Chapter 41 Everything has Changed

88 0 0
                                    

Chapter XLI    >>Everything has Changed<<

Alex’s POV

 

 

Nananaginip lang ako. Nago-overactive lang ang imagination ko. This shouldn’t be happening.

Paulit-ulit kong kinukumbinse ang sarili ko na hindi totoo ang nangyari kahapon. Pero inabot na ako ng umaga eh hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Paano ba kasi umabot sa puntong ganito? Sakit sa ulo.

*toktoktok*

“Alex! Tulog ka pa ba? Malelate na tayo sa school.” Sigaw ni Phillip. At dahil inaantok pa ako mula sa pagkakapuyat ko kagabi kakaisip sa nangyari sa auditorium, hindi na lang ako naligo at nagbihis na lang ng uniform.

“Hindi ka kakain?” tanong ni papa nang makababa ako at hindi na dumiretso sa kusina.

“Hindi na pa. Hindi ako nagugutom.” Sagot ko. Hindi naman kasi talaga ako nagugutom, inaantok ako. Ngayon lang dumalaw ang antok ko kung kailan kailangan ko nang bumangon at pumunta sa school.

“Let me carry your bag.” Sabi ni Phillip nang lagpasan ko siya habang sinusuot niya yung sapatos niya.

“No thanks.” Sagot ko. Awkward moment. Mas awkward pa pala ‘to kesa nung nagtapat din si Charles. Mas awkward kasi kaibigan ko si Phillip. Mas awkward kasi kaibigan ko siya, pero higit dun ang tingin niya sa akin. Lalo pang naging awkward kasi nakikitira siya sa amin. Kaya kahit anung gawin kong pag-iwas, hindi ko siya mapagtataguan.

“I insist. Kaya akin na.” pagpupumilit niya. Pero bago pa man niya makuha ang bag ko, lumabas na ako ng bahay at naglakad na.

Pagkalabas ko ng gate, nakaabang doon si Charles. Matagal na rin simula noong huli ko siyang nakitang nandito sa amin samantalang nasa kabilang village sila.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon