Chapter 39 You Smile, I Smile

98 1 0
                                    

Chapter XXXIX    >>You Smile, I Smile<<

Charles’ POV

 

 

Kainis. Nakakahiya. Bakit ko ba kasi ginawa yun? Hindi na tuloy ako makakain.

Pagkauwi namin sa bahay matapos ihatid sina Nicole at Alex sa bahay nila, yun na lang lagi ang naiisip ko.

Alam ko hindi naman dapat big deal yun,  kasi hindi ko naman talaga inakbayan si Alex, parang pinatong ko nga lang yung braso ko sa balikat niya. Hindi pa nga akbay ang tawag dun eh. Tama, pinatong ko lang yung braso ko kasi mas maliit siya sa akin, mas matangkad ako sa kanya. Ganun lang.

Pero bakit nagiguilty ako? Bakit parang wrong move? Bakit nakakahiya at nakakailang? Ang gulo.

Lalo tuloy akong naguilty dahil nagulat siya kanina. Naiinis na tuloy ako sa sarili ko.

“Nilalangaw na yang pagkain mo.” Nagising ang diwa ko nang magsalita si papa. Kanina pa ba ako nasa harap ng dining table? Kelan?

“May problema  ba?” tanong ni mama.

“Ah, wala ho, may iniisip lang ako.” Sagot ko.

“Mukhang hindi man lang namin alam na may barkada ka nap ala anak. May mga babae pa. ^^” tuwang-tuwang sabi ni mama.

“Hindi na lang si Matt ang kaibigan mo?” dagdag ni papa.

“Ah, nagkataon lang po. Kaclub ko kasi sila.” Sagot ko.

“Sus, tinatago pa. Sinabi na sa akin ni Matt yung totoo. Kaya ok lang yan anak.” Sabi ni mama.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon