Chapter IV >>Piece of Gum<<
Alex's POV
Umagang umaga at napakaingay sa hallway. Dumaan na naman kasi si Charles. Kapag siya ang nakikita ng mga tao grabe kung makahatak ng atensyon. Sana naging bubuyog na lang silang lahat. Lumalapit na nga sa mukhang bahay-pukyutan na Charles na yun, nag-iingay pa na parang bubuyog.
Pero teka, bakit kaya nasa likod ko siya kanina? Malapit lang ba bahay nila sa amin? Ngayon ko lang siya nakita sa daanang yun ah.
Whatever. It's out of my concern.
Sa ingay ng mga classmates ko hindi tuloy ako makapagconcentrate sa librong binabasa ko.
Maingay na nga sa loob ng classroom, naging mas lalao pang maingay nang makita nila si Charles sa labas. Sana may maimbentong tahian ng bunganga. O sana ideklarang krimen ang masyadong pag-iingay.
Buti na lang nandito na si Mrs. Miguel, ang adviser naming malaki ang pangangatawan at parang panlalake ang hairstyle.
Pinagalitan ni Mrs. Miguel ang kasama ni Charles at bigla namang tumingin sa loob si Charles. Gaya kahapon parang nagulat na naman siya nang makita ako. Naguilty ako dahil parang gustong gusto niya yung librong binabasa ko kaya ganun siya makatingin. Iniba ko na lang ang tingin ko.
Nang pumasok na si Mrs. Miguel, umalis na rin sina Charles at yung kasama niya.
"This coming Friday, kailangan niyong mag register sa mga interest clubs niyo. Gaya ng nakaraang mga taon, pwede kayong pumasok sa kahit ilang interest clubs na gusto niyo as long as kaya niyong ibalance ang mga club activities pati ng academics niyo. Narito ang list ng clubs." sabi ni Mrs. Miguel.
Sinulat ni Maam lahat ng mga clubs na pwedeng salihan:
Ecology Club
Art Club
Astronomy Club
Sports Club
Booklovers' Club
Photography and Modeling Club
Dance Club
Cooking Club
Dance Club
Drama Club
Peer-tutoring Club
.
...at marami pang iba.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...