Chapter 60 >>Answered<<
ALEX'S POV
Habang nakikinig ang buong klase sa mga reminders ng adviser namin about sa darating na periodical exam, parang nahahati ang utak ko sa pag-iisip ng ireregalo bukas kay Charles at pagkakabisado ng mga pointers at range ng rereview-hin.
Ganyan ako, may saltik sa utak. Akalain mong napagsasabay ko mag-isip sa dalawang bagay. Haay.
Ano ba kasi ang pwede? Hindi naman ako sanay magregalo sa isang kaibigang lalake. Si Nicole lang nireregaluhan ko, lalo pag madaming pinapadalang damit at sapatos si papa. Eh alangan namang regaluhan ko ng damit si Charles. Hindi ko naman alam ang size ng damit at sapatos niya.
Eh kung sundin ko yung advice ni Nicole na ipagluto ko na lang siya? Pero kung magluluto nga ako, ano ang lulutuin ko? Sa bahay ba ako magluluto? Eh pano kung magtanong sina Papa kung bakit ako nagluluto ng pangmaramihan? Ano sasabihin ko? Na ipinagluluto ko ang manliligaw ko? Eh si Phillip lang ang alam niyang nanliligaw sa akin.
Buset ang daming kailangang isipin.
Nagulat na lang ako nang bigla na lang nagtayuan ang mga kaklase ko. Paalis na pala kasi ang adviser namin. Di ko man lang namalayang tapos na ang first period. Nagtatayuan na naman sila para makipagdaldalan. Pero kung dati eh nagkalat sila sa classroom, ngayon nasa paligid sila ni Phillip at kinukumusta ang paa niya.
Mga chismosang linta.
Nangalumbaba na lang ako sa ibabaw ng mesa ko at kinalikot ang kailaliman ng isip ko kung ano ang magandang idea na iregalo kay Charles.
"Bhe, pahiram ako ng mga notes mo ah. Pa-photo copy ko. Chalamat." Sabi ni Nicole sabay harap sa akin.
"Bakit wala ka na namang notes?" tanong ko. Lagi na lang kasing hinihiram ang notes ko kapag periodical exams eh.
"Meron naman pero mas detailed kasi sayo. Mas marami kang nasusulat kesa sa akin. Yung akin eh yun lang mga sinusulat ni ma'am sa board. Pahiram ah? Tinkyows." Pambihira. Lagi na lang.
"Sabay na din tayo magreview ha?" dagdag pa niya.
"Ayaw. Ang ingay mo magreview." Sagot ko. Ewan ko ba kung paano pa siya nakakapagreview. Kung si Nicole kasi ang magreview ang ingay. Parang oral reading sa harap ng stage sa lakas ng boses.
"Andamot neto. Hmp." Sagot niya sabay tumalikod sa akin.
Pero wala pang isang kurap, humarap ulit siya sa akin.
"Hindi na ba magbabago isip mo?" tanong niya.
Napaisip ako. Kailangan ko ang advice niya ngayon kaya pagbibigyan ko na lang siya.
"Sige na nga. Pero...." Sagot ko.
"Pero ano? Huwag mong sabihing pagbabawalan mo akong kumain sa bahay niyo dahil alam mong ikamamatay ko yon." Sagot ni Nicole. Utak pagkain.
"Pero ano pwedeng iregalo kay Charles bukas?" tanong ko.
"Sabi ko naman sayo ipagluto mo na lang siya eh. With the likes of you bhe, di mo naman siya pwedeng ibilhan ng damit kasi out of this world ang fashion sense mo. Kung gamit naman, baka bigyan mo lang ng libro o alarm clock, napakabaduy nun." Sermon niya. Nilalait ba niya ako o nagsasabi lang ng opinyon? Kasi pakiramdam ko nilalait niya ako ng di ko namamalayan.
"Kung ipagluluto ko siya, anong putahe?" tanong ko.
"Putahe agad? Ano ipagluluto mo ng ulam? Chusera ka. Birthday party yon hindi Dutch treat. Ipagbake mo siya mas maganda pa tingnan."
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...