagay.
“Hindi sa madami akong alam, yan naman lagi ang role ng in-between eh, madaling magbigay ng advise, madali lang magsalita, pero kapag ginawa na eh mahirap. Kumbaga nagsasalita lang ako dahil nakikita ko yung mga karaniwang mali ng mga couples dyan.”
Nakikita niya yung mga karaniwang mali ng iba? Ano yun? May third eye siya na iba ang function?
“Pero paano mo malalaman kung gusto mo na yung taong yun?” tanong ko. Nakakatanga lang kasi.
“Depende yan sa tao. Depende sa kung ano ang nararamdaman mo. Hindi naman kasi lahat ng tao eh pare-parehas ang karanasan kapag nagmamahal. Gaya na lang ng mga taong nainlove sa unang tingin, kadalasan sinasabing walang ganun, pero yung mga nagsasabing walang love at first sight, sinasabi lang nila yun kasi hindi pa nila nararanasan. At ang pinakaimportante sa lahat, hindi mo malalaman na nagmamahal ka na pala, kundi mararamdaman mo. Hindi utak ang nagmamahal para malaman mo, puso ang nagmamahal kaya mararamdaman mo.”
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...