Pasensya sa mga typo.
-------------------------------
Chapter XV >>Buddies for Life<<
Charles' POV
Pagkauwi ko sa bahay, napaupo ako sa may pinto dahil naramdaman kong nanghina na lang bigla ang tuhod ko. Ngayon pa lang kasi nagsisink-in yung ginawa ko kaninang umaga. Niyaya ko si Alex at pumayag siyang makipagkita sa akin sa Saturday. Sa'n ko ba nakuha yung lakas ng loob sabihin yun? At ako pa talaga nag-initiate na magkita kami!
"Nak, ok ka lang?" Sabi ni mama nang makita akong nakalupasay sa may pinto.
"Opo." sagot ko sabay tumayo na. Iniwan ko yung sapatos ko sa shoe cabinet malapit sa pinto tapos umupo ako sa sala.
"Gusto mo ng tubig?" tanong na naman ni mama.
"Ok lang po." sagot ko. Pumunta si mama sa kitchen.
*bzzzt* *bzzzzt*
Nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko.
|Punta ako bahay niyo. Wala sina ermats. Makikikain ako. Bwhahaha.|
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...