Chapter XXVI >>Silent Wish<<
Charles’ POV
It may sound cliché, pero ito na ang isa sa pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Umaga pa lang eh may nangyari nang napakaganda sa akin. Kaninang umaga, nagdampi ang mga braso naming ni Alex. Para akong kinokoryente habang nararamdaman ko ang braso niya. Buti na lang nakapaglotion ako ngayon.
Kahit na naitutulak niya ako kanina, hindi ako na-awkward. In fact nagustuhan ko pa nga. Salamat kay Nicole at nabigyan ako ng pagkakataon na ganun. One day ililibre ko siya ng pagkain.
At kaninang recess pa, magkatabi kami ni Alex na kumain. For the first time, kumain kami ng sabay sa recess. Noon kasi kung pupunta ako ng canteen, nasa library siya. Kung pupuntahan ko naman siya sa library, saka naman siya wala.
Nahawakan ko pa ang side ng lips niya. Ang kissable lips niya. Haha. Ang pervert ko.
Pero imbes naman na mandiri ako sa kanya kasi ang gulo at ang dungis niya kumain ng spaghetti, parang nagpasalamat pa ako sa nagluto ng spaghetti at nilagyan ng maraming sauce yung pasta at dun na rin sa nagbenta ng spaghetti at pati na rin kay Phillip na bumili ng spaghetti. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko mahahawakan ang mukha ni Alex.
Teka, hindi pala pwede kay Phillip. Siya nga pala ang naghalo ng sauce ng spaghetti ni Alex. Marami na sigurong experience ‘tong lalaking to at naisip agad yun. Lintik, naunahan pa ako.
“Mr. Lee! Are you listening?!” lagot. Masesermonan na naman ako.
“Yes sir, I was just thinking that there must be some mistake in the definitions written on the board.” sagot ko. Yung sinulat ni sir ang unang nakita ko eh kaya yun na lang ang ipapalusot ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...