Chapter 56 My Trembling Heart
ALEX'S POV
"You're getting pretty obvious these days bro." sabi ni Phillip kay Matt. Matapos kasi niyang masabing namimiss niya si Nicole eh binigyan naman nila yun ng ibang kahulugan.
"Anong obvious? Uy huwag kayo mag-imagine ng kung anu-ano diyan ah. Hindi pa ako baliw para magkagusto dun." Sagot naman ni Matt.
"Nagdedeny ka pa diyan eh sinabi mo na nga sa akin na gus—" sasagot sana si Charles pero pinigilan siya ni Matt gamit ang kamay niya.
"Paps!!" sigaw ni Matt. Sumenyas pa siya kay Charles na itikom ang bibig niya.
"Oho. Something's up." Komento ni Phillip sabay smirk kay Matt.
"Psh. Magtigil nga kayo. Tsaka akala ko ba magkaaway kayong dalawa? Bakit ngayon kung makapanukso kayo eh parang kayo na magbestfriends? Pinagpalit mo na ba ako Charles? Umamin ka nga!" maktol ni Matt. Pinagkrus pa niya yung dalawang braso niya sa dibdib niya habang hawak hawak yung kutsara't tinidor niya.
"Sira." Sagot ni Charles.
"Hindi mo naman ako pagpapalit diba? To infinity and beyond pa tayo diba? Kaya huwag mo na akong tuksuhin dun sa halimaw na yun. Hindi na nga kita tinutukso pag andiyan si Alex tapos ganito igaganti mo sa bestfriend mong ang bait bait? Kapag ako nanukso baka magmakaawa ka pa. Kaya huwag mo akong simulan." Banta ni Matt. Para siyang bata. Pero nakakatuwang tingnan na sobrang close nila ni Charles. Minsan pa nga bigla na lang yumayakap si Matt kay Charles. Pero yung yakap na walang malisya. Parang yakap ng magkapatid kumbaga.
"Huwag mo nga ibahin yung usapan. Akala ko ba namimiss mo si Nicole?" pangiting sagot ni Charles. MEGEDNESS yan na naman yung smile niya.
"Alex oh!! Patigilin mo nga 'tong lalaking 'to." Sumbong ni Matt. Nagkatinginan naman kami ni Charles. Pero ano naman gagawin ko? Nginitian lang ako ni Charles. Yang ngiting yan ni Charles. Kailangan yata iwasan ko muna siyang tingnan sa mukha.
Kapag kasi sa mata niya ako tumingin eh pakiramdam ko mababasa niya ang nasa isip ko. Parang sinasaniban ako ng masamang laman lupa o elemento kaya parang nagiging estatwa ako kapag tumititig siya sa akin. Kapag naman sa bibig niya ako tumingin, iba pa rin sa pakiramdam.
Lalo kapag ngumiti na siya. Para akong yelong tinabi sa nagbabagang uling. Nakakatunaw. Nakakabingi. Mistulang yung tibok ng puso ko lang ang nage-echo sa paligid ko.
Anong ibig sabihin nito? Nagkakacrush na ba ako sa kanya? C-crush?
"Aren't you gonna eat?" nagising ang diwa ko nang kausapin ako ni Phillip.
"Huh?" tanong ko.
"You're dazing out again, aren't you?" ngumiti si Phillip tsaka hinilamos sa mukha ko yung palad niya.
Speaking of which, kapag si Phillip ang kasama ko, hindi ko na nararamdaman yung kaba na naramdaman ko sa kanya noong nagtapat siya sa akin sa school auditorium. Kapag ngumingiti rin siya, hindi ko na rin nararamdaman yung kilig na sinasabi ni Nicole noon.
Ano kaya nangyari? Hindi kaya dahil mas malakas ang epekto ni Charles? Ah ewan.
"Ano punta na tayo sa cinema?" anyaya ni Matt.
Wait. Konti na lang pala pera ko. Nilibre ko pala si Phillip ng lunch namin. Alangan namang magpalibre ulit ako kay Phillip eh nilibre na nga niya ako sa sandamakmak na librong nabili namin.
"Yeah sure." Sagot ni Phillip. Ilan ba lahat ng perang nadala ko? Magkano na nga ba yung kinain namin? Ilan na lang ang natira sa pera ko?
Habang naglalakad kami, kinocompute ko sa utak ko yung nagastos ko sa lunch namin. At pilit kong inaalala kung magkano yung nilagay ko sa bulsa ko bago umalis ng bahay. Bwisit bakit kasi hindi ko na lang dinala yung buong wallet ko?
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...