Chapter 25 Eyes on Me

164 1 1
                                    

Nag-update ako dahil sa alam ko ang feeling ng naghihintay sa update ng story. Sana magustuhan niyo 'to.  <3

-----------

Chapter XXV   >>Eyes on Me<<

Alex's POV

Lunes na naman, pero hindi tulad noon na parang ordinaryo na lang sa akin ang pagpasok sa school. Marami na kasi ang nagbago. Bukod sa pag-uwi ni Fifi dito sa Pilipinas, magkakasama na naman ulit kami gaya ng dati. Idagdag mo pa ang pag-amin ni Charles ng nararamdaman niya sa akin. Kung seryoso man siya o nangtritrip lang.

Kahapon, tinukso tukso ako ni Fifi dahil siya daw ang nagbuhat sa akin papunta sa kwarto ko dahil nakatulog ako habang nanonood kami ng movies. Napakabigat ko raw kahit na payat ako at maliit lang.

Isisi niya yun sa sobrang dami ng kinain namin noong sabado. Tapos sobrang napagod pa ako. Buong araw pa akong pabalik-balik sa CR kahapon kaya talagang tutuksuin ako ni Fifi.

**

Pagbaba ko sa kwarto, nakatayo na si Phillip sa may sala habang may hawak na envelope at folders. Oo nga pala, ilalakad niya yung transfer papers niya at enrolment niya. Kailangan nga pala namin siyang samahan sa pasikot sikot sa school.

Kaming tatlo lang nina papa ang nagbreakfast. Umalis daw ng maaga si mama papuntang ospital. Kaya kinailangang si papa pa ang nagluto.

Pagkatapos naming kumain, lumabas na kami ni Fifi sa bahay. Syempre dahil noon lagi kong nakikita si Charles sa daan, naging conscious ako ng konti. Konti lang naman. Pero good thing wala pa siya. Kaya naglakad na kami ni Phillip.

"Ihatid mo muna ako sa registrar niyo bago ka pumunta ng classroom niyo ha?" sabi ni Phillip.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon