A/N: Ok, medyo hahabaan ko na itong update ko para naman hindi kayo mabitin at para makabawi na rin sa inyo sa huli kong update na parang walang pinatunguhan. HAhahaha!!
Paalala lang sa mga readers, magparamdam kayo kung ano ang opinion nyo. Negative man yan o positive, basta magparamdam kayo. Hahaha.
May bagong story pa pala akong sinusulat. Pero konti pa lang ang chapters. Sana dalawin niyo at basahin. "Act your Age!" ang title. (Plug plug din pag may time! Haha)
Sana magustuhan niyo tong update.Magkakaroon ng very very slight na revelation dito. Sabihin niyo kung tama yung naiisip niyo.
Chapter XXVII >>Why Do I Have to be With You?!<<
Charles’ POV
This is it. 5 minutes na lang, lunch break na. Hooo!! Kanina pa ako nakatingin lang sa orasan. Pinagpapawisan na nga ako sa sobrang kaba ko.
Ano ang bibilhin ko sa lunch? Dapat siguro at least meron akong sense sa pag-order ko. At ano ang sasabihin ko mamaya? Hindi naman pwedeng kakain lang kami. Dapat may pag-usapan. Ano ba pwedeng itanong? Ano ba ang pwedeng ikwento? Paniguradong pagtitinginan na naman kami. Pag-uusapan. Magiging laman ng bulung-bulungan. The least thing I can do is to make her feel at ease despite the judging eyes of other people.
But to do that, paano?
Talk to her? Hindi ko alam ang sasabihin. Nakakabobo.
Be myself? Pero kung gagawin ko yun, mababagot lang si Alex kasi hindi naman ako palasalita. Silence makes me comfortable. But does Alex feel the same way about silence? Baka naman kasi kung ano ang comfortable sa akin eh maging awkward sa kanya.
“Huy paps, kanina ka pa tulala diyan ah. Kanina pa nakaalis si sir oh.” Sabi ni Matt sabay palakpak malapit sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...